Picture of Hyoyeon :)
Hyoyeon's POV
Time: 11:31 pm
Kanina pa ako palakad lakad sa lintik na gubat na ito pero p*ta lang wala talaga akong makitang daan palabas. Naliligaw ako at hindi ko alam kung nasaan ba sila at kung saan ako pupunta. Naisip kong gamitin itong pito na nakasabit sa leeg ko pero hindi magandang ideya na gamitin ko iyon ngayon..mahirap na,baka malaman pa ng killer kung nasaan ako.
Patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa mapadpad ako sa isang madilim na bahagi ng gubat na ito..ang dilim sa lugar na ito. Babalik na sana ako pero may natanaw akong parang bahay dun sa hindi kalayuan. Hindi na ako nagdalawang isip na pumunta dun para tignan ito..
Parang hindi bahay ito dahil sa pagkakatayo nya..walang bintana..at iisa lang ang pintuan.
"Anong lugar ito?" Bulong ko sa sarili ko. Dahan dahan akong lumapit sa pintuan at dahan dahan ko itong binuksan kahit sa totoo lang ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa takot..
Bumungad sa akin ang isang makipot na hagdanan na gawa sa kahoy,pababa ang direksyon nito at wala ka na talagang ibang madadaanan dahil iisa lang ang direksyon na tinatahak nya. Hindi naman masyadong madilim sa lugar na ito dahil may mga ilaw sa gilid ng hagdan na nagsisilbing liwanag.
Kahit natatakot ako ay kusa ng maingat na naglakad ang mga paa ko pababa sa hagdan. Nang tuluyan na akong makababa sa hagdan nagtaka ako dahil ang daming pintuan dito..isa isa kong pinuntahan ang mga pintuan. Pero isang pintuan ang nakapukaw ng atensyon ko..isang kulay pulang pintuan..isang simpleng pintuan. Lumapit ako dun at dahan dahan ulit na pinihit ito..pagkabukas ko dito,nakita kong ang lawak ng lugar na ito pero hindi ko makita ang kabuuan ng lugar na ito dahil meron ilang mga pader na nagsisilbing harang..
Kinakabahan ako at sobrang natatakot..bawat paghakbang na ginagawa ko ay parang ang bigat bigat sa pakiramdam.
Dahan dahan akong naglakad..at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil nakakita ako ng mga bakas ng dugo..kahit nanginginig na ako sa takot ay sinundan ko ang mga bakas ng dugo hanggang sa.....
"H-hindi.." tuluyan ng pumatak ang luha sa mata ko at nanghina ang tuhod ko kaya napapupo nalang ako sa isang gilid habang nakatakip ang kamay ko sa bibig ko..hindi ko kaya..hindi ko na kayang makita ito...Si Sunny...wala na sya..
"S-sunny..." patuloy lang ako sa pagiyak habang iniisip ko na wala na si Sunny..na wala na ang isa sa mga bestfriend ko.. P*tang ina! Sinong gumawa nito?! T*ng ina papatayin ko sya!
Natigil ako sa pagiyak ng makarinig ako ng imipit na ungol kaya sinundan ko ito kahit hinang hina ako dahil sa nakita ko..
"Seohyun?" Mabilis akong lumapit sa kanya..nakatali sya sa isang upuan habang nakatakip ang bibig nya..
"Anong nangyari?" Mabilis kong tinanggal ang takip sa bibig nya kasabay nang pagiyak nya..
"Unnie.." niyakap ko sya at hindi ko na naman mapigilan ang pagiyak dahil sa kalagayan nya ngayon..meron syang mga sugat sa katawan.
"Aalis na tayo dito." Sabi ko at tinanggal ang pagkakatali nya sa upuan pero hindi ko ito matanggal dahil sa sobrang higpit.
"Aray! Ahh! Ang sakit unnie.." sabi nya..
"Sandali lang kukuha lang ako ng pwede natin gamitin para matanggal yang tali.." paalis na sana ako ng bigla nya akong tawagin...
"Hyoyeon Unnie..bumalik ka agad. Natatakot ako." Sabi nya habang patuloy ang pagiyak..
"Babalik ako..babalikan kita..pangako.." nagsimula na akong maghanap ng kutsilyo para matanggal ang tali..buti nalang at may nakita akong kutsilyo sa ibabaw ng lamesa..puno ito ng dugo..pero hindi ko nalang pinansin at bumalik na sa kinaroroonan ni Seohyun..
"Makakaalis na tayo dito..." sabi ko at sinimulan ko ng tanggalin ang tali pero natigilan kami ng bigla kaming makarinig ng pagbukas ng pinto at mga yabag ng paa..
"Nandyan na siya..." sabi ni Seohyun..
"Sino sya?" Tanong ko pero patuloy lang syang umiyak
"Seohyun baby nandito na ako.. Nandito na ang unnie mo.." nangilabot ako dahil sa narinig kong boses hindi lang dahil sa napakapamilyar nito sakin pati na rin dahil sa talagang nakakapangilabot ang boses nya..
"Unnie magtago ka na..baka makita ka nya.." pabulong na sabi ni Seohyun.."Hindi kita iiwan dito.." pabulong din na sabi ko pero umiling lang sya..
"Please unnie umalis ka na..kaya ko na ang sarili ko.." pilit nya akong pinaalis kaya wala na akong magawa..niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan ko sya sa noo. Papalapit ng papalapit ang mga yabag ng paa sa amin kaya ibinalik ko ang pagkakatakip sa bibig nya.
Mabilis akong nagtago sa isang malapad na kahoy na nakasandal sa pader meron maliit na butas dito kaya nakikita ko ang kinalalagyan ni Seohyun. Hanggang ngayon ay hindi ko parin mapigilan ang pagpatak ng luha ko dahil sa mga naiisip kong pwedeng mangyari...
"Seohyun namiss mo ba ako?" Halos manlaki ang mata ko ng makita ko sya dito...sya? Sya ang gumagawa ng lahat ng ito? Hindi ako makapaniwala.
napakagaling nyang umarte..isa sya sa mga pinagkakatiwalaan kong kaibigan..imposible..pero bakit? Bakit nya ginagawa ito?
BINABASA MO ANG
The Sinners (SNSD FANFIC)
FanfictionPara sa mga SONES itong story pero kung hindi naman okay lang po...maganda naman po ung story at may kwenta. Sa kwentong ito ibang SNSD ang makikita nyo.. Isang araw sana ng pamamahinga isang araw para makapagrelax..pero paano kung yung araw na yun...