Chapter Seventeen

45 0 0
                                    

Sooyoung's POV

Time: 4:20 am

"S-si Tiffany..iligtas natin sya." Yan parin ang patuloy na sinasabi ni TaeYeon.

"TaeYeon..tatagan mo ang loob mo. Diba ikaw din ang may sabi na maging matatag?" Sabi ko..hanggang ngayon ay patuloy lang ang pagtakbo namin at hindi namin alam kung saan kami pupunta dahil hindi namin alam ang pasikot sikot dito at isa pa..ang daming pintuan.

"Nasaan ba ang daan palabas?" Nagpapanic na tanong ni Yoona at isa isa nyang binuksan ang mga pintuan hanggang sa bigla syang napatakip ng bibig nya..

"Bakit?" Lumapit ako sa kanya at nakita ko si Kuya Jay na puno ng saksak sa katawan. Si Tiffany siguro ang may gawa nito..kaya nailigtas nya kami sa kamay ni Yuri kanina. Kung hindi dahil sa kanya..patay na siguro kami lahat ngayon. Nagsimula ulit tumulo ang luha ko sa tuwing naaalala ko na wala na sila. Bigla namin narinig ang boses ni Yuri kaya mabilis kaming nakapagtago pero nagkahiwahiwalay kami ng lugar. Pumasok ako sa isang kwarto at nagtago ako sa ilalalim ng maliit na mesa..

"Magtago na kayo..wag kayong lalabas,dahil kapag nakita ko kayo,papatayin ko kayo!" Nakakatakot ang boses niya. Baliw na nga talaga siya.

"Nasan kayoooo??" Para siyang isang bata na nakikipaglaro ng taguan. Nakakapangilabot siya. Mula sa pinagtataguan ko ay nakikita ko syang naglalakad habang hawak hawak niya ang isang kutsilyo..puro dugo ang katawan niya pati ang mukha niya. Nakakatakot..para siyang isang halimaw..

Napatingin sya sa kwarto kung saan ako nagtatago ngayon at dahan dahan siyang pumasok sa loob. Ang lakas ng tibok ng puso ko..

"Lumabas na kayooo.." naglakad pa sya palapit sa pwesto ko hanggang sa nasa tapat ko na ang paa niya..oras na yumuko sya ay makikita nya ako. Pakiramdam ko mamamatay na ako sa sobrang kaba palang..

"Naaamoy na kita..." sabi nya at suminghot singhot pa sya na parang aso. Pinikit ko nalang ang mga mata ko dahil sa sobrang takot. Nang wala na akong marinig na ingay ay dahan dahan kong dinilat ang mata ko at laking gulat ko dahil magkatapat na ang mga mukha namin. Ngumiti muna sya bago sabihin..

"Huli ka.."

"Aaaaahhhh!!" Hinatak nya ako palabas pero nagpumiglas ako. Nang mailabas niya ako ay mabilis nyang hiniwa ang kaliwang braso ko kaya nakaramdam ako ng sakit. Naramdaman ko din ang pagagos ng dugo mula dito. Sinipa ko sya sa tiyan kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makagapang palabas pero hiniwa nya naman ang kanang binti ko at hinila nya ako pabalik..dumagan sya sakin at itinaas nya ang hawak nyang kutsilyo..

"Katapusan mo na." Akmang sasaksakin nya na ako pero biglang may humampas sa kanya mula sa likuran at nakita ko si TaeYeon habang hawak nya ang isang mahabang kahoy.

"Aaaahh!" Hiyaw ni Yuri..nakita ko ang pagtulo ng dugo mula sa ulo niya pero pilit parin syang tumayo.Mabilis akong tinulungan ni TaeYeon na tumayo para makaalis doon pero hinawakan sya sa paa ni Yuri kaya nadapa siya..

"TaeYeon!"

"Aaahhh!" Mabilis na nasaksak ni Yuri si TaeYeon sa tiyan. Kinuha ko ang kahoy at ihahampas ko sana sa kanya pero napigilan niya ang kamay ko kaya nabitawan ko ito. At muli nya akong nasaksak sa may tagiliran ko..kaya nanghina ako bigla. Tumingin ako kay TaeYeon at nakita ko kung paano na sya nahihirapan dahil sa pagkasaksak sa kanya..meron na din tumutulong dugo mula sa bibig nya..TaeYeon lumaban ka..lalaban tayo. Pinilit kong tumayo pero nahihirapan na ako..

"M-masyado niyo akong pinapahirapan..." tumayo si Yuri sa harap namin dalawa ni TaeYeon. Pagkatapos ay ika ika syang lumabas ng kwarto at ewan ko kung ano ang balak niyang gawin. Kahit hirap ako ay pinilit kong gumapang palapit kay TaeYeon.

"T-taeYeon..l-lumaban ka..l-lalaban tayo.." hinawakan ko ang kamay nya "h-huwag k-kang susuko." Dumilat sya at bahagyang ngumiti sa akin. Pagkatapos ay unti unti nya ng ipinikit ang mata niya.

"TaeYeon! TaeYeon please..wag kang sumuko..." pilit ko syang ginising pero hindi na sya gumalaw at unti unti ng nawawala ang pulso niya. Wala na naman akong ibang nagawa kung hindi umiyak..

Nabigla ako ng biglang pumasok si Yoona sa kwarto at may dala siyang kutsilyo. Tinitigan nya si TaeYeon at nakita ko rin ang pagpatak ng luha sa mata niya.

"W-wala na siya.." sabi ko

"Huwag kang magpahalata na alam mong nandito ako.." pabulong na sabi nya at ng makarinig kami ng yabag ay mabilis syang nagtago sa likod ng pintuan para hindi sya makita ni Yuri.

Bumalik sya ng may dalang...gas? Pagkatapos ay ibinuhos nya ito palibot sa amin ni TaeYeon..

"Y-yoona..lumabas ka na dyan sa tinataguan mo, kung gusto mo pa silang makitang buhay.." sabi nya. Nakita ko ang hawak niyang kutsilyo at posporo kaya kinabahan na naman ako..wala na akong magawa para makalaban dahil nanghihina na ang buong katawan ko..sana..matapos na ang lahat ng ito.

Yoona's POV

Time: 4:55 am

Nagtago ako sa likod ng pintuan para hindi ako makita ni Yuri.

"Y-yoona..lumabas ka na dyan sa tinataguan mo, kung gusto mo pa silang makitang buhay.." pagkatalikod nya ay lumabas ako sa pinagtataguan ko at mabilis ko syang sinaksak sa likuran nya..

"Aaahhh!" Hiyaw niya pero mabilis syang humarap sa akin at nahiwa ng kutsilyo nya ang kanan pisngi ko, sinipa nya ako ng malakas kaya tumama ang ulo at likod ko sa pader. Wala akong masabi sa lakas niya. Kahit na nasaksak ko na sya ay nagagawa niya pang lumaban. Lumapit sya sakin at itinaas nya ang kutsilyong hawak nya para isaksak sakin pero nakita ko si Sooyoung na tumayo..kinuha nya ang isang kutsilyo at mabilis nyang nasaksak sa likuran ulit si Yuri kaya napaupo sya..ganun din si Sooyoung dahil sa panghihina

"H-hindi ako papayag na ako lang. Sabay sabay tayong mamamatay!" Sinindihan nya ang posporo at inihagis ito kaya mabilis nagkaroon ng apoy dahil sa gas na kinalat niya..

"Umalis na tayo dito!" Inakay ko si Sooyoung palabas sa kwartong yun. Binuksan namin ang bawat pintuan na madaanan namin para malaman namin ang daan palabas. Hanggang sa mabuksan namin ang isang pintuan at meron itong hagdan pataas meron din akong nakikitang liwanag mula dito..

The Sinners (SNSD FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon