TaeYeon and Tiffany pic :)
Tiffany's POV
Time: 3:47 am
Huli na ako ng makarating doon dahil wala na si Jessica. Pinigilan kong mapalakas ang iyak ko dahil baka marinig nya ako. dahan dahan akong naglakad palapit sa kanila..
"Sinong susunod?" Sabi nya pero puro iyakan lang ang maririnig mo sa kanila. Napatingin sakin si Sooyoung kaya sinenyasan ko syang wag maingay. Dahan dahan akong lumapit sa kanya dahil nasa likuran sya ni Yuri. Nakita ako ni TeaYeon at ni Yoona kaya gumawa sila ng paraan para hindi tumingin sa likuran si Yuri..
"Isa kang baliw!" Narinig kong sigaw ni Yoona kay Yuri. Maingat kong tinanggal ang pagkatali ni Sooyoung sa kamay at paa.
"Siguro nga baliw na ako. Pero kahit ano pang sabihin niyo sakin,papatayin ko parin kayong lahat!" Sa wakas ay natanggal ko din ang pagkatali ni Sooyoung pero ng patayo na sya ay may nataamaan syang isang bagay kaya nakagawa kami ng ingay dahilan para tumingin samin si Yuri..
"Bakit nandito ka?!" Tanong nya pero hindi ko sya sinagot at tumakbo ako sa kanya para saksakin sya pero napigilan nya ang kamay ko kaya natumba kami pareho..
"Tiffany!" Narinig kong sigaw ni TaeYeon..
"Sooyoung..p-pakawalan mo na sila dalian mo!" Dinaganan ko si Yuri para hindi sya makatayo.
Ibinato ko kay Sooyoung ang kutsilyo para matanggal niya ang tali sa kamay ni TaeYeon at Yoona. Pilit kong hinawakan ang kamay ni Yuri para hindi sya makaalis."Mga bwisit kayo! Bitiwan mo ako!" Nagpumiglas sya sakin naramdaman kong nasugatan nya ang kamay ko dahil may hawak pa syang kutsilyo..
"Tiffany tara na!" Haya sakin ni Sooyoung.
"Mauna na kayo! Dali!" Sabi ko
"Hindi ka namin iiwan!" Sabi ni TaeYeon. Kinuha nya ang hawak na kutsilyo ni Sooyoung at sinaksak nya si Yuri pero hindi nya natamaan dahil agad nakailag si yuri..
"Aahh! Mga hayop kayo! Pagnakawala ako dito papatayin ko kayo!" Hiyaw ni Yuri.
Nabigla ako ng biglang may pumukpok na tubo sa likod ko kaya napahiga ako sa sahig. Idinilat ko ang mata ko at nabigla ako dahil nakita ko si Yoona na may hawak na tubo..ibig sabihin siya ang humampas ng tubo sakin.
Yoona's POV
"Yoona..." tila hindi rin makapaniwala si Sooyoung at Taeyeon dahil sa ko..
"Good job Yoona..good job." Sabi ni Yuri habang tumatayo sya mula sa pagkakahiga..
"Yoona,a-anong ibig sabihin nito? K-kakampi ka niya?" Tanong ni Sooyoung. Napayuko nalang ako dahil doon..hindi ko ginustong gawin ito..
Flashback
Time: 2:04 am
Nagising ako na nandito sa isang madilim na kwarto. Ang naaalala ko lang ay may usok na lumabas tapos ay nakaramdam na ako ng hilo at parang inaantok ako..at ngayon ay nagising ako na nandito na at nakatali ang mga kamay at paa ko. Maya maya lang ay bumukas ang pintuan at nakita ko si Yuri?
"Yuri.."
"Hi Yoona..kamusta?" Umupo sya sa harap ko at ngumiti ng malapad.
"I-ikaw ba?" Tanong ko sa kanya
"Ako nga. Ako ang gumawa ng lahat ng ito."
"P-pero b-bakit?" Ngumiti sya sakin bago magsalita..
"Wag kang magalala..wala akong gagawin masama sayo...KUNG..susunod ka sa gusto ko.." kumunot ang noo ko..tumayo sya at naglakad lakad sa harap ko.
"Ang gusto ko ay tulungan mo akong patayin silang lahat." Nagulat ako sa sinabi nya..
"Sira ka ba? Hindi ko gagawin yun!" Ngumisi sya sakin at umupo ulit kaharap ko..
"Then wala akong choice kung hindi patayin ka din."
"Patayin mo na ako! Pero hindi ko magagawang patayin ang mga kaibigan ko!" Hinaplos niya ang pisngi ko..
"Kahit na sabihin kong..kaya ko din patayin ang buong pamilya mo?" Nagulat ako sa sinabi nya..
"Wag mong idadamay ang pamilya ko dito!" Kahit sana ako nalang wag lang ang pamilya ko..
"Kung ayaw mong gawin ko yun...edi sumunod ka sa gusto ko.."
End of flashback
"Sorry.." halos bumulong nalang ako dahil sa kahihiyan. Hindi ko ginusto ito...napilitan lang ako..
"Walang hiya ka!" Susugod sana sakin si Sooyoung pero pinigilan sya ni TaeYeon..
"Yoona ano pang hinihintay mo ? Patayin mo na sya!" Kahit labag na labag sa kalooban ko ay nanginginig na itinaas ko ang tubong hawak ko..
"Wag mong gawin yan Yoona! Kaibigan natin si Tiffany! Maawa ka sa kanya.." narinig kong pagmamakaawa ni TaeYeon. Pumikit ako bago ko ihampas ang tubo kay Yuri,natamaan ko sya sa kanang balikat nya kaya napaupo sya sa sahig..Nagulat sila dahil sa ginawa ko pati si Yuri,nakita ko kung paano nagapoy ang mata niya.
"Humanda kayo!!" Sigaw niya sa amin kaya Binitawan ko ang hawak kong tubo at mabilis kong itinayo si Tiffany..tinulungan naman agad nila ako.
"Im sorry Tiffany..patawarin mo ako " ngumiti lang sya sakin at nagsimula na kaming maglakad nanghihina na si Tiffany kaya medyo mabagal ang pagtakbo namin kaya mabilis na nahatak ni Yuri si Tiffany..
"Tiffany!" Sigaw namin lahat..
"U-umalis na kayo.." sabi nya..nakita namin na sinaksak sya ni Yuri sa likuran..
"Aaaahhh!"
"Tiffany!!" Tatakbo na sana si Taeyeon palapit sa kanya pero pinigilan namin sya at pilit namin syang hinatak ni Sooyoung paalis..
"S-sandali..w-wag natin iwan si Tiffany! Bitawan niyo ako! Si T-tiffany!" Patuloy lang syang humagulgol habang sinasabi yun.
Yuri's POV
Mabilis kong nahatak si Tiffany mula sa kanila at sinaksak ko sya sa likuran nya. Nakita ko pa kung paano nagwala si TaeYeon dahil dun. Alam ko kung gaano sya ka close sa babaeng ito kaya ganun sya makapagreact..sayang, sana pala pinakita ko sa kanya ng harap harapan kung paano ko patayin ang pinakapaborito niyang member.
"N-nakaganti na ako s-sayo..p-pinatay ko na ang d-demonyo mong k-kapatid ..." ano? Pinatay nya si Kuya? W-wala na si kuya? Hindi..h-hindi maaari..
"Hindi!! Hindi!!" Sinaksak ko sya ng sinaksak sa buong katawan niya..pinatay nya si kuya..pinatay nya ang kuya ko..ang nagiisa kong kakampi!
"Pinatay mo ang kuya ko!" Hindi ako tumigil sa pagsaksak sa kanya kahit na wala na syang buhay..
"Pagbabayaran niyo lahat ng ito!!" Halos mabutas na ang tiyan niya dahil sa sobrang dami ng saksak ko ..kulang pa yan sa pagpatay niya sa kuya ko!
Wala na silang itinira sa akin..lahat na lang kinuha nila..nawala na lahat ng kaligayahan ko.
Sisiguraduhin kong mamamatay kayong lahat!
BINABASA MO ANG
The Sinners (SNSD FANFIC)
FanfictionPara sa mga SONES itong story pero kung hindi naman okay lang po...maganda naman po ung story at may kwenta. Sa kwentong ito ibang SNSD ang makikita nyo.. Isang araw sana ng pamamahinga isang araw para makapagrelax..pero paano kung yung araw na yun...