Seohyun's Picture :)
Killer's POV
Time: 11: 44 pm
"Seohyun namiss mo ba ako?" Pagkarating ko naabutan ko siya na iyak ng iyak at halatang takot na takot.
"Ano ba yan,wala pa naman akong ginagawa pero nanginginig ka na agad sa takot,tss." Lumapit ako sa kanya at marahas na tinanggal ang tape na nakatakip sa bibig nya.
"U-unnie p-please..w-wag mong gawin s-sakin ito.." pagmamakaawa nya pero ngisi lang ang isinukli ko sa kanya..
"Ang plastic mo din no? Akala mo kung sinong mabait pero ang totoo hindi naman. Hoy wag kang umarte..para sabihin ko sayo,nakakasuka ang pagkukunwari at pagbabait baitan mo."
"Bakit mo ginagawa ito ha?! Ano bang kasalanan ko sayo?!" Nagpumilit syang makaalis sa pagkakatali nya sa upuan. Nilapitan ko sya at marahas kong hinila ang buhok nya. Halos mapasigaw na din sya dahil sa pagkakahatak ko ng buhok nya..
"Kasalanan mo sakin?! Hindi mo alam?! Marami! Marami kang kasalanan sakin! Marami kayong kasalanan sakin! Kayo lahat ang sumira ng buhay ko! Kayo ang dahilan kung bakit ako naging ganito! Gusto mo bang ipaalala ko pa sayo ang lahat ng ginawa mo sakin?!" Binitawan ko ang buhok nya kasunod ng malakas na pagsampal ko sa pisngi nya..
"Ikaw..Kayo..kayo ng mga walang hiya mong kaibigan..diba kayo ang dahilan kung bakit nawala lahat ng pangarap ko? Kung bakit nawala lahat ng mga taong nagmamahal sakin?" Dahil sa sinabi ko ay napatigil sya sandali sa paghagulgol..
"I-ikaw s-si..."
"Ako nga. Ako ang taong matagal niyo ng pinatay. Pero eto ako..nasa harap mo at buhay na buhay."
"P-patawarin mo ako. M-matagal ko ng pinagsisihan lahat ng maling ginawa ko sayo." Nakatanggap ulit sya ng isang malakas na sampal dahil dun.
"Huli na para humini ng tawad. Sinira niyo na ang lahat...pati ang pagkatao ko." Kinuha ko ang isang mahabang tubo sa may gilid ng pader at pinaglaruan ko ito sa kamay ko.. "Lahat ng kasalanan ay may kabayaran...at iyon ay kamatayan.."
"U-unnie please m-maawa ka.."
"Hindi ka naman naawa sakin noon diba? Kaya bakit ako maaawa sayo?" Ngumisi ako sa kanya bago ko ihampas ang tubo sa kaliwang braso nya..
"Ahhhh!!" Tumumba ang upuan na kinauupuan nya dahil sa lakas ng pagkakapalo ko. Sa tingin ko inilalabas ko ngayon lahat ng galit at poot ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya para tanggalin ang pagkakatali nya sa upuan..
"P-please maawa ka.." hindi ko pinakinggan ang sinabi nya at hinampas ko ulit sa ng tubo sa binti nya..napasigaw na naman sya dahil dun..
"P-arang awa mo na..." muli nyang pagmamakaawa pero wala na talagang natitirang awa sa puso ko..galit..galit lang ang laman ng puso ko. Hinampas ko sya sa kabila nyang balikat...sa binti..puro hiyaw at iyak lang ang maririnig mo mula sa kanya. Muli ko sana syang hahampasin ng biglang....
"Tama na!!!"
Hyoyeon's POV
"Tama na!!!" Hindi ko na kaya..hindi ko na kayang makita ay sikmurain lahat ng ginagawa nya kay Seohyun..alam ko na ang lahat..alam ko na kung sino talaga sya..
"Oh Hyoyeon nandito ka pala? Bakit ngayon ka lang lumabas?" Nginisian nya ako kaya sinuklian ko din sya ng isang ngisi..
"Pakawalan mo si Seohyun." May diin ang pagkakasabi ko nun..
"Eh kung ayaw ko?" Mapanginis na sabi nya..
"Demonyo ka! Isa kang demonyo!"
"Pare pareho lang tayo. Lahat tayo demonyo! Kaya wag kang umarte na para kang isang santo! Dahil alam ko lahat ng baho mo Hyoyeon!" Yung kaninang galit nyang mukha ay biglang napalitan ng ngisi..para syang baliw..nakakatakot.. "Hyoyeon...Sino ba talaga ang isang Hyoyeon Kim?" Sabi nya at naglakad palayo sa akin.. "Si Hyoyeon Kim ay isang malanding babae...Tama?" Muli syang ngumisi sa akin ..
"Hindi ako malandi.."
"Talaga? Diba inahas mo sa akin noon ang lalaking mahal ko? Inahas mo sa akin si Ryan dahil malandi ka!" Nakita ko ulit ang galit sa mukha nya.. (guys hula ko lang ulit yung name na Ryan kunwari ex nalang sya ni Ms Killer at ni HyoYeon..)
"Hindi ko sya inahas sayo..kusa syang lumapit sa akin at alam mo ba kung bakit?" Binigay ko sa kanya ang pinakamatamis kong ngisi.. "Kasi ang sabi nya sakin. Ang boring mo daw kasama..wala ka daw ibang inisip kung paano ka sisikat..." kitang kita ko sa mukha nya ang pagkainis kaya sasagadin ko na.. "At ang sabi nya hindi ka naman daw nya talagang mahal ang habol nya lang daw sayo ay ang katawan at pera mo.." mula sa pagkainis ay napalitan ulit ito ng pagkalma..grabe baliw talaga sya..
"Wala na akong pakealam..matagal ko na naman tinapos ang buhay ng gag*ng iyon.." nagulat ako sa sinabi nya sya ang pumatay kay Ryan?
"Tatapusin ko na ba ang buhay ng mahal niyong bunso?" Umupo sya sa tabi ni Seohyun na ngayon ay halos nakapikit na dahil sa sinapit nya.
"Tigilan mo sya!!!" Tumayo sya mula sa pagkakaupo at inayos nya ang hawak nyang tubo..
"Ayoko nga." Sabi nya at hinampas nya ng malakas sa ulo si Seohyun..nakita ko ang unti unting pagpikit ng mata nya at pagtulo ng dugo sa ulo nya.
"Seohyun!!!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at inayos ko ang hawak kong kutsilyo na kinuha ko kanina at kasabay ng pagtulo ng luha ko ay tumakbo papunta sa kanya para saksakin sya pero mabilis nya akong hinampas sa braso ko kaya napaupo ako. Tumalsik din ang hawak kong kutsilyo sa kamay ko. Eto na ba ang katapusan ko?
Killer's POV
Binitawan ko ang hawak kong tubo at pinulot ko ang kutsilyo sa sahig..
"Masakit ba? Tsk ikaw kasi e..agad kang sumusugod, yan tuloy.." umupo ako sa harap nya at itinutok ko ang kutsilyo sa harap ng mukha niya..
"Handa ka na bang mamatay?" Sabi ko sa kanya pero nginisian nya lang ako..
"Pagbabayaran mo din lahat ng ito.." galit na sabi nya..
"Ang tapang mo talaga Hyoyeon..pero tignan natin kung hanggang saan ang tapang mo." Sabi ko itinusok ko ang kutsilyo sa tiyan nya..hindi ko syang narinig na sumigaw pero ramdam ko ang pagdiin ng hawak nya sa may braso ko..
"Hindi ba masakit?" Pinaikot ko ang hawak kong kutsilyo sa loob ng tiyan niya..mas lalong dumiin ang pagkakahawak nya sa braso ko at napapapikit na rin ang mata niya sa sobrang sakit..nararamdaman ko ang pag agos ng dugo nya sa kamay ko at nakikita ko rin ang lumalabas na dugo mula sa bibig nya..nakikita ko rin ang pamumutla ng katawan nya..tsk tsk kawawang Hyoyeon..
"P-pag b-babayaran m-mo i-ito.." tss kahit hirap na sya nakuha pa nyang magsalita..
"Paalam Hyoyeon..." bulong ko sa kanya bago ko tuluyan itusok ang kutsilyo sa kaloob looban nya..
"Bayad na kayo sa akin.." Inilagay ko ulit sa ibabaw ng lamesa ang ginamit kong kutsilyo at naghugas ako ng kamay..pagkatapos ay pumunta ako sa board at minarkahan ng X ang pangalan ni Seohyun at ni Hyoyeon bago ako tuluyan umalis para makipagplastican na naman sa mga plastic kong "kaibigan"...
BINABASA MO ANG
The Sinners (SNSD FANFIC)
FanfictionPara sa mga SONES itong story pero kung hindi naman okay lang po...maganda naman po ung story at may kwenta. Sa kwentong ito ibang SNSD ang makikita nyo.. Isang araw sana ng pamamahinga isang araw para makapagrelax..pero paano kung yung araw na yun...