Chapter 5

6.6K 133 5
                                    

Belle's POV

Unti - unti kong namukhaan ang mga lumalapit sakin. Napahinga ako ng malalim ng nasiguro ko na sila yun.

Sila ate Patricia, Dominique, Mollie, Karille at kuya Dexter. I began to panic kasi may dala silang tali and wires? Di ko namalayan na tumatakbo na pala ako dahil hinahabol na nila ako.

Nawala si kuya Dexter at pagharap ko nasa unahan ko na sya. "Huli ka!" sigaw nya at binuhat nya ko. Pumunta naman papalapit samin si ate Patricia at tinali ako. Ang masakit pa, wire yung ginamit nya sa kamay ko at dinala ako sa swing at dun tuluyang tinali. Nilagyan din nila ng tali yung bibig ko.

"Grabe ka naman Belle. Nagpakahirap ka pang tumakbo at pahabulin kami eh dito rin naman ang bagsak mo." sabi ni ate Patricia na parang hinihingal pa.

Sinampal ako bigla ni Karille. Ang lakas non kaya napaluha ako."Bibwit ka! Ng dahil sayo nagbreak kami ni Angelo." sabi nya ng puno ng galit.

Sinampal ulit ako, but this time si ate Dominique na. "Lintik! Alam mo ba na dahil sayo pinalayas ako ng tatay ko!" iyak na ko ng iyak. Tinanggal naman ni ate Patricia yung tali sa bibig ko. Inangat nya yung mukha ko at hinawakan yung magkabilang dulo ng mukha ko using one hand.

"Alam mo ba ng dahil sa inyo ng mga kaibigan mo, hindi pinanindigan ni Gary ang anak namin.Nakipag hiwalay sya sakin after kong makick out." gigil na gigil sya sa mukha ko habang nagsasalita. Tinabig naman ni ate Mollie yung kamay ni ate Patricia at hinigit ang buhok ko.

"Ahhh, ate please tama na, ang sakit sakit na po." sabi ko pero hindi ako makasigaw kasi nanghihina na ko. Kung nagtataka kayo kung bakit walang tao dito, malayo na kasi 'to sa school at malayo pa sa bahay namin. Hindi naman kami natatakot dito kasi eversince 5 years old kami nila Anne dito na kami eh. Wala lang talagang mga bahay na malapit dito.

"Coleen Isabelle Ramirez Miranda." sabi ni ate Mollie habang mas hinigpitan ang hawak sa buhok ko. "Alam mo ba na dahil sayo, pinadala ako ng tatay ko sa probinsya at dun ako pinatira?Nagawa kong magsaka para lang may makain. Itinakwil nya ako ng dahil sayo." sabi nya at sobra sobra ng higpit ng hawak nya sa buhok ko." Dexter simulan mo na." sabi nya at binitiwan nya ng pahigit ang buhok ko.

Mas kinilabutan ako ng nakita kong naghuhubad ng sinturon si kuya Dexter. Nilagyan ulit nila ng tali ang bibig ko. Pero bago pa man mangyari ang gagawin nila may dumating na limang lalaki na naka motor. Akala ko kakampi nila yung pero hindi pala kasi napamura si ate Patricia.

Nabigla naman ako ng makita ko ang Dark 5. Sinuntok ni kuya Dexter si Aaron pero sinikmuraan lang sya nito at binalibag eh hindi na ito nakatayo. Naglabas ng kutsilyo si ate Patricia at halatang nagulat si Vincent (Dave). Namangha naman ako sa kanila lalo na kay Vincent kasi ang bilis nyang napatumba si ate Patricia. Tumakbo naman agad sya sakin at inalis ang tali ko sa bibig.

"Okay ka lang ba?" tanong nya habang patuloy pa rin na inaalis ang mga tali ko. "Shit! Bat kasi wires pa to eh." ramdam ko yung sakit ng kamay ko dahil sa wires. Medyo tusok tusok din yun eh. After some minutes, naalis nya na lahat. May dumating din na mga pulis." Okay ka lang ba?" tanong nya ulit.

Napayapos naman ako sa kanya kasi natatakot parin ako. "Shhh, tama na. Okay na, ligtas ka na. Si Luis na lang magsasabi sa mga pulis ng nangyari. Iuuwi muna kita." sabi nya at inalis ang yakap ko. Nabigla naman ako ng binuhat nya ko. "Sorry ha, motor lang kasi dala namin eh." Nginitian ko na lang sya at sumakay na.

Hindi ko alam yung nararamdaman ko pero I feel safe when he hugged me. Feeling ko wala ng gagalaw sakin. But expression lang siguro talaga yun kasi kahit siguro naman matatakot eh. Nakita kong bumaba sya sa tapat ng building. Condo nya ata to. Bigla na lang kasing nagdilim ang paningin ko pagbaba ko ng motor at naramdaman ko na binuhat nya ko.

Written by: dazzledeyez

My Secret Admirer is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon