Chapter 39

3K 60 0
                                    

Belle’s POV

Summer.

Nasa Batangas kami ngayon ni Vincent, Myca, Luis, Kyzelle, Aaron at Miguel. Hindi sumama samin si Andrew at Anne dahil may mahalaga daw silang aasikasuhin. Umalis papuntang ibang bansa ang parents ko para iayos ang bahay na titirhan ko pagpunta ko dun para mag aral sa college.  At hanggang ngayon hindi pa rin alam ni Vincent ang tungkol sa pag alis ko.

First monthsarry namin nung isang araw kaya sya galante. Libre nya kami lahat. Dapat nga hati kami kaso ‘he insists’ daw. Pagbigyan haha. Actually pang apat na araw na namin dito at 3 days pa ang itatagal namin. Napabuntong hininga na lang ako. Ang bilis. Kung bibilangin ko sa kalendaryo, bilang na lang talaga ang mga linggo ko. Baka nga sa sobrang bilis ng araw ng hindi ko namamalayan aalis na pala ako.

Naramdaman ko ang pagpatong ng isang jacket sa balikat ko. Pagtingin ko si Vincent pala. Gabi na ngayon at hindi lang ako makatulog dahil sa sinabi ni Myca. Sabi nya kasi dapat daw sabihin ko na kay Vincent dahil nagiging unfair na daw ako. At least daw makakapaghanda sya kahit papaano.

 

“Kanina ka pa bumubuntong hininga ah. May problema ba?” sinandal ko ang ulo ko sa balikat nya. Kilalang kilala nya na talaga ako. Minsan nga daig nya pa ang mga best friend ko sa pag alam kung may iniisip ako o ano.

 

“M-may gusto sana akong sabihin sayo.” sabi ko.

 

“Basta ba hindi ka makikipag break ayos lang.” biro nya. Napatingin naman ako sa kanya.

 

“Wag ka ngang mag isip ng ganyan. Dalawang taon tayong naghintayan tapos hihiwalayan pa kita? No thanks.” Nag shrug lang sya at ginulo ang buhok ko. “K-kasi ano, s- sa P- Princeton Academy sa Canada ako magka college.” Sabi ko habang nakatungo. Ilang minuto ang dumaan pero hindi sya nagsasalita kaya tumingala na ko. Nakangiti pa sya. “Masaya ka kahit aalis na ko?”

 

“Syempre hindi. Hinihintay ko na lang naman kasi na ikaw ang mag sabi nan sakin eh. Actually nung nalaman ko na nag exam ka dun nag try din ako and with a big miracle nakapasa ako. May iba ding nakaalam na dun ka na maga aral that’s why I’m wondering if I could go there with you.” tanong nya. Nagulat ako pero automatic na humindi.

 

“Ayoko. May kailangan ka pang gawin. K-kaya naman siguro natin ang long distance diba? At isa pa mas maha-“ he gave me a peck.

 

“No. Ikaw ang pinaka mahalaga para sakin.” If this was another situation I might blush pero hindi. Nagiging selfish na naman sya.

 

“Your family is the most important Vincent. Oo pwedeng priority mo rin ako but I should be at least on the 3rd. Magagalit ako pag pinilit mo pang sumama.” Napasimangot sya. 2 weeks after maging kami, tinanong ko sya kung bakit sya naging gangster. Kinwento nya naman lahat.

Na kidnap daw ang mama nya nung 11 sya. After 3 months, sinunod ang nanay ni Aaron at Andrew at pagkatapos lang ng ilang araw ay ang nanay naman ni Miguel at Luis. Naging magulo ang pamilya nila dahil nawala ang ilaw ng tahanan sa kanilang magpi pinsan. Ang tatay nya at ang mga tito nya ay pilit hinanap ang mga ito pero may nagsabi na nadala daw agad sila sa ibang bansa. After 2 years, bumagal ang kaso. Walang napala ang kapangyarihan ng pamilya ng mga Roxas dahil mukhang mas makapangyarihan pa ang kumakalaban sa kanila.

My Secret Admirer is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon