Chapter 32

2.9K 57 3
                                    

Belle’s POV

Kinalimutan ko lahat ng nangyari pagkatapos ibigay ni Vincent sakin yung regalo nya. 18 na ko. Ayoko ng maalala pa yung mga bagay na makakasakit sakin. Gusto ko ng kalimutan na yung mga bagay na yun kahit alam kong sobrang imposible.

 

“Hey! Akala ko ba gutom ka? Bat ayaw mong galawin yang pagkain mo?”  tanong ni Aaron. May club meeting sila Anne at Myca ngayon kaya si Aaron lang ang kasama ko.

“Ha? Wala lang. Nga pala, bakit sakin ka sumasabay ngayon? Diba may usapan kayo ng mga kaibigan mo na pag lunch sa kanila ka sasama?” naalala ko nung isang beses, narinig kong nag – uusap sila. Wala nun si Vincent eh. Nag – aaway sila pero maingat sila sa pagsasalita. Ang gusto kasi nung tatlo sa kanila lang sasabay si Aaron. Nag Japanese language sila kaya hindi ko na naintindihan. Ang ending, tuwing recess sasabay sakin si Aaron at lunch sa kanila tutal yun ang pinakamahabang breaktime.


“Bakit, gusto mong mag lunch kasama si Vincent?” he asked seriously. Kinwento ko kasi sa kanya yung nangyari last 2 weeks.  September na kasi ngayon at alam kong sobrang bilis na ng panahon. Lagi naman. Inirapan ko na lang sya. “Kumain ka na lang kasi. Mamaya gegerahin na naman ako nung dalawang baliw mong kaibigan lalo na si Myca.”

                                                     

“Gusto mo ba si Myca?” kasi madalas nagrereklamo sya sa ugali nun tapos nag –iiba talaga sya pag si Myca na ang topic. Diba pag ganon parang attracted ka na sa isang tao? Tapos si Myca ganun din.

 

“Kung ano ano na sinasabi mo. Kumain ka na lang kasi.” Pag iwas nya sa tanong ko. Napa smirk na lang ako. Huli ka men! “May dumi ka sa bibig.” Nagulat naman ako pero pinunasan ko. “Tsk ako na nga.” Kinuha nya yung tissue sa kamay ko at sya ang nagpahid.

*BLAAAAAG

Halos mapatalon kami dahil sa lakas nung bagsak. Pagtingin ko sa kanan ko. Nakita ko si Vincent na nakatayo sa harap ng durog durog na upuan. Napa – gasp naman lahat ng estudyante sa canteen. He made a scene.

 

“Sh*t. Belle saglit lang ha.” Sabi ni Aaron ng makita nyang lumabas ang 4 na members ng Dark 5. Ano na naman bang problema nung lalaking yun?

Aaron’s POV

Sinundan ko agad sila Dave palabas ng canteen at tinawag ko sya pero hindi sya nalingon. Pumasok silang apat sa tambayan namin. Nakatungo lang yung tatlo dahil alam nilang sobrang galit si Dave ngayon.

“Tol ano--- aaaaah!” napatigil ako dahil sa lakas ng suntok ni Dave. Parang tumagilid yung panga ko.

“Dave!” awat ni Andrew pero tinabig nya lang yung kamay nito. Tatayo na sana ako ng hawakan ni Dave yung kwelyo ko ng sobrang higpit.

“You f*ckin @ssh*le. Anong gusto mong palabasin ha! Na ikaw pwedeng lumapit kay Belle? Na ikaw na ang kasama ngayon. Akala ko kaibigan kita pero tray—“ sinuntok ko sya pabalik.

 

“G@go ka pre! babae lang yan magwawala ka ng ganyan? Gamitin mo yan--“

 

*BLAAAG

T@*****! Wag mong ipamukha sakin yung mga bagay na hindi ko magawa. h@yop ka! Pag ako secret admirer lang samantalang ikaw kung makaasta parang syota ka na nya.” Sigaw nya pagkasuntok sakin.

“T@******! Tol tandaan mo, ikaw ang pumayag sa ******** idea na yan. wag mo kong sisisihin kung duwag ka at hindi mo kayang ipaglaban yang ********* nararam------“

 

“You both f*cking shut up!” napatigil ako sa pagsasalita ng sumigaw si Andrew. Sumisigaw lang sya pag sobrang gulo na namin kapag nag aaway. At ito ang pangatlong beses na nangyari ‘to. “Stop answering him  Aaron. At ikaw naman Dave, stop acting like a f*cking bastard. Magpipinsan tayo at hindi dapat natin kinakalaban ang isa’t isa. Ng dahil sa isang babae nagkakaganyan ka na?”

 

Nagulat kaming lahat ng higitin ni Dave ang kwelyo ni Andrew at akmang susuntukin nya ito. “You’re too desperate Dave. Walang mararating yang galit mo. Now put your goddamn hand and calm down.” Nanginginig sa galit na binitawan ni Dave ang kwelyo ni Aaron. Binaksak nya ang pinto ng room at halos masira ito sa lakas ng pagbagsak.

“Sorry tol.” Sabi ko.

 

“Fix this Aaron. Hindi natin alam kung isasama tayo ng elders sa ikalawang gang war sa summer. Hindi tayo pwedeng masira ng dahil sa lintik na babaeng yan.” – Andrew

“Anong ibig mong sabihin?”

                                                     

“Stay away from her. Alam mong minsan lang ako magsalita pero sisiguraduhin kong lalayo sa inyo si Belle kapag hindi ikaw ang unang lumayo. I said it and I mean it.” Cold nyang sabi at lumabas na rin ng room.

 

“Tol, sundin mo na muna si Andrew. Maiinit ang ulo nila eh.” – Miguel

“Para kang tanga dude! Mukha kang babae eh.” Pagbibiro ni Luis para matanggal ang mabigat na atmospera sa room na yun kahit kami na lang tatlo.

Nangyari na to dati. Nung nag away si Jed at Dave dahil rin sa babae. Gumawa talaga ng paraan si Andrew para lumayo sa kanilang dalawa si Veronica kaya wala ng nagawa yung dalawang ungas. Minsan lang kumilos at magsalita si Andrew pero ni isa sa mga yun, tinototoo nya talaga. Nadadamay lang si Belle, hindi ko hahayaan na masaktan ulit sya. Hindi na.

A/N: I know it’s a very short update pero gusto ko lang ipakita sa inyo na ganto ang resulta ng friendship nila Aaron at Belle. Sensya na kung hindi nyo nagustuhan. Babawi na lang ako sa next updates :*

                                   --- miss dazz 28 ---

My Secret Admirer is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon