Epilogue

3.9K 61 4
                                    

‘Lost chapter, lost hearts’

Umuulan at parang nakikisabay ang panahon sa nararamdaman ng mga tao. Lahat ay naka payong ng itim at sa unahan nila ay may dalawang sasakyan.

Mahihinang iyak na lamang ang naririnig dahil lahat sila ay pagod na sa kakaiyak ngunit sadyang hindi nila mapigilan ang pagpatak ng luha dahil sa masakit na pangyayari.

Nagsama ang dalawang pamilya at ilan sa kaibigan at kaanak ng dalawa. Isa pang misa ang ginanap bago mangyari ang pamamaalam. Hindi pa man ganung kagaling ang sugat ng iba ay pinilit nilang sumama dahil alam nilang ito na ang huling beses na makikita nila ang dalawa.

Isa isang naglaglag ng pulang rosas ang mga tao sa dalawang kabaong. Napaluhod na lamang ang dalaga ng makita ang kaibigang tahimik na nakahiga. Halata sa katawan nito na pinahirapan bago mawala sa mundong naging malupit sa kanya ngunit magaan ang kanyang mukha.

 

“Kasalanan ko ‘to. Nadamay ka pa. Hindi ko akalaing mangyayari ‘to. Buong buhay natin naka plano na. Kahit hindi tayo ga graduate sa isang university sa college, sabay naman nating lilibutin ang mundo. Gagawa ng mga kalokohan at magagandang alaala. Hahanap ng taong makakasama habang buhay at gagawa ng sariling pamilya. Ang sakit, kasi alam kong imposible na yun. Pero salamat, salamat sa lahat ng alaala. Mawala ka man sa mundong ‘to alam ko na masaya ka, na kontento ka kasi kasama mo pa din sya. Mahal na mahal kita, at pangako, hindi kita malilimutan.”

 

Sabi nya bago ihulog ang rosas. Nginitian nya ito at umatras na sya. Binasbasan muli ng pari ang mga kabaong at sabay na sinara. Unti - unting nilubog sa lupa takda ng pamamaalam sa mundo na kanilang kinagisnan.

Napalakas ang iyak nya. Akala nya kasi ay naiyak nya na lahat pero mali sya. Mas masakit ito dahil alam nya na ito na ang huling beses na makikita nya ang kaibigan. Kung hindi dahil sa paghihiganti at sa pusong sawi, wala sanang buhay na makikitil.

Kung nalinaw lang sana ang nakaraan, hindi sana madadamay ang kasalukuyan. At kung natuto lang magpatawad ang mga taong nagawan ng pagkakamali, baka sakaling masaya ang naging katapusan.

                                                     Aaron Tolentino                                          

                                       December 13, 1993 – May 2, 2013               

                                      You will always be remembered                       

 

 

                                                   Myca Sanchez                                

                                       August 5, 1994 – May 2, 2013                              

                                   You will always be remembered

 

Yan ang nakasulat sa dalawang lapida na kalalagay lang. Umalis na ang ibang kaanak pero nanatili doon si Belle, Kyzelle, Miguel at Luis. Nalibing na kasi kahapon ang labi ni Andrew at nung isang araw naman na cremate ang bangkay ni Anne. Wala na silang balita tungkol sa libing ni Victoria pero ang alam nila ay inuwi ito sa America upang ilibing. Ang tatay naman ni Kyzelle ay na cremate sa mismong araw na namatay ito dahil yun ang hiling ng ama.

Si Vincent? Bigla na lamang itong nawala. Alam ni Belle na nakausap ng tatay nya ang binata dahil narinig nya ang mga boses nito habang sya ay naka comatose. Sinisisi ni Mr. Miranda si Vincent pero alam naman nilang lahat na may kasalanan din ito.

 

“Hindi ko alam kung anong plano nya. Kilala ko si Dave, hindi sya gagawa ng isang bagay kung hindi sya sigurado.” Mahinang sabi ni Luis. Kung dati ay sya ang nagpapagaan ng isang mabigat na atmospera pero ngayon ay wala syang masabi na nakakatawa dahil nawalan sila ng dalawang ka grupo. Dinadamay nya din ang sarili dahil muntikan ng mawala ang anak nila ni Kyzelle.

“Alam ko naman yun. Pero sana nagpaalam sya kahit sa inyo.” Sabi ni Belle. Tumulo na naman ang luha nya. Nawalan sya ng dalawang kaibigan. Ang masakit pa ay nakita nyang namatay ang dalawa sa harap nya pero wala naman syang nagawa kundi tignan ang iyakan ang dalawa habang namamatay ito. Hindi na rin sya galit kay Anne matapos nyang mabasa ang sulat.  Ayaw nyang matulad sa nakaraang henerasyon na nagtanim ng labis na galit at nagawa nitong sila ang pagbayarin.

 

“N- naka usap ko sya.” Nakatungong sabi ni Kyzelle. Napatingin ang tatlo sa kanya. “Sabi  nya, hahanapin nya daw ang sarili nya. Alam nyang makasariling pakinggan pero hindi nya kakayaning may madamay pa ng dahil sa kanya.” Tumigil ito at humarap kay Belle. “Mahal ka nya. Alam mo yan. Pero sana unawain mo ang desisyon nya. Tama na daw ang isang beses na napatunayan nyang gulo at pasakit lang ang dala nya sayo.” Natahimik silang lahat.

Noong gabi kasi na dapat ay matutulog sya sa tabi ni Belle na kasalukuyang comatose pa rin, bigla nyang naalala ang sinabi ni Andrew.

 

“Ikaw ang may hawak ng buhay mo Dave. And in the case that you choose? You might handle Belle’s life as well. Nasa huli naman ang pagsisisi diba? The decision will always be yours. It’s either you’ll listen to your mind that says no or to your stupid heart that says yes. But most of all, you must be prepared for the consequences.”

 

Nanghina ang loob nya ng dahil doon. Aaminin nya na naging makasarili sya pero dahil lang naman yun sa pagmamahal at sa pag aakala na kaya nyang ipaglaban si Belle kahit anong mangyari. Nabuhay man sila ng dalaga ay parang madami na rin ang nagbuwis ng buhay para sa kanila.

Umalis na ang tatlo dahil maggagabi na rin pero nagpaiwan si Belle. Hinawakan nya ang lapida ng kaibigan. “Myca, alam kong kung nandito ka baka nabatukan mo na ko, pero sana suportahan at gabayan mo na lang ako sa gagawin ko. Hindi ako maghihiganti. Tama na. Sobra sobra na ang nangyari sating lahat kaya kakalimutan ko ang galit. Pero sana, sana maintindihan mo kung magiging makasarili ako. Hindi ko hahayaan na masayang lang ang pagkamatay nyo kapalit ng buhay ko.”

 

Sabi nito at tumayo, desidido na sya. Buong buhay nya hinayaan nya na ibang taon ang lumaban para sa kanya. Maaaring lumaban din sya pero hindi iyon sapat at wala syang maipagmamalaki don.

Kasabay ng pag alis nya sa lugar ang pag iwan ng isang pangako na panghahawakan nya kahit ano mang mangyari.

 

“Gusto ko lang naman maging masaya, kahit unahan ko pa ang tadhana ayos lang sakin basta maayos lang ang lahat. Handa akong maging makasarili basta mahanap ko lang ang kaligayahan na dapat ay nasa akin. Pero pag nangyari yon, sisiguraduhin ko na wala ng mawawala pa. Pangako yan.”

 

Alam nyang hindi pa tapos ang laban. Maaaring isasara na ang isang libro pero alam nya na may kasunod pa ito.

 

“Happiness is the process of accepting everything and having that one person that we needed even though the rest of the world turned their back on you. It is having an open mind and a kind heart no matter what kind of tragedy you’ve been through. And happiness is being contented on what you have and just be over whelmed if something still comes along.”

Hindi man tugma ang kasabihang ito, alam nya sa sarili na yun ang panghahawakan nya hanggang sa makamtan nya na ang kaligayahang inaasam.

 

“Tragedy may tore you heart into pieces and make your eyes cry into river, but in the end it will still bring us a lesson and keep an acceptance. Because no matter how a story ends, everyone knows that it still has a continuation. Maybe not now, but soon. ”

                         
Written by: dazzledeyez

My Secret Admirer is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon