Chapter 27 (part 1)

3.7K 74 5
                                    

Belle’s POV

 

“Grabe, ilang lalaki na naman kaya ang mag aalay ng mga naggagandahang roses sayo?” tanong ni Myca habang nakasimangot.

 

“Para kang shunga. Dinadaan mo pa kay Belle eh ide – deretso mo lang naman sayo.” Pang – aasar ni Anne. Nag break na kasi sila Myca at Carlo. Ayaw naman sabihin kung bakit.

“Nakakainis naman kasi eh! Kung kalian magva- valentines saka kami naghiwalay.”Reklamo nya.

 

“Ganun ba talaga ang purpose ng mga nasa isang relasyon? I mean, para lang may ka – date ka tuwing valentines, babatiin tuwing pasko at new year,  para makatanggap ka ng kung ano – ano during monthsarries and anniversaries.” Tanong ko. Napatigil naman silang dalawa kaya tumigil din ako. Nakatingin lang silang dalawa sakin. “What?” tanong ko.

 

“Bitter.”Sabay nilang sabi sabay lakad.“Alam mo ‘teh. Kesa hinihintay mo si Vincent, maghahanap na lang ako ng iba. Bakit hindi si James? Diba alam mo namang loyal sayo yun kahit ayaw mo sa kanya.” Suggest ni Anne.

 

“Wag yun ano ka ba! Tapos ano, one sided lang? pampalipas oras? Hindi dapat ganun. Hanapin na lang natin secret admirer mo. Baka yun pwede na.” suggest naman ni Myca.

“Tss. Ilang buwan na kayang nagtatago yun. Ang dalang nya na ngang magbigay eh. Malay mo ayaw nya na sakin ---“

 

 

*BLAG

 

 

“Aww.”sabi ko.

May nakabangga sakin kaya nalaglag yung mga books ko. Tinulungan nya naman ako kaso nagkauntugan kami nung tatayo na kami.

“Sorry.” Sabay naming sabi. And just after that saka ko lang nakita na si Vincent pala yun. “Ah sorry ulit.”sabi nya tapos tumakbo. Nabatukan naman ako ng dalawa.

 

“Tulo na laway mo teh!Tara na nga.”Sabi nila sakin. February na ngayon and yes, almost 3 months na kong iniiwasan ni Vincent. Kakausapin nya lang ako pag tungkol sa school pero hindi nya na ko kinakausap ng personal. Gusto ko syang bulyawan pero wala naman akong karapatan kaya pinipigil ko na lang.

-----------------------------------------------------------------------

 

 

“Una na kayo. May dadaanan pa kasi ako sa library eh.” Paalam ko sa dalawa. Nag nod na lang sila at umalis. Nakakainis naman kasi eh, nawala ko yung USB ko. Nandun pa naman lahat ng files ko. Wala ng tao sa hallway dahil kanina pa nag –uwian. Nakarinig lang ako ng pag – uusap sa audio room pero nacurious ako kaya lumapit ako.

My Secret Admirer is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon