Chapter 6

6.8K 134 0
                                    

Belle's POV

Nagising ako ng may maamoy akong matapang sa tapat ng ilong ko. Hinampas ko naman yon.

"Buti naman gising ka na." Hala?lalaki?

"Kyaaaah." napairit ako ng makita ko si Vincent na may hawak na lagayan na may beans ng kape. Kaya pala ang tapang eh.

"Aray ano ba! Wag ka ngang sumigaw. Kamusta na pakiramdam mo?" wow concerned.

"Uhm medyo okay na. Ang sakit lang ng kamay ko saka gilid ng bibig ko." sabi ko habang titiningnan ang kamay ko na puro sugat dahil sa wires na pinulupot sakin. Hinila nya ang kamay ko at pinahiran ng bulak na may alcohol. "Awww." hinila ko yung kamay ko pero hindi nya binitiwan.

"Wag ka na ngang maarte pwede?" tapos hinipan nya yung kamay ko. Napatingin ako sa kanya na seryosong seryoso sa pag gamot ng sugat ko. Hindi ko alam pero napangiti ako bigla. "Oh, nililinis ko lang yang sugat mo ngumingiti ka ng mag isa dyan?" tanong nya ng hindi man lang tumitingin sakin. Pinya ba to?

"ahh-ehh ha? uhm nga pala." bakit ba ko nauutal? "Salamat nga pala sa pagligtas nyo sakin kanina."hindi ako makatingin sa kanya. Para akong baliw eh. Naramdaman ko namang diniinan nya yung pagdampi ng bulak sa kamay ko. "Aray! Ano ba?Nananadya ka ba ha?" ang hapdi kasi talaga.

"Ang gala mo kasi. Uwian na kung san san ka pa nagpupunta. Tignan mo nga yang kamay mo para kang naglaslas!" sungit naman.

"Laslas?" ano yun?

"Akala ko ba matalino ka? Yun yung ginagawa ng mga taong nagpapakamatay. Parang hinihiwa nila yung pulso nila sa kamay." oh my! Buti na lang tinulungan nya ko. Respect na lang siguro, hindi na ko nasagot. "Nga pala, sino yung mga yun?" curious ba to? "Nagtatanong lang ako!" Luh! Mind reader?

"Mga schoolmates namin dati ni Anne. Officers sila dati sa old school namin. Mga over use sa powers. Nangbu - bully sila pag gusto nila. One time nahuli sila na binubully kami kaya nakick out lahat ng student council. Naghihiganti siguro." explain ko.

I heard him smirked.

"Ahh, tss. Kung hindi pala kami dumating kanina di napaddle ka na nung lalaking yun. Hay na ko. Kaya next time wag ka ng gagala ng mag isa ha! Nasan ba mga kaibigan mo?" Ang sweet nya. Ay! Ano bang iniisip ko?

"May pinuntahan sila kanina eh. Sobrang takot ko na nga kanina akala ko kasi papatayin na nila ako eh. Saka malay ko bang nakabalik na sila ate Patricia. Nasan na nga pala sila?" grabe? Sa pagkaka alam ko kasi ang kailangang maka - usap ng mga pulis eh yung mismong victim. Ba't hinayaan nilang iba ang magsalita?

"Pinakulong na nila Andrew. Tara na uwi na kita. Mag kotse na lang tayo." Mayayaman ba 'tong mga  'to? "Uy!" nagising naman ako.

"Ah ha? Sorry. Thank you talaga ha. Pasabi na lang sa ka gang mo. Hindi ko alam kung san ako pupulutin kung natuloy yung plano nila." syempre I need to thank him, I mean them.

"Oo na. Wag ka ng mag drama pwede? Iuuwi na kita, turo mo na lang yung daan." he said while looking at me.

Ang hilig ko yata bigla mag blush.

"Sige tara na." tapos yun nga he drive me home. Ang sossy ng kotse, black Porshe. Mahal ko na yung kotse nya. Pero gosh ultimate paliwanag na naman 'to kay daddy.

Written by: dazzledeyez

My Secret Admirer is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon