Chapter 11

6.2K 112 5
                                    

Vincent's POV

Sa Sabado na ang alis namin. Monday ngayon and I want this week to be memorable para sakin at kay Belle. Alam kong wala naman kaming relasyon but I just want to spend my quality time with her.

Tsk. So gay =_=

"Pssst" sitsit ko kay Belle ng makita ko syang papasok ng school. Pagtri tripan ko muna saglit. Nakita ko naman syang lumingon kaya nag tago ako. Sinitsitan ko sya ng sinitsitan hanggang sa makapasok sya ng school. Grabe! Her face was priceless. Halatang inis na inis na sya.

Pumasok na rin ako ng school.

"Oh L.B. Bat ganyan mukha mo?" tanong ko sa kanya pag pasok ko ng room. Nagpipigil lang ako ng tawa pero ang totoo gusto ko ng sumabog.

"Nakakainis kasi kanina. May sitsit ng sitsit nung napasok ako. Teka bat namumula ka?" tanong nya sabay hawak sa noo ko "Hindi ka naman ---"

"Ahahahahaha." napatigil sya sa pagsasalita dahil sa pagtawa ko. Grabe, hindi ko na napigilan.

"Hoy baliw! Bat ka ba natawa ha? Nako ikaw ang lakas na naman ng trip mo." sabi nya sabay pingot sa tenga ko.

"Aww. Uy Belle napaka brutal mo talaga. Ahaha. Nata- natata--- ahahahaha" hindi ko mapigilan yung pagtawa ko. Nakita ko namang nagseryoso na sya. "Ehem, sorry. Eh kasi natutuwa lang ako sa mukha mo. Hindi ba obvious na ako yung tumatawag sayo?" ahaha nanlaki ang mata nya sabay sabing

"ANO?" tumakbo na ko. Hinabol nya naman ako, buti na lang wala pa yung iba naming classmates. Konti pa lang din yung mga students kaya nakakapag habulan kami. "Hoy Roxas! Bumalik ka dito." sigaw nya.

"Ahahaha, Little Belle ko habulin mo ko." para kaming mga bata na naghahabulan dito.

"Arghhh. Monster ka talaga Vincent!!!" nakakatuwang isipin na mismong president at vice president pa ang nagsisimula ng gulo sa school. Rinig na rinig yung sigaw ni Belle sa buong school. Nagtago ako sa may pader. Tumigil din sya sa pagtakbo at naglakad hanggang sa malampasan nya yung pader na pinagtataguan ko. Hindi nya man lang napansin na nandun ako.

*TSUP

I kissed her cheek. Nabigla ako sa action kong yun but I really find her cute.

*dug tug dug tug

Ugh, stupid heart. Here we go again. And my tummy, shit! Hindi naman ako tinatawag ni mother nature pero parang may lumilipad sa loob nung humarap sakin si Belle.

"Wahhhh. VINCENT!!! Nakakainis ka naman eh! First kiss ko yun!!!" sabi nya habang hinahampas ako sa dibdib. Nahuli ko naman yung kamay nya at saka ko lang napansin na ang lapit na pala namin sa isa't - isa.

*dug tug dug tug

"Sorry naman ang cute mo kaya kanina." shet!

I just admitted na cute sya kanina. Binitawan ko yung kamay nya at tumungo.

"What did you said?" tanong nya na parang nagpipigil ng tawa.

"Uhhh, wala wala. Bahala ka nga dyan."tapos umalis na ko. Langya ang hirap pag nadala ka ng emosyon mo. Hindi ka nakakapag - isip ng matino.

Belle's POV

"Sorry naman ang cute mo kaya kanina."

My Secret Admirer is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon