Chapter 40 (part 3)

2.8K 49 1
                                    

3rd person’s POV

Nagulantang si Vincent sa nakita nya.

“Anne ?” sabi nito.

“Yep. Hi Dave. Haha, oh why so surprised?” sabi nito habang tinatanggal ang tali ni Victoria na hindi kasing higpit katulad ng kanya.

“Walang hiya ka! Tinraydor mo si Belle.” hindi makapaniwalang sabi ni Vincent. Nakita nyang parang nag iba ang mukha ni Anne pero ngumisi lang ito sa huli.

“Grabe sis, I told you already na dapat sumali ka din sa theatre club. Di tuloy kapani paniwala ang acting mo.” Sabi ni Anne sabay sipa sa upuan na inupuan ni Victoria kanina. Tumama iyon kay Myca kaya ito nagising pero hindi naman makasigaw dahil sa nakalagay na piring sa bibig.

“Shut up Anne. Baka gusto mong iputok ko ‘to.” Banta ni Victoria sabay tutok ng baril sa noo ni Anne. Iniwas naman ni Anne ang baril at tinutok sa tali na nagko konekta kay Andrew at Belle. “’We’ll do that later.” Sabi ni V sabay ngiti.

“Ano bang plano mo Victoria? Wag mong ng idamay ang iba dahil inosente sila- “ sigaw ni Vincent.

“INOSENTE? INOSENTE SILA VINCENT?”  sigaw  ni V sabay himas sa mukha ni Vincent. “Pano mo nasabing inosente sila kung dahil kay Andrew naghiwalay tayong dalawa? Ng dahil kay Luis at Aaron pinapunta ako sa ibang bansa ni daddy. Ng dahil kay Myca nawalan ako ng kaibigan at dahil dyan sa lintik na Belle na yan nawala ka sakin. Ngayon anong sinasabi mong inosente?” pinipilit ni V na maging kalmado dahil ayaw nyang maging masama ang tingin ni Vincent sa kanya. Na sorpresa sya ng untugin sya ni Vincent. “Aww, shit!”

“Walang kasalanan si Belle at Myca dito! Pano mo nasabi na dahil kay Myca nawalan ka ng kaibigan? Hindi kaya ikaw ang gumawa ng paraan para mawalan ka at hindi ako inagaw ni Belle sayo dahil hindi mo na ko pag mamay ari –“

Napatigil sya sa pagsasalita ng marinig nya ang kasa ng isang baril at tumapat ito sa leeg nya.

“Tama ng satsat Victoria. Why don’t you just finish your job here.” Sabi ng isang lalaki mula sa tenga nya. Nakita nya na nakatapat ang isang baril nito sa leeg nya at ganun din ang isang baril kay Victoria. Tinutok din naman ni V ang baril nya sa lalaki.

“Hindi mo ko utusan Mr. Go. Baka gusto mong patayin ko ang anak mo.” Banta nito. Kabado naman si Anne dahil alam nya na kayang magpatayan ng tatay ni Kyzelle at si V. Binaba naman ni Mr. Go ang baril nya at pumunta sa harap ni Vincent.

“I can’t believe you can do this Mr. Go. Ano bang kasalanan namin sayo?” tanong ni Vincent. He badly wants to kill the man in front of him but he can’t. He felt so useless.

“Because you took my away my son.” Sabi nito sabay suntok kay Vincent kaya naman kinasa ni V ang baril nya at tinutok sa likod ng ulo ni Mr. Go.

“I told you instructions right? I can kill both your child if you’ll hurt him again. Why don’t just start with Belle?” sabi ni V.  Ngumisi si Mr. Go at tumalikod.

“F*ck! Anong gagawin nyo sa kanya. She’s freaking out of this.”  Sigaw ni Vincent.

“In that case you have to choose. Your dearest cousin, Andrew or the love of your life, Belle?” sabi ni Mr. Go.

“You’re not playing fair. Victoria please stop this. I thought you love me?” wala ng choice si Vincent. Hindi nya hahayaan na masaktan ang sino man sa dalawa. Lumapit si V at hinalikan sya sa labi. Nakita naman yun ni Belle at napaluha sya.

“Of course I do. But all of the people who made our life miserable should be miserable too darling.” Then she pointed out her gun at Luis. Wala na ring piring ang tatlo at nakikita nila ang nangyayari.

My Secret Admirer is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon