“People hate threats. But gangsters live with it.”
Belle’s POV
“Ikaw na lang kasi pumunta. Hindi naman kami invited eh.” Reklamo ni Anne. Sinasama ko kasi sila sa birthday ni Vincent pero ayaw nya.
“Pwede ba? Nakagayak na tayo eh. Minsan lang ako humingi ng pabor ayaw mo pa.” reklamo ko pabalik sa kanya.
“Ang aarte nyo. Tara na.” sabi ni Myca sabay hila samin. Sumakay kami ng kotse nya at nag drive na sya. Mas matanda kasi samin yan ng isang taon kaya legal na sya. “Teka, ilang taon na ba si Vincent?”
“19 na.” sagot ko. Nag smirk naman si Anne.
“2 years gap? Pwede na.” nakanguso nyang sabi. Hindi ko na lang pinansin yung sinabi nya dahil na – gets ko yun. Nasa unahan kaming dalawa ni Myca kaya nanahimik na lang din sya. “Eto na yun diba?” sabi nya. Tumingin ako sa labas. Ngayon ko lang nakita yung pinaka bahay nila Vincent. Sa condo nya ko laging napapadpad eh. Bumaba na kaming tatlo at pumasok.
Buti na lang at naka dress kaming tatlo dahil parang semi - formal yung theme ng birthday nya. “Ayun sila Aaron oh.” Sabi ni Myca. Naglakad na lang kami papalapit don. “Si birthday boy?” tanong nya.
“Kasama ng tatay nya sa loob. May mga kausap eh.” Sagot ni Miguel. Napatingin ako kay Luis na parang nakatulala. Napansin naman yun ni Miguel. “Wag mong pansinin yan. Simula ng umuwi yan kaninang umaga nakatanga na. Minsan ngingiti tapos mapapaisip. Nakahithit ata yan eh.” Biro nya kaya napatawa kami. Si Luis, nganga pa din.
“San c.r. dito?” tanong ko. Tinuro nila at pumunta na ko dun. Pagkalabas ko eh hindi ko sinasadyang marinig yung usapan sa may garden. May dalawang matanda. Parang tatay ni Vincent yung isa dahil kamukha nya.
“Yun yung anak ko, si Dave. I’ve planned lots of things for him. Pagkatapos siguro ng aasikasuhin nila sa Japan eh sya na ang mangangalaga ng kumpanya.”
“That’s good. Pero may napili ka na bang ia – arranged sa kanya. In 2 years maaaring matapos na yung misyon nila.”
“I’m still choosing between the heiress of Smith’s and Miranda’s. They are both related to Vincent. Pareho nga lang may complication ang family nila kaya hindi pa ko makapili.”
“Well I hope you can fix it soon. Alam na ba ‘to ni Vincent?”
“Not yet. Ayokong may makagulo sa kanya in their stay in Japan. I want him to focus. He’s been gangstering for 3 years and so as his cousins. Sana lang makita na nila sina Jasmine.”
Yan ang narinig ko. Naglakad na ko paalis dahil hindi ko na kaya yung naririnig ko. What does he mean arrange? Kasal ba yun? At isa pa, Miranda? Posible kayang ako yun? I can’t believe that his life is totally a mess and complicated. Pero hindi ko pinagsisisihan na minahal ko sya. Siguro?
BINABASA MO ANG
My Secret Admirer is a Gangster (COMPLETED)
General FictionEverything is plain until you discover beyond mere sight. ** 2023 Update: Hi guys! Guess what? Graduate na ko ng college and nakapasa na din ako sa board exam last year. I started writing MSAG when I was in highschool and tapos na ko mag - aral nga...