Chapter 38 (part 2)

2.5K 52 7
                                    

Myca’s POV

Nawindang naman ako sa sinabi ni Belle kanina. Syempre malulungkot ako kasi mahal ko kaya yun at sobrang dami naming pinagsamahang tatlo ni Anne. Parang magkakapatid na din kami. Naghanda na lang ako para mamaya kesa naman magluksa pa ko dito diba. Pa pangit lang ako. Ganda ko pa naman. Kamukha ni Anabelle kokontra!

Kulay white na fitted gown yung suot ko. Halos tali lang din sa gitna sa likod yung nagkokonekta sa damit kaya mas lalo akong sumexy. Na – gets nyo? Pag hindi ang slow nyo. JOKE. So yung nga, ang boring pa lang mag describe. Tatawagin ko na sana ang driver namin pagkababa ko pero nakita ko si Aaron sa salas. Kumunot agad ang noo ko at kusang napairap. “Anong ginagawa mo dito?”

 

“Kinakaon ka.” Sumagot nya na para bang obvious naman na yun ang dahilan. Tumaas tuloy ang kilay ko at magsasalita pa sana pero kinuha nya na ang kamay ko at nilagyan ng corsage. “Wag ka ng mag reklamo alam kong na miss mo rin ako.” Tapos hinila nya na ko papuntang kotse nya.

 

“Toyo ka rin no. Matapos mo kong awayin nung nakaraan bigla ka na lang lilitaw at makikipag usap na parang walang nangyari. Ginagago mo ba ko?” tanong ko habang nasa highway.

“Alam mo ang ganda mo sana sa damit mo eh. Mukha kang elegante pero yang bibig mo umaalingasaw na naman.” Sagot nya.

 

“Edi sana hindi mo na ko kinaon. Tanga ka pala eh. Nako nakaka bwisit!!!” sigaw ko. Nakakairita! Narinig ko na lang na parang tumatawa sya pero mahina lang, kumbaga chuckle. Tinignan ko sya ng masama. “Alam mo sana nakakamatay yung titig ko-“

 

“Bakit?”

 

“Gago hindi pick up line yun! Ang sinasabi ko lang sana nakakamatay yun ng mamatay ka na!” sigaw ko. Hindi pa naman kasi ako tapos magsalita naki epal na.

 

“Ayos lang. Pag namatay naman ako mababangga ‘tong kotse tapos mamamatay ka rin edi magkasama pa rin tayo.” Para namang nanlambot ako sa sinabi nya. Para kasing gusto nyang palabasin na gusto nya kong makasama kahit saan. Hindi na lang ako umimik dahil feeling ko awkward na. Nakarating kami sa venue ng grad ball which is sa Grand Palace pero hotel naman sya :3 Naunang bumaba si Aaron at binuksan nya yung pinto ko. Binigay nya na lang sa valet yung susi ng kotse nya at pumasok na kami. Nakita ko si Anne na nakikipag usap sa isang babae tapos si Belle wala pa.

Nagsimula na yung party at kung ano anong kalokohan ang ginawa namin. Dapat nga hindi formal ‘to kasi parang nagkwe kwentuhan lang kami. May event kami na ‘memories you won’t forget’ kung saan magsha share ang mga may trip sa lahat tungkol sa mga nangyari sa kanila habang nasa school sila. Ang kukulit nga eh. Miya miya tumayo si Aaron. Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang makapunta sya sa flat form kung saan ka magkwe kwento.

 

“Ehem, good evening everyone. Gusto ko lang I – share sa inyo yung isa sa pinaka makulit na naranasan ko sa senior life. I was on my way to the gymnasium ng makarinig ako ng kalabog. Nataranta ako dahil akala ko may sumusunod sakin since it’s almost 7 pm na rin. Inikutan ko lahat ng sides sa boys locker room pati sa shower pero wala naman. I thought someone was trying to play with me pero hindi pala. Pinasok ko ang girls locker at tinignan din ang lahat ng sides. Aalis na sana ako ng mapansin kong may paa sa tabi ng isang locker.”

My Secret Admirer is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon