Chapter 36

2.9K 48 8
                                    

Myca’s POV

 

“Ano ba kasi! Ayaw mo pang umamin eh. Kayo na ba?” sigaw sakin ni Anne.

 

“Letse ka Anne! Hindi nga kami. Ang O.A. nyo naman kasi masyado eh. Nagsayaw lang magiging mag syota na? Kainis ha!”

 

“Tss. Bagal talaga nung lalaking yun.” Bulong ni Belle pero rinig naman.

Pinipilit kasi nila akong umamin na kami na daw ni Aaron. Eh wala naman talagang nangyari nung Christmas Dating. Basta ang sabi nya, “If you can, please wait.” Oh diba! Nakaka baliw lang. Anong hihintayin ko? Pasko, New Year? Simula non umiiwas na sya sakin at kay Belle. Na heartbroken na naman tuloy ako.

Nandito kami ngayong tatlo sa isang salon malapit kayna Belle. Prom na kasi mamaya. Sobrang bilis nga ng panahon eh. In a month, gra –graduate na kami. Nakakaiyak tuloy.

                        

“Wag na lang kaya akong tumuloy?” biglang sabi ni Belle.

“Subukan mo, ako mismo kakaladkad sayo papasok ng venue. Hindi ka na nga um- attend last year eh.” Banta ni Anne.

 

“Ano ba kasing meron sa prom at ayaw mong um – attend ha?” – me

 

“Ewan ko. Para kasing nakakatamad lang. Sasayaw, kakain, awarding, ang ordinaryo masyado. Parang ganun lang din yung nangyari nung debut ko eh.”  Explain nya.

“Diba may legendary dance ang mga seniors? Malay mo yun yung magpapa special sa gabi natin.” Sabi ko kahit hindi ko alam kung san nanggaling yung mga salitang yun. Kahit naman ako ayoko ng um- attend ng prom eh. Nganga kaya ako last year. May nagyaya nga pero wala akong sinayaw kasi wala dun yung ex ko na gusto kong makasayaw. Ngayon naman parang wala pa din gawa gusto ko si Aaron lang.

Ang legendary dance sa school namin, para sa mga grade 12 lang, para daw once in a lifetime lang talaga. Ang cliché diba? Ang pagkakaalam ko, sampung beses magpapalit ng partner. Simula 11:30 hanggang 12 yun. 11: 59 ang huling pagpapalit at ewan ko ba kung bat nauso pa yun. Sabi nila, marami na raw nagkatuluyan dahil dun. Ang corny lang.

“Totoo ba yun? Eh pano kung magkamali ng ikot yung isa tapos parehong lalaki o kaya parehong babae yung magkasayaw, edi sila na yung destined?” tanong  ni Anne. Nag shrug na lang ako. Para naman kasi talagang imposible yung ganun eh. Ang dami kayang pwedeng mangyari sa isang ikot.

Sa daming pakulo ng school, masquerade ang theme ng prom. Lagi naman atang ganun pag seniors eh. Nung prom kasi namin last year, parang ordinaryo lang. Eh ngayon daw, pinaghandaan talaga ng sobra. As in office lang at mga teachers ang nag – organize which is new kasi madalas laging kasama ang officers ng SC sa pag aayos ng mga events. After 2 hours of makeover, umuwi muna kami sa kanya kanya naming bahay.

Medyo naka curl yung buhok tapos may hair dress sya na ribbon tapos may konting cover. Ewan ko ba kung ano ‘to. Para ngang pang patay lang eh. Yung mga ginagamit ng ibang babae pag may patay. Kulay grey naman yung damit ko. Floor length sya. Basta eto na yun. Haha, katamad mag – explain eh. 9 p.m. ang start ng prom at 8:30 na ngayon. Kaparehong  hotel ang napili ng school katulad ng debut ni Belle. Galante sila ngayon eh.

My Secret Admirer is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon