LOVE 15: ACCIDENT
CAMILLE's POV
Naaksidente siya. Hindi ko alam ang dapat itanong o isipin sa mga oras na to. Ang alam ko lang, umiiyak ako.
Nandito kami sa hospital, sinabi ng doktor na nasa kritikal siyang kondisyon.
"Kayo po ba ang pamilya ng naaksidente? Ito po ang wallet niya." sabi nun pulis na lumapit kay Ate Gabriella
Kinuha ni Ate Gabriella ang wallet at umiyak nanaman siya. Alam kong nasasktan din siya ngayon, kapatid niya ang nasa kritikal na kondisyon, nagiisang kapatid.
"Anak, tumahan ka na. Magiging maayos din siya." sabi ni Mommy sa akin habang tinatapik ang likod ko
Iniisip kong magiging okay lang siya pero hindi ko maintindihan ang luha ko na ayaw huminto sa pagpatak. Natatakot ako sa maaring kahinatnat nito.
"Hindi niya ako pwedeng iwan." sabi ko habang patuloy na umiiyak
"Hindi ka niya iiwan anak. Mamaya lang sasabihin na ng doktor na stable na siya."
Sana nga ganun ang mangyari. Sana nga hindi niya ako iwan. Hindi ko kakayanin kung mawawala sa akin ang taong pinakamamahal ko.
"Sino dito ang pamilya ng pasyente?" tanong ng doktor. Agad lumapit si Ate Gabriella, pero ako nanatiling nakaupo sa kinauupuan. Ewan ko ba pero hindi ko magawang makatayo sa oras na to.
"Ako po ang Ate niya."
"I'm sorry to say this, we did our best pero hindi niya kinaya ang nangyaring aksidente. Wala na siya." pagkasabi nun ng doktor para akong nabingi, pinipilit ko sa sarili kong hindi totoo ang narinig ko, na mali lang ako ng pagkakadinig
"Hindi po totoo yan. Malakas ang kapatid ko. Buhay pa siya!" sigaw ni Ate na halos di tumigil sa pag iyak
"Tama na, huminahon ka." niyakap siya ni Kuya Nicolai pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag iyak
"Doktor, nasaan na po ang fiance ko? Kailan ko pa siyang masapak sa hindi niya pagpunta sa event kanina." tumayo at lumapit sa pinto ng emergency room
"Miss, hindi ka pwedeng pumasok dyan. Dadalhin na namin siya sa morgue." sabi ng doktor
"Morgue? Nahihibang na kayo? Bakit niyo dadalhin ang buhay na tao dun? Para lang yun sa mga patay na! Kaya umalis kayo dyan! Pupuntahan ko pa ang fiance ko!" sigaw ko sa doktor habang nagpupumilit na makapasok pero bigla nalang ako hinawakan nina Jake at Jonas
"Tama na yan Cams." sabi ni Jonas sa akin pero ayoko silang pakinggan
"Camille, baka kung mapano ka pa niyan sa ginagawa mo." sabi naman ni Jake
"Pwede bang bitawan niyo ko! Layuan niyo ko!" sigaw ko sa kanilang lahat habang patuloy sa pag iyak
BINABASA MO ANG
[SMFF Book2] All My Love is for You
Teen Fiction(Completed*No Softcopies) This is Spying My Future Fiance Book 2