LOVE 33: HIS CONFESSION

18.2K 286 28
                                    

LOVE 33: HIS CONFESSION

 

CAMILLE's POV

2nd semester na! Natapos na rin ang sembreak, dalawang linggo lang yun at napakabilis nun para sa akin. Nagpunta kaming New York ni Mommy para bisitahin si Dad, Lolo at Lola. Naging napakasaya ng pagbabakasyon ko dun dahil nakumpleto ang pamilya namin kahit sandali nga lang.

Medyo maaga akOng pumunta sa school ngayon dahil sa request ni Jake. Ewan ko ba dun, pero lagi akong sinasabihn na miss niya na daw ako. Muntikan pa nga akong puntahan nun sa New York. Nainggit siguro dahil si Jonas ay nakasama ko dun, dahil sa binisita niya rin kasi ang parents niya na nandun din.

Pinapapunta ako ni Jake sa quadrangle ng University. Anu naman kaya gagawin namin dito?

Makatabi na nga muna sa gilid dahil masyado yata akong expose dito sa pagtayo ko sa gitna. Nagumpisa na akong maglakad nang may marinig akong pamilyar na boses.

"Camille Young." napalingon naman ako agad sa direksyon ng tumawag na yun sa akin

"Anung ginagawa ni Jake sa stage?" tanong ko sa sarili ko habang tinitignan si Jake na nakatayo sa stage na nasa side area nitong quadrangle

Tumingin siya sa akin tsaka ngumiti. May dala siyang gitara na nakasabit sa kanya. Magpeperform ba siya?

"Camille Young, I miss you." sabi niya while seriously looking at me

Sa boses niya na naka mic pa talaga, ayan tuloy at huminto ang mga estudyante para tingnan siya. Agaw atensyon ang ginagawa niya dun.

"Narealized ko na hindi na yata tamang pigilan ko pa yung nararamdaman ko para sayo. Matagal na panahon na rin ang nakalipas. I guess you are okay now?" huminga muna siya ng malalim bago ituloy yung sinasabi niya "Alam mo naman na matagal na kitang gusto, handa pa rin naman akong maghintay hanggang makapagmove on ka. It just that, gusto kong maging official at pormal ang lahat. Gusto kitang ligawan at sana payagan mo ako."

Inayos niya na ang gitara at pati na rin ang mic na nakalagay sa stand. Napakaseryoso niyang tingnan habang ginagawa yun.

"This is a simple song that I made for you. You're my inspiration, Camille. Sana magustuhan mo ito." sabi niya pagkatapos ay nagstrum ng gitara

(Play the video na nasa multimedia, kanta ni Jake ?)

Ang sarap pakinggan ng boses niya. Nakatingin lang siya sa akin habang patuloy sa pagkanta.

Dati pa naman, lagi talagang nandiyan para sa akin si Jake. Naging bestfriend ko na rin siya kung tutuusin.

Wala naman sigurong masama kung payagan ko siyang manligaw? Hindi naman siguro masama kung subukan kong magustuhan siya ulit?

Ayoko siyang maging panakip butas lang at sisiguraduhin kong hindi yun ang kalalagyan ni Jake. He's a very good friend of Suarez at ganun din siya sa akin.

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon