LOVE 13: THIS LOVE

19.1K 285 8
                                    

LOVE 13: THIS LOVE

CAMILLE's POV

Today is Sunday, dahil dyan wala kaming pasok. Kaya heto ako at maaga palang nagpunta na sa bahay ng mga Suarez.

*aw aw* si Tiny yan na madalas una talagang sumasalubong sa akin.

"Kamusta na Tiny?"

*aw aw* nakakatuwa talaga tong aso na to.

"Good morning Ate Gabriella."

"Good morning sis. Mukhang hindi pa gising ang fiance mo." sabi ni Ate habang umiinom ng gatas

"Ayos lang yun, puntahan ko nalang siya sa kwarto niya, gigisingin ko na para mapagluto tayo ng almusal." nakangiti kong sabi kay Ate. Sabi kasi ni dhie gisingin ko daw siya para magluto sa tuwing pupunta ako dito ng maaga.

"Almusal para sayo sis. Ikaw lang naman pinagluluto niyan." oo nga pala. Haha.

Umakyat na ako para gisingin ang aking batugang fiance na hanggang ngayon ay natutulog pa rin.

Pinihit ko na ang door knob at gaya nga ng inaasahan ko, hindi nanaman nakalock.

"Gising na sleeping handsome. Rise and shine." magandang pagbati ko sa kanya pero ang sarap pa rin ng tulog niya

Umupo ako sa side ng kama niya. Ang sarap niyang titigan.

Ipinadulas ko ang hintuturo ko mula sa mga mata niya, sa ilong at papunta sa labi. Napapangiti ako sa simpleng gawain ko na yan.

"Teka!" nasabi ko yan nang biglang hawakan niya ang kamay ko "Gising ka na pala. Idilat mo na yang mata mo."

"Hindi pa ako gising. Tulog pa ako."

"Tulog? Patawa ka dhie. May tulog bang nagsasalita?"

"Meron, ako." ganda ng mood nito para magbiro ngayon. Nakakatuwa naman. ^__^

"Oh sige tulog kong mahal. Tumayo ka na dyan. Ipagluluto mo pa ako ng almusal." nanahimik siya "Uy dhie!" sabay tusok ko sa pisngi niya. Mukhang matutulog nanaman yata to?

"Dhie. Ay! Pasaway naman!" tatayo na sana ako nang bigla niya naman akong hilahin palapit sa kanya.

Kaya heto at nakayakap siya sa akin habang nakahiga ako sa tabi niya.

"Dito muna tayo." sabi niya pagkatapos ay hinalikan ako sa noo

"Nakakagutom na, hindi ka pa ba gutom?"

"Mas gusto ko to. Ang yakap ang mahal ko." lagi nalang akong napapangiti sa tuwing ganyan ang sinasabi niya "Kinikilig ka ba?"

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon