LOVE 23: MEETING GELO

16.9K 259 18
                                    

LOVE 23: MEETING GELO

 

CHELSEA's POV

Kanina ko pa tinetext at tinatawagan si bessy, pero parang wala yata siyang balak sagutin yung mga text at tawag ko sa kanya. Nasaan nanaman kaya yun?

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa University nang makita ko siyang nakaupo dun sa bench. Naku nalugmok nanaman yata ito.

"Hoy bessy kanina pa kita hinihintay tapos nandito ka lang pala!" sabay gulat ko sa kanya pero imbis na siya ang magulat, ako pa ang nagulat nanag humarap siya sa aking umiiyak

"Bessy, Chels, nakita ko siya."

"Huh? Sino nanamang nakita mo? Anung nangyayari sayo? Bakit umiiyak ka nanaman?" nagpapanic kong tanong sa kanya tsaka ako umupo sa tabi niya

"Bessy, yung lalaking sinasabi ko sayo kahapon."

"Yung sinabi mong si Suarez? Hayy naku! Heto nanaman po tayo."

"Believe me! Nakita ko siya ulit, nahawakan ko ang mukha niya, nayakap ko siya--"

"Stop it!" sabay hawak ko sa magkabilang balikat niya "Tama na bessy! Naghahallucinate ka nanaman eh."

"Hindi! Maniwala ka naman sa akin. Nagsalita pa siya at yung boses niya, yun na yun. Naramdaman ko rin na siya yun, alam kong siya yun at hindi ako nagkakamali ngayon."

"Please naman bessy, tumigil ka na. Nagkakaganyan ka lang kasi malapit na ang death anniversary niya."

"Bakit ba ayaw mong maniwalang nakita ko si Suarez? Bakit hindi mo ko magawang paniwalaan?" patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Sigh!

"Look bessy, paano ako maniniwala sayo kung nandun ako mismo sa libing niya? Nakita natin siyang nilibing hindi ba? Now iexplain mo sa akin kung paanong buhay siya?"

Umiiling siya at patuloy sa pag-iyak "I don't know! Ang alam ko lang buhay siya at nakita ko siya."

"Then nasaan siya ngayon? Wala akong Suarez na nakikita dito."

Bigla naman siyang natahimik, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin humihinto sa pag-iyak.

"Mukhang kailangan kong tawagan sina Jonas at Jake." sabi ko sabay labas ng cellphone ko na bigla niya nalang hinawakan

"No. Wag mo na silang abalahin, ayoko ng maging burden sa kanila at ganun din sayo."

"Bessy naman, hindi ka burden sa amin. Nandito kami para sayo."

"Kinausap niya ako."

"Sino? Yung lalaking sinasabi mong si Suarez?"

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon