LOVE 7: MY DANCE PARTNER
CAMILLE's POV
First week went so fast. Ang pinagkakaabalahan ko ngayon ay ang pagpractice ng sayaw para sa Acquaintance Party.
Nagkaroon kasi ng auditons para sa dance group na sasayaw sa party at dahil sa kasama naman kami nina Chelsea at Andrew sa dance group nung highschool kami kaya ayan sumali kami. Kilala niyo pa naman siguro si Andrew diba? Siya yung boy bestfriend nitong bessy kong si Chels. Ang bago lang ngayon ay pati si Troy kasali. How I wish na kasali din si dhie. ( _ _)
Nung auditions nga akala ko hindi siya makakarating pero ayun at nakarating naman siya. Pinanood niya ang kanyang magandang fiancee. Pansin ko ngang medyo nagulat siya sa galing kong sumayaw, first time niya kasing makita akong sumayaw. ^__^
May new friends din ako. Actually, friends sila ni Chelsea na pinakilala niya sa akin. Si Trish na kapatid ni Troy at si Vanessa na mukhang maldita pero mabait naman, bestfriend naman siya ni Troy.
"Hindi ba pwedeng tumigil ka nalang sa pagsasayaw na yan?" biglang tanong naman nitong ni Dhie. Naguumpisa nanaman siya. ( _ _)
"Bakit ba kasi pinapatigil mo siya sa pagsasayaw? Hobby niya kaya yun. Diba Camille?" sabi naman nitong si Jake. Buti pa siya at naiintindihan ang hobby ko.
Kasama ko silang dalawa ngayon. Nandito kami sa cafeteria. Kakatapos lang kumain at mamaya may practice nanaman ako.
"Hindi ko naman siya pinapahinto na as in forever, ayoko lang na kailangan kapartner niya pa yung Andrew na yun dun sa isang sayaw nila." sabi ni dhie sabay inom niya ng drinks niya. Sus ang fiance ko talaga. Yun nanaman pala ang issue. Ang pagiging seloso. Haha.
Yumakap naman ako sa kanya "Dhie, best ni Chels si Andrew tsaka nakakalimutan mo na bang tumulong din siya sa pagaayos sa ating dalawa nun."
"Tama nga naman si Camille. Chill ka lang kasi bro. Kung gusto mo edi sumali ka din para ikaw makapartner niya." sabay ngiti ng nakakaloko nitong si Jake kay dhie
"Ayoko. Hindi naman ako marunong sumayaw." sagot sa kanya ni dhie
"Oo nga naman, hanggang kanta lang tong fiance ko." sabay ngiti ko naman sa kanya
"Yan ang alam mo. Magaling din sumayaw yang si Gab." sabi ulit ni Jake. Nga pala, nasabi ko na ba sa inyo na classmates ulit si dhie at Jake? Same course kasi sila.
"Teka dhie, magaling ka daw sumayaw? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ka nag auditon?"
"I said I'm not. Wag kang maniwala dyan kay Jake. Malakas lang mag good time yan." napasimangot naman ako, akala ko naman kasi magkakachance na mapasali ko pa siya. Tsssk. ( _ _)
After namin dito sa cafeteria, may pasok na sina Jake at dhie. Kaya ang ending, nagsosolo ang beauty ko dito na naghihintay ng oras ng practice namin.
BINABASA MO ANG
[SMFF Book2] All My Love is for You
Novela Juvenil(Completed*No Softcopies) This is Spying My Future Fiance Book 2