LOVE 45: HAPPY AND SWEET LIFE

22.1K 325 43
                                    

LOVE 45: HAPPY AND SWEET LIFE

 

CAMILLE's POV

 

Nakalabas na kami ng hospital. Sa bahay na ulit ng mga Suarez nakatira si dhie. Nakabawi na rin siya ng lakas. Inaasikaso naman nina tita at tito ang pagsampa ng kaso kay Mr. Kawazaki, pero ang magandang nangyari sa kanila ay nakapagpatawaran na sila. Hindi na sana magsasampa ng kaso sina tita at tito, kaso si Mr. Kawazaki ang mismong nagsabi na gusto niyang pagbayaran sa ganung paraan ang naidulot niyang perwisyo sa pamilya ng mga Suarez lalo na kay dhie. Napatawad rin nila tita at tito ang kapatid kong si Argie, na walang ginawa kundi umiyak nang niyakap ni tita.

"Ate, anung oras na oh? Gising na!" araw-araw akong nagigising sa human alarm clock ko. Yes, nakatira na sa amin si Argie.

It turns out na hindi alam nina Mommy na may kapatid pala ako dahil hindi totoo ang sinabi sa kanila noon na patay na ang mga magulang, after 2years kasi tsaka bumalik ang tunay kong magulang sa ampunan para ipaampon naman si Argie. Ang balita namin ay totoong patay na sila ngayon. Talagang nagpunta pa kami sa ampunan para alamin ang lahat ng iyan.

"Ate naman, gusto mo bang malate tayo? Hello! 9am na po, 10am susunduin na tayo dito diba?" ang kulit talaga ng kapatid kong ito. Ang sarap talaga ng may kapatid.

"Oo na Argie. Ito na nga oh." sabi ko sa kanya tsaka na ako umupo sa kama

"Good! Look at me, tapos na akong mag almusal at mag-ayos. Maganda na ba ako?" nakangiti niyang sabi sabay ikot pa talaga habang pinapakita niya sa akin ang suot niyang dress

Ngumiti naman ako sa kanya "Talagang nagpapaganda ka para kay Jake noh?"

Bigla naman siyang namula "Hi-hindi ha!" ayan nanaman siya sa pagdeny. E nabisto ko na rin naman siya dahil na rin kay Megumi, ito palang si Argie kaya panay ang asar kay Jake dahil may gusto siya dito. Kaya pala todo kontra rin siya nung nanliligaw sa akin si Jake.

"Sige lang, sabi mo eh." sabi ko habang nakangiti

"Ate naman eh! Bilisan mo na, mag-ayos ka na tapos baba ka na for breakfast. Kanina pa ako kinukulit ni Mommy na gisingin ka." Mommy na rin ang tawag niya kay Mommy, masaya nga si Mommy dahil nagkaroon siya ng bunso

"Okay! Susunod na po Ate." sabi ko sa kanya. Madalas ko siyang tinatawag na Ate, dahil parang siya pa itong mas matanda sa amin

"Ihhh naman! Ate talaga. Bababa na ako, bilisan mo na diyan baka dumating na sila." sabi niya tsaka na lumabas ng kwarto ko. Halatang excited ang isang iyon.

Long weekend kasi namin ngayon, kaya naman nakapagdecide ang grupo na mag outing. Kasama namin sina Chelsea at Troy na engage na rin, mukhang mauuna pa iyang ikasal sa amin. Kasama rin sina Andrew, na guy bestfriend ni Chelsea, syempre kasama niya ang girlfriend niyang si Trish, na kapatid naman ni Troy. Hindi rin naman mawawala ang katarayan ni Vanessa, na ginawang libangan ang pagbusted sa mga manliligaw niya. Nandiyan din syempre si Jonas na ngayon ay nagiging malapit kay Megumi. Hindi rin magpapaiwan ang apple of the eye ng kapatid kong si Argie na si Jake at syempre kasama rin ang aking gwapong fiance na si Gabriel Suarez.

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon