LOVE 29: SEE YOU AGAIN
CAMILLE's POV
"Mahal na mahal kita mhie."
"Mahal na mahal din kita dhie. Mahal na mahal kaya please wag mo na akong iiwan."
"Mukhang napapanaginipan mo nanaman anak si Gabriel. Tama na yan, gumising ka na." naramdaman ko ang marahan na paghaplos ni Mommy sa ulo ko tsaka ko lang narealize na tamang napapanaginipan ko nanaman siya
"Salamat naman at gising ka na." sabi ni Mommy sa akin pagkakita niyang dinilat ko na ang mga mata ko. Nagaalala siya, lagi ko nalang pinagaalala ang pamilya ko.
"Mom, wala kang dapat ipagalala sa akin." sabi ko sabay pagpapakita ng pilit na ngiti sa kanya
"Sino ba naman ang nanay na hindi magaalala sa anak niya?" malapit ko nanaman mapaiyak si Mommy
"Okay naman po ako--Aray!" binalak ko sanang umupo na pero napahawak nalang ako sa ulo ko na biglang kumirot sa sobrang sakit
"Tingnan mo nga yan, humiga ka na muna." inalalayan ako ni Mommy sa paghiga ulit at next thing I know, umiikot na ang paligid ko kaya ipinikit ko nalang muna ulit ang mga mata ko
"Yan ng sinasabi ko sayo! Paano akong hindi magaalala? Nawala ka nalang bigla kagabi. Alam mo ba kung saan-saan ka namin hinanap? Tapos malalaman lang namin na nagpakalasing ka pala mag-isa sa bar." narinig kong humikbi na si Mommy, parang ayokong buksan ang mga mata ko dahil alam kong makikita ko nanaman siyang nasasaktan dahil sa akin. Kaya pala masakit ang ulo ko dahil sa hangover. Naalala ko ng nagpakalasing nga pala ako.
"Anak naman, hanggang kailan ka ba magkakaganito? Hanggang kailan mo ba papahirapan ang sarili mo at ang mga tao sa paligid mo?" patuloy pa rin sa paghikbi si Mommy, kasabay nun ang pagtulo ng luha ko. "Tama na naman ito. Please lang naman anak. Itigil mo na ito? Wag mo naman pabayaan ang sarili mo. Wag mong ibaon ang sarili mo sa nakaraan. Wag mong hayaang tumigil ang mundo dahil sa pagkawala niya."
Sobra ko ng nasasaktan si Mommy nang hindi ko napapansin. Ang iniisip ko lang kasi ay ang sarili ko. Napakaselfish ko para pagaalahanin ang mga taong nandyan at minamahal ako.
"I'm sorry Mom." sabi ko sabay tingin kay Mommy na humihikbi
Lumapit naman sa akin si Mommy tsaka ako binigyan ng mahigpit na yakap "Kung tingin mong nawala na ang lahat sayo dahil sa pagkawala niya. Anak, nandito pa kami. Marami pa kaming nandito para sayo, kaya sana naman wag mo yun balewalain. Mahal na mahal ka namin."
Tama si Mommy. Okay na ako eh, bumalik lang ako sa pagiging ganito dahil sa nakilala kong kamukha ni Suarez. Pero naaalala ko yung mga salitang binitawan ni Gelo sa akin at tama siya sa mga sinabi niyang yun.
"Sorry Mommy. Ito na po ang huli, pangako ko po yan sa inyo."
"Salamat naman kung ganun anak ko. Alam mo bang natakot ako na baka kung anu ng ginawa mong masama. Buti nalang at nakita ka ni Jake."
BINABASA MO ANG
[SMFF Book2] All My Love is for You
Teen Fiction(Completed*No Softcopies) This is Spying My Future Fiance Book 2