LOVE 10: HAPPENINGS
CAMILLE's POV
Bakit ganito? Bakit biglaan nalang siyang naaksidente? Bakit siya pa?
Nandito kami sa hospital ngayon at halos hindi na alam kung paano kikilos. Iniisip naming lahat ang kalagayan niya.
"Mhie, magiging okay din si Chelsea." sabi ni dhie sabay yakap sa akin. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.
Puno ng dugo ang kamay, mukha at damit ni Troy. Kasama siya ng nakabunggo na nagdala dito kay Chelsea.
Pansin kong sinisisi ni Troy ang sarili niya. Alam kong wala itong pagaalala ko para kay Chelsea kumpara sa nararamdaman niya ngayon.
Maya-maya lang lumabas na ang doctor. Lahat kami pumunta na rin sa kwartong pinagdalhan kay Chelsea.
Masakit man pero kailangang tanggapin ang totoo. Nabulag siya dahil sa aksidente at may galit siya kay Troy.
Lumipas ang isang buwan. Mas lumala ang pangyayari kay Chelsea at Troy. Namatay si Troy. Nagluluksa si Chelsea at hindi pa makapasok.
"Nalulungkot talaga ako sa mga nangyari kay Chelsea at Troy."
"Siguro yan talaga ang nakatadhanang mangyari sa kanila." pagkasabi nun ni dhie napatingin ako sa kanya. *Sigh* Hindi ko yata makakaya kung mangyayari ang ganyan sa amin. Paano nalang ako kung mawawala ang taong pinakamamahal ko?
"Tigilan mo yang iniisip mo." pinilit ko nalang ngumiti nung sinabi niya yan
"Wala naman akong iniisip na kung ano."
"Hindi naman ako mawawala sayo." sabay yakap niya sa akin
"Dapat lang. Nangako ka na sa akin na hindi mo ko iiwan, na lagi kang nandyan sa mga special days ng buhay ko, kaya hindi ka dapat mawala. Okay?"
"Tingin mo bang makakaya kong malayo sayo?"
"Kaya mo nga ba?"
Imbis na sumagot siya sa tanong ko na yun, humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin tsaka niya ako siniil ng matamis na halik.
"Alam mo na ngayon ang sagot?" nakangiting tanong niya
"Oo, alam na alam ko na." sabi ko sa kanya habang nakangiti at nakatingin ng diretsyo sa kanyang mga mata
***
Lumipas ang ilang buwan at okay na si Chelsea, naisip niyang masasaktan lang si Troy kung nakikita siyang malungkot. Kaya heto at medyo nanunumbalik na ang bessy ko sa katauhan niya.
Speaking of nanunumbalik sa katauhan, ako yata itong hindi pa nanunumbalik sa katauhan ko. Bakit? Kasi naman nung nakaraang araw, may nangyari na hanggang ngayon hindi pa rin ako makarecover.
BINABASA MO ANG
[SMFF Book2] All My Love is for You
Novela Juvenil(Completed*No Softcopies) This is Spying My Future Fiance Book 2