LOVE 19: LETTING HIM GO

18.4K 310 48
                                    

Play the video sa multimedia -->

LOVE 19: LETTING HIM GO

CAMILLE's POV

Here I am. Nagkukulong sa kwarto at wala akong balak lumabas dito. I don't wanna talk to anyone right now. All I know is that I need space, enough space for myself to absorb all of this hardships.

How can I accept the fact that your gone? Sigh! This is driving me crazy.

Yung taong pinakamamahal mo na biglang mawawala nalang sa buhay mo. That's the saddest part! Hindi kayang tanggapin ng utak at puso ko yung realidad na yun.

Hinawakan ko yung kwintas na suot ko. Kapag hawak ko ito, nararamdaman kong nandito lang siya sa tabi ko.

3 days na siyang nakaburol. Sa tatlong araw na yun, hindi ako naglakas loob na magpunta dun para tingnan siya. Bakit ko naman kailangang magstay sa lugar na alam kong puro sakit at iyakan ang tanging maririnig ko?

Nalaman ng pulis kung sino ang may-ari ng kotseng nakabanggaan niya, pero hindi nila ito natagpuan hanggang ngayon. Sinabi nilang baka sa takot ng driver ng kotse na yun, kaya niya inilayo sa lugar ng aksidente si Suarez, hindi lang yun dahil may tama daw sa ulo si Suarez na naging dahilan ng pagkamatay niya. Ang galing noh? Nakahinahon nilang sinabi yan sa amin, na parang bang sinasabi nilang ganito ang nangyari at tanggapin nalang na wala na kaming magagawa pa para ibalik ang buhay niya. Hindi kasi sila ang nawalan, hindi kasi sila ang nasasaktan kaya nagagawa nilang sabihin na parang madali lang ang mga nangyayari.

Sa pagkawala niya, para akong naputulan ng isang kamay, naputal ng isang paa, napipi, nabingi, at nabulag. Napaka useless na ng tingin ko sa mundo at lalo na sa sarili ko. Paano ako makakasurvive sa mundong ito, ngayong alam kong kahit anung paggising ko sa umaga ay hindi ko na siya makikita?

Wala akong nagawa para mailigtas siya sa kapahamakan na yun. Wala akong nagawa para manatili lang siya sa tabi ko.

Losing him is like losing my heart as well. Ayaw ko ng marinig na tumibok pa ito kung wala na rin naman rason pa.

Hindi ko kayang mabuhay kung wala siya.

*Tok tok tok*

"Camille, iha, tara na, pupunta na tayo sa sementaryo nito."

I don't wanna come. Hindi ko magagawang makitang hinahatid siya sa huling hantungan niya.

"Iha, ayos ka lang ba? Nagaalala na kami sayo. Papasok na kami ha. Bubuksan namin to."

"Ito na yung susi, buksan mo na yan baka anu ng ginagawa ng anak mo."

"Anak!" sigaw ni Mom at Dad habang nagtatakang nakatingin sa akin

Bigla nalang akong niyakap ni Mommy "Akala ko napano ka na."

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon