LOVE 43: TRUTH BEHIND HER IDENTITY

17.4K 303 37
                                    

LOVE 43: TRUTH BEHIND HER IDENTITY

 

CAMILLE's POV

 

Iyong mga titig niya at ngiti sa akin. Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko may kakaiba sa mga iyon? Bakit parang may galit siya sa akin?

"Bakit ako nakatali? Anung nangyayari?" tanong ko sa kanya pero inirapan niya lang ako "Nasaan si Gelo?"

"Ate Camille, baka naman ibig mong sabihin, nasaan si Gabriel Suarez?" alam niyang si Gelo ay si Suarez?

"Alam mo ang tungkol dun?"

"Syempre naman, matagal ko ng alam ang tungkol diyan. Si Gelo ang fiance mo. Nakalimutan mo bang nakita ko na kayo noon? Iyong araw na nagpropose siya sayo?" nandun nga siya nung nagpropose sa akin si Suarez sa park, pero ang akala ko hindi niya na naaalala iyon

"Bakit hindi mo sinabi agad sa akin? Anu ba ito Argie?" napatawa siya sa tanong kong iyon sa kanya. Tinatawag niya akong Ate, pero may diin sa pagtawag niyang iyon. Parang hindi siya ang Argie na kilala ko.

"Bakit ko naman sasabihin sayo? Para ano? Para sumaya ka?" may tono ng galit sa bawat salitang binibitawan niya at hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganyan

"Anung nagawa ko sayo? Bakit parang galit ka sa akin? Tanggap ko pa kung si Megumi ang nandito ngayon at galit sa akin dahil alam kong minahal niya si Suarez, pero bakit ikaw? Ginagawa mo ba ito dahil sa bestfriend mo siya?"

Ngumiti siya ulit at naglakad palapit sa akin "Madaling isipin na iyon lang ang dahilan, pero kung tutuusin, pwedeng iyon nga, kaso hindi lang kasi iyon ang totoong dahilan kung bakit ka nakatali ngayon diyan."

"Kung hindi pa iyon, anu? Anung dahilan mo Argie?" ang sakit para sa akin na makitang nagagalit siya sa hindi ko malamang dahilan

"Wala ka talagang alam. Ganyan talaga pag lumaki sa isang sikat at magandang pamilya noh?" anung kinalaman ng pamilya ko sa galit niya sa akin?

"Anung kinalaman nang lumaki ako sa magandang pamilya? Sabihin mo sa akin kung bakit!" sigaw ko sa kanya. Naging seryoso ang pagtingin niya sa akin.

"Madami akong sikreto na sasabihin sayo, kaya gusto kong makinig ka ng mabuti." galit na galit talaga siya sa akin, kitang kita ko iyon sa bawat titig niya "Ako ang bumangga kay Gabriel Suarez."

Laking gulat ko nang marinig ko iyon mula sa kanya. Ang sinabi sa akin ni Suarez, si Megumi raw ang bumangga sa kanya.

"Paanong ikaw? Hindi ba si Megumi?"

"Kasama ko si Megumi, pero ako ang nagdridrive, kaya ako ang bumangga sa fiance mo. Iyong araw na iyon, alam kong magkikita kayo, kaya naman naisip kong iyon ang magandang timing para isagawa ang plano ko." plano niya?

"Plano? Sayo plano? Ang alin?"

Natawa siya habang tinitingnan ako, parang iniinsulto niya ako sa mga tawa niyang iyon "Plano ko ang lahat. Simula sa pagbangga sa fiance mo, hanggang sa sinabi ko sa tatay ni Megumi na siya ang bumangga, tapos hanggang sa ngayon."

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon