LOVE 40: OLD EVIL

18.1K 294 33
                                    

LOVE 40: OLD EVIL

 

CAMILLE's POV

Sobrang saya ng umaga ko ngayon na makita ang mukha ni Suarez sa paggising ko. Akala ko hindi ko na mararanasan pa ulit ito. Dito ako nagpalipas ng gabi sa condo niya, tumawag ako sa bahay at sinabi kong kina Chelsea ako nakitulog. Tinawagan nga rin ni Megumi si Suarez kagabi, sinabi lang sa kanya ni Suarez na hindi siya uuwi.

Gaya noon, pinadaan ko ang hintuturo ko mula sa noo niya, papunta sa mga mata, sa ilong at hanggang sa labi.

"Ikaw lang talaga ang nakakapagpasaya sa akin." sabi ko habang nakatitig sa kanya

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya tsaka balak halikan sa labi, pero bigla nalang niyang idinilat ang mga mata niya. (O__O)

"Hehe! Good morning dhie." sabi ko habang todo ngiti, habang siya seryosong nakatingin sa akin na para bang naistorbo ko ang tulog niya

"Pasyensya na. Nagising ba kita?" tanong ko sa kanya habang lumalayo ng kaunti

Bigla niya naman akong niyakap ng mahigpit, kaya napasiksik ang ulo ko sa dibdib niya.

"Inistorbo mo nga ako." iyan talaga ang unang sinabi niya. Siya nga talaga si Suarez, ang lalaking kulang sa kasweetan kung minsan.

"Wala nanaman bang good morning muna?" tanong ko sa kanya

"Ayoko! Naistorbo mo ang tulog ko." seryosong sabi niya

"Edi matulog ka ulit. Huwag ka ng yayakap." sabi ko sa kanya habang umaalis sa pagkakayakap niya, pero mas hinigpitan niya lang

"Alam mo bang kakaidlip ko lang?" nagulat naman ako sa sinabi niyang iyan

"Kakaidlip lang? Hindi ka nakatulog?" ako kasi himbing na himbing sa pagtulog ko kagabi

"Hindi." mahinahon niyang sagot

"Bakit?" sabi ko tapos tinignan siya sa mukha niya. Nakapikit pa nga siya.

"Tinitigan kasi kita buong magdamag." sagot niya habang nakapikit pa rin

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko tsaka ko siya biglang hinalikan sa labi.

"Ikaw talaga, pasimpleng sweet ka." sabi ko tsaka ako yumakap sa kanya ng mahigpit "Sana lagi nalang tayong magkasama."

Biglang nagkaroon ng katahimikan nang sinabi ko iyan. Alam kong naisip niya rin na hindi pwede ang gusto ko na iyon, pero hindi niya magawang masabi sa akin dahil ayaw niya na akong masaktan pa.

Next thing I know, tumutulo na pala muli ang mga luha ko. Ang sakit isipin na panandalian lang ito. Paglabas sa condo na ito, hindi na kami pwedeng magkasama dahil mapapahamak lang ako at ayokong mapahamak din siya dahil sa akin.

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon