LOVE 44: END OF HIS EVILNESS

18.5K 327 60
                                    

LOVE 44: END OF HIS EVILNESS

 

ARGIE's POV

 

Galit ako sa kanya, dahil naging masaya ang buhay niya habang ako ay nagdusa sa pagiging ulila. Pero bakit ganun? Bakit hindi ako nakaramdam ng saya ng makita kong nakatali siya, nang makita kong may dugo na tumulo mula sa ulo niya dahil sa ginawa kong pagpalo sa kanya. Bakit hindi ako masaya ngayong alam kong nasa loob na siya ng warehouse kung nasaan si Mr. Kawazaki?

"Bakit? Bakit hindi ako masaya?" napaupo ako at napatakip ng mukha sa labis na pag-iyak. Bakit mas nasasaktan ako sa ginawa ko sa kanya? Bakit nalulungkot ako imbis na maging masaya?

"Sorry Ate. I'm sorry." those days na kasama ko siya, mas lalo akong nangulila sa pagmamahal at pagkalinga niya. Matagal kong hinintay na hanapin niya ako, pero wala siyang ginawa. Nasasaktan ako, dahil alam kong mahal ko pa rin si Ate.

"Argie, are you okay?" si Megumi ang biglang dumating at hinawakan ako sa ulo na parang pinapatahan. Agad akong yumakap sa kanya, may mga bagay akong nagawa sa kanya at sa pamilya niya. Sila ang naging kasangkapan ko para magawa ang mga plano ko, pero nandiyan pa rin si Megumi para sa akin at naging tunay na kaibigan ko.

"Sorry Megumi."

"Anu ka ba naman Argie? Ilang beses ka na bang nagsorry sa akin kagabi?" sinabi ko na ang lahat sa kanya kagabi

"Sorry talaga. Napakasama ko."

"Tama na Argie, maitatama pa naman ang lahat ng ito. Nasaan si Ge--I mean, si Gabriel at si Ate Camille?"

Humiwalay na ako sa pagkakayakap kay Megumi at nagpunas ng luha. Tama siya, may oras pa para itama ang lahat.

"Nasa loob sila ng warehouse." sabi ko tsaka na tumayo. Tumayo rin si Megumi at may tinawagan gamit ang cellphone niya.

"Oo Jonas, malapit na kayo? Okay sige hihintayin namin kayo dito." sabi niya tsaka na ibinaba ang cellphone at humarap sa akin "Tinawagan ko na sina Jonas at Kuya Jake. Tutulungan nila tayo."

Kahit papaano gumaan ang loob ko na may tutulong sa amin. Dapat ko na talagang itama ang lahat.

"Anu iyon?" pareho kaming nagulat ni Megumi nang makarinig ng malakas na tunog mula sa loob ng warehouse

"Tunog ba iyon ng putok ng baril?" tanong ni Megumi. No way! Hindi nila pwedeng saktan sila, lalo na si Ate.

"Kailangan na nating pumasok dun, pigilan natin ang tatay mo." sabi ko kay Megumi tsaka ko siya hinihila-hila para lumakad na

"Let's go Argie. I'm so worried." sabi ni Megumi tsaka na kami pumasok sa loob ng warehouse

"Oh my God!" sabi ni Megumi sabay takip sa bibig

May dugong tumutulo sa braso ni Gabriel, nakatutok pa rin ang baril ng tatay ni Megumi sa kanya.

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon