LOVE 28: DRUNKEN LOVE
3RD PERSON's POV
Umiiyak si Camille na lumabas sa auditorium. Nasasaktan siya sa nakita at ginawa ni Gelo. Wala siyang ibang maisip kundi si Suarez.
Napaupo siya sa gilid sa labas na pag-iyak na halos manghina na ang kanyang mga tuhod. Naramdaman niya ang labis na panghihina at sakit sa damdamin.
Lumabas si Gelo mula sa auditorium. Nakita niyang umiiyak si Camille na nakaupo sa may gilid.
"Bakit dito ka umiiyak?" tanong ni Gelo kay Camille
Napatingin sa kanya si Camille, mas lalo siyang napaiyak at napayakap kay Gelo.
"Suarez!" sabi ni Camille pagkayakap niya kay Gelo
"Anu nanaman bang nangyayari sayo?" tanong ni Gelo sa kanya
"Suarez, alam kong ikaw yan!"
"Bakit ka nanaman nagkakaganito?!" medyo malakas na ang pagkakasabi niyan ni Gelo na hinawakan na si Camille sa magkabilang braso at inilayo sa kanya
"Bakit mo ito ginagawa sa akin? Suarez naman! Alam kong ikaw yan! Nararamdaman kong ikaw yan!" patuloy lang sa pag-iyak si Camille. Hindi na malaman ni Gelo kung anung dapat niyang gawin.
"Ilang beses ko bang kailangang sabihin sayo na hindi ako ang fiance mo?!"
"Hindi! Hindi! Hindi!" sabi ni Camille habang umiiling "Naniniwala akong ikaw yan! Yung kantang kinanta mo, yun din yung kinanta ni Suarez sa akin noon kaya alam kong ikaw yan!"
"Yung kanta? Hindi ko alam na may kinalaman yun sayo, tanging yun lang ang na isip kong kantahin para kay Megumi."
"Pero dahil dun mas napatunayan kong ikaw si Suarez! Kaya sige na naman, sabihin mo na sa aking ikaw yan!"
"I'm sorry Camille. Hindi ko sinasadya, hindi ko alam. Kung alam ko lang na magkakaganyan ka nanaman dahil sa kantang yun, edi sana hindi ko na yun piniling kantahin."
"Bakit ka ba ganito Suarez? Bakit mo ba ito ginagawa sa akin?!"
"Hindi lang talaga ako ang lalaking sinasabi mo."
"No! Alam kong ikaw yan! Please Suarez, itigil mo na to. Nagmamakaawa ako sayo, sabihin mo na sa aking buhay ka. Please! Nagmamakaawa ako sayo. Wag mo naman tong gawin sa akin!"
"Ako si Gelo at kahit kailan hindi ako magiging si Suarez na fiance mo!" malakas na sigaw ni Gelo na nakapagpayuko kay Camille "Buhay ako at patay ang lalaking tinutukoy mo. Alam kong nasasaktan ka, pero paano ko aaminin ang isang bagay na hindi naman talaga? Patay na ang fiance mo! Sana naman matuto ka ng tanggapin yun! Hindi mo ba alam na nahihirapan akong alam ko na may isang taong nasasaktan sa tuwing nakikita ako? Kaya please Camille, itigil mo na ito. Tanggapin mo ang pagkawala niya."
BINABASA MO ANG
[SMFF Book2] All My Love is for You
Teen Fiction(Completed*No Softcopies) This is Spying My Future Fiance Book 2