LOVE 49: THE END
Kalahating taon din bago gumaling ng tuluyan si Suarez. Kinailangan pa siyang imonitor ng mga doktor. Kahit inabot man ng ganun katagal iyon, naging maganda naman ang bunga nito para sa kanila.
Pagdating sa Pilipinas ay pinapagtuloy din nina Camille at Gabriel ang pag-aaral. Nakagraduate na rin sila pareho sa mga kursong kinuha nila.
CAMILLE's POV
Sa dami ng problema at pagsubok, heto at magkasama pa rin kami ngayon. Sa wakas at dumating na rin ang araw na pinakahihintay namin ng aking fiance.
"Kinakabahan ka ba anak?" tanong ni Mommy na kasama ko ngayon dito sa kotse
"Medyo po Mommy, pero kahit medyo nababawasan na rin." nakangiti kong sagot sa kanya
"Wala ka naman dapat ikakaba. Dapat ay masaya ka anak." nakangiting sabi ni Mommy. Tama siya, wala ngang rason para malungkot pa ako ngayon.
"Ang hirap paniwalaan na ikakasal ka na ngayon princess." sabi naman sa akin ni Dad
"Oo nga po Dad, parang kailan lang nung pinaguusapan natin iyong naka-arrange marriage pala ako, tapos ngayon heto at ikakasal na nga kami."
"I just want you to be happy. Okay? Alam mong mahal na mahal ka namin ng Mommy mo." sabi ni Dad sabay yumakap sa akin
I am really blessed to have them as my loving family.
Pinaghanda na kami. Pumasok na si Mom sa church. Naghahanda na rin kami ni Dad at nakapila na kami.
"Ate, ang ganda mo. Gorgeous!" sabi sa akin ni Argie na todo ngiti. Siya ang aking maid-of-honor.
"Ikaw din, ang ganda mo. Mukhang gwapong gwapo rin ang partner mo noh?" nakangiti kong tanong sa kanya sabay silip kay Jake na nasa tabi ng aking fiance, siya kasi ang best man nito.
"Ate talaga, huwag mo na akong tuksuhin." sabi nitong si Argie na namula pa talaga
"Ok, pero gusto kong maging masaya ka ha. Ligawan mo na kasi si Jake." natatawa kong sabi sa kanya
"At ako pa talaga manliligaw? Ate naman eh." natatawang sagot nito sa akin "Sige Ate, pwesto na ako."
BINABASA MO ANG
[SMFF Book2] All My Love is for You
Teen Fiction(Completed*No Softcopies) This is Spying My Future Fiance Book 2