LOVE 24: IT HURTS

16.8K 263 17
                                    

LOVE 24: IT HURTS

 

CAMILLE's POV

Gelo Kobayashi? Paanong kamukha niya si Suarez? Kahit ako naguguluhan na sa mga nangyayari, pero hindi maalis sa isip ko na baka siya si Suarez kahit na alam kong patay siya. Nagkakaganito ba ako dahil sa alam kong umaasa pa rin ako sa bagay na imposible namang mangyari?

I am looking at him habang may kinukuha siya sa loob ng kotse niya. Tapos niya ng kunin yung kinukuha niya kaya napaharap na siya sa akin. I can say na tinititigan ko siya mula ulo hanggang paa.

"May problema ba?" tanong niya sa akin. His voice, parang si Suarez talaga.

"Gelo? Kahit saang angulo kita tingnan, kamukhang kamukha mo talaga siya."

"Here we go again. Akala mo ba nakalimutan ko ng ikaw yung bigla nalang umiiyak at niyapos ako? Pasalamat ka at hindi ko nalang binanggit pa yun kay Megumi."

"Ako nga yun, pero hindi mo ko masisisi dahil kamukhang kamukha ang fiance ko. Kamukha mo si Suarez, imposible kasing nangyayari ito ngayon. I'm thinking na baka ikaw siya."

"Ako siya? E hindi nga kita kilala, paanong ako ang fiance mo? Hindi ako dito sa Pinas tumira noon, kaya imposibleng magkakilala tayo."

Lumakad ako palapit sa kanya at mas tinitigan ang mukha niya "Suarez!" sabi ko sabay yakap sa kanya

"Alam kong ikaw yan! Hindi mo lang ako naaalala, pero alam kong ikaw ang mahal ko."

"Hey! Bitaw nga." sabi niya sabay tulak sa akin "Kaibigan ka ni Megumi kaya pinipilit kong makisama sayo, pero kung ganyan ka naman ako na mismo ang magsasabi sa girlfriend ko na lumayo sayo. Napaka weirdo mo."

Pagkatapos niyang sabihin yun tsaka niya nalang ako tinalikuran pero bago pa siya makalayo, hinawakan ko yung bag niya, the usual way na ginagawa ko kay Suarez noon sa tuwing pinipigilan ko siyang umalis.

"Aish! Ano ba?!" iritadong sabi niya. He's like Suarez.

"Nairita ka sa ginawa ko? Alam mo bang naiirita din ang fiance ko sa tuwing ginagawa ko yan sa kanya."

Napahawak nalang siya sa ulo niya at medyo napayuko "Look" sabay tingin niya sa akin "Sino bang hindi maiirita sa ginawa mong yun? Para kang bata na pinipilit ang isang bagay na gusto. Uulitin ko, hindi ako ang fiance mo kaya kung pwede lang sana ay tigilan mo na ako."

Hinayaan ko na siyang bumalik sa coffee shop. I don't know pero nasasaktan ako sa tuwing sinasabi niyang hindi siya si Suarez o kaya naman hindi siya ang fiance ko. Alam kong kung hindi ako magpipigil, siguradong babagsak na ang luha ko.

Pinalipas ko lang ng ilang sandali tsaka na ako bumalik sa coffee shop. Nagtatakang nakatingin sa akin si Chels pagdating ko.

"Bakit ang tagal mo? Saan ka ba galing?" tanong niya sa akin

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon