|Meiko’s POV|
Goodmorneng Sanshayn! Hay. Sarap ng tulog ko at ang ganda ng gising ko! At alam kong may mas igaganda pa ang araw ko ngayon.
Email: meikopotpot@yahoo.com
Password: kurtthewpmanlove
Sarap idisplay ng password ko.
O.O
Shit? Sinabi ko yung password ko. Teka change pass!
.
.
.
Ayan okay na. Notifications, checked. Friend requests, checked. Messages, checked. Matthew Chapman na ako! Yihihihi.
Like.Comment.Post.Message
“Good Morning po Chapman ko. I love you po. Hehe. Alam kong hindi mo mapapansin tong mga messages ko. Sa dami ba naman namin na nagsi-seek ng atensyon mo hindi ba? Pero okay lang po yon. Sana, let me treat you this way. Because this is the way I only prefer to give myself happiness, and even though you’re from afar, I feel like I’m attached to you through this message. Ingat ka ha? Mwa :*”
Oh ang sweet ko no? Dapat lang! Ano akong klase ng girlfriend kung hindi ako sweet sa nag-iisang mahal kong lalaki. Ang gaan sa pakiramdam makipagusap sa kanya ng ganyan. Promise!
*Seen 6:23am
O.O
Gosh! Nag..Nag Seen. Shet. Nakita niya yung message ko! Pray. PRAY! Oo alam ko naman na sinasadya ko namang imessage yan, pero hindi ko naman akalaing magseseen ngayon mismong oras na to! At di ko akalain na mababasa niya pa sa dami ng nagmemessage sa kanya!
Aww. Sweet mo naman. Hehe. Goodmorning din. Iloveyoutoo :* Mwa
This.is.really.KILIGFACTOROVERLOAAAAAAD!!!!!!! Grabe T.T I’m so happy. Sabi ko na nga ba may igaganda pa tong araw ko eh! Sabi ko na nga ba eh! Kinikilig ako. Ano ka ba naman Matthew Chapman! Bakit mo ba ako ginaganito? Simpleng like mo lang halos maglupasay na ako tapos mag memessage ka pa sa akin ng ganyan? Lord, ano pong nagawa kong mabuti at nabiyayaan ako ng labis na kaligayahan?!
“Syempre para sayo, mahal kita eh :*”
Hayy. Hindi na nagseen. Yaan niyo na no! Atleast nagmessage pa din. Busy lang yan kasi may date pa kame mamaya. Osha-sha! Tama na nga ang pagpapantasya. Makaligo na at ng makapasok na sa school kong susyal. Makikita ko kaya siya ulit? Uwaaaah. Ayoko muna magisip baka madissapoint ako. Ligo na Meiko, LIGO!
Ahh. Refreshing! Sarap sa pakiramdam. Onting pulbo at lipgloss lang. Ready to go na ako. Nagpants muna ako at mamaya na ako magpapalit ng palda sa school. Magmomotor ako eh. Alangan idisplay ko yung ano… Ah basta! Lumabas ako ng condo at pumunta sa parking. Ayun ang isa ko pang baby. Ang motor ko. Leggo. Pasok pasok din.
-------------------------------------------
*Chix University
“Ang kapal ng mukha mo! Sing kapal niyang make-up mo! Eww you! He’s mine!” Narinig kong sigaw ng isang babae.
“Ulol! You’re a bitch! How dare you flirt with him huh? Ang trying hard mo. Di ka naman maganda! Bwisit ka!” Sabay sugod don sa nauna kong narinig.
Dafuq? Ke aga aga naglipana ang mga babaeng maiingay na to. Lalaki pa pinagaawayan! Bwisit naman oh. Ang ingay sa paligid. Naalibadbaran ako. Eto namang mga hunyango na estupidyante ng ChixU nakikinuod at nagvivideo pa. Tsk tsk. World, what’s happening?
![](https://img.wattpad.com/cover/5518990-288-k736667.jpg)
BINABASA MO ANG
How I met my Facebook CRUSH ♥ [On-going]
Ficção AdolescenteWhat if one day, one of your greatest dreams came true. You met your ultimate crush in an unexpected way. And you never realized that he, coming into your life, will craze your everyday living. Paano ka nga ba kikilos at aarte oras na makaharap mo n...