|Meiko’s POV|
Nanginginig akong nag-lakad papunta sa parking. Nagagalit ako. Naiinis ako. Mabuti na nga lang at napigilan ko pa ang sarili ko dahil kung hindi, baka isa na akong criminal ngayon or worse, nakakulong na ako. Animal siya. Animal ka Aloisa!
I went back to my senses ng pag-buksan ako ni Matthew ng pinto ng sasakyan. Pumasok ako sa loob pagkatapos kong bumuntong hininga ng malalim. Nakasunod pa din pala siya sa akin. Ako ang sinundan niya. Ako ang napili niyang samahan at iniwanan niya doon si Aloisa. Gustuhin ko man na kiligin, wala eh. Masyadong magulo ang isip ko. Ni hindi ko ma-digest sa kung saan man tumungo yung impormasyong nalaman ko na boyfriend na daw ni Aloisa si Zake. Bullshit. She really has the guts to say it on front of my face when she knows that she’s the reason behind my pain. Putang ina niya. Grabe ang katigasan ng mukha niya. Boyfriend niya si Zake? Tapos kung makaasta siya kanina kay Matthew.. Hayop!
Narinig kong pumasok na din si Matthew at inistart na ang sasakyan. Hindi naman siya nag-tatanong. Hindi ko din alam at hindi ko mabasa kung ano ang takbo ng isip niya ngayon. Alam kong nagulat din siya sa nangyari kanina at alam kong malalim din ang iniisip niya, pero hindi ko alam kung ano ang laman ng utak niya. Sa hawak niya sakin kanina, alam kong mahal niya pa si Aloisa. Alam kong may impact pa sa kanya yung babaeng yon.
Sa sobrang ngitngit, nakatulog ako sa loob ng sasakyan.
|Matthew’s POV|
Nalilito. Naguguluhan. Nasasaktan.
Halo halo na yung nararamdaman ko ngayon. Palinga linga ako kay Meiko at sa daanan habang nag-mamaneho. Gulong gulo ako. Maraming katanungan yung pumapasok sa isip ko, na hindi ko din alam kung hand aba akong marinig ang mga sagot. Si Meiko lang ang makakapagpaliwanag sa akin ng lahat. Gustong gusto ko siyang tanungin pero baka hindi pa siya handang ikwento sa akin. Baka ayaw niyang pag-usapan. Aantayin ko na lang na siya ang magsalita sa akin.
Iginarahe ko na ang sasakyan pagdating namin sa parking ng condo ni Meiko.
“Meiko..” Sabi ko at tinapik tapik ko yung braso niya.
“Hmmmm…”
Napalunok ako. Bakit ganun kasi yung tunog! Hindi na lang gumising ng diretso. Agh! Matthew umayos ka.
“Meiko.. Gising na.” Tapos niyugyog ko siya.
Unti-unti naman niyang dinilat yung mata niya tapos pilit na ngumiti sa akin. Basang basa ko kung gaano kalungkot yung mga mata niya. Lumabas na ako ng sasakyan tapos pinagbuksan ko na din siya ng pinto. Habang nasa elevator kami, tahimik lang kaming dalawa at walang nag-sasalita. Nakakabinging katahimikan. Pakiramdam ko, nag-aantayan lang kami kung sinong unang mag-sasalita. Nung makarating na kami ng tapat ng unit niya. Huminto siya at tumingin sa akin sa mata. Hindi ko din alam kung bakit pero tumayo yung mga balahibo ko sa tingin niya.
“Matt.. T-thank you.” Paputol putol niyang sabi.
Thankyou saan? Yaan mo na nga.
“Itatanong ko ba kung anong nangyari o magkukwento ka na lang?” Sabi ko sa kanya na medyo nakangiti. Gusto ko man lang pagandahin yung atmosphere.
Nginitian niya ko tapos binuksan niya na yung pinto ng condo niya at inanyayahan na ako sa loob.
“Inom tayo?” Biglang tanong niya sa akin. Nagulat naman ako don.
“H-ha?” Tanga. Anong tanong yan Matthew? Ang linaw linaw ng alok sayo.
Papayag ba ako? Natural. Pareho kaming natutuliro. Alam ko namang may kinalaman na si Zake na ex niya dito, at lalo ang ex ko ding si Aloisa. Love square? What the eff.

BINABASA MO ANG
How I met my Facebook CRUSH ♥ [On-going]
Novela JuvenilWhat if one day, one of your greatest dreams came true. You met your ultimate crush in an unexpected way. And you never realized that he, coming into your life, will craze your everyday living. Paano ka nga ba kikilos at aarte oras na makaharap mo n...