A/N HELLO GUYS! AH SA WAKAS NAGKAROON DIN AKO NG TIME MAG UPDATE! Grabe! Hindi ko na mapag sabay sabay ang mga gawain. Kakatapos lang ng show namin kahapon kaya ngayon lang ako nakapagpahinga. Sorry talaga sa matagal na paghihintay :)( Maiksi pa tong update ko pero sana mapagtyagaan niyo. Maraming salamat sa inyo! Loveyou all :*
|Meiko’s POV|
“Huy..” Tapos kinulbit kulbit ko siya sa braso.
“Aish!!!!” Kinamot kamot ko yung ulo ko ng mariin. “Huy.. Psst. Matthew.” Mahinhing tawag ko na naman sa kanya.
Pang-ilang tawag ko na ba to? Gawd. Would you imagine na nag cutting classes ako para lang magsorry sa gwapong nilalang na ito? Eh pano kasi, ayaw na sagutin ang mga tawag ko, at text ko nung iniwanan ko siya. I don’t have any idea tuloy kung gaano siya katagal nag-antay. Waaaaaaaaaaaaa! 1 araw niya na ako hindi pinapansin kaya nagdesisyon na akong puntahan siya sa condo niya. Wala naman kasi siyang pasok, tinanong ko si Tammy. Ngayon hinila ko siya sa may mini park malapit sa school namin. Ano gagawin ko? Parang bestfriend slash crush ko na to eh.
“Matt Matt Matt Matt Matt!!!!!” Tapos yinugyog yugyog ko na siya. Hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya at ihinarap ko siya sa akin. “SORRY NA KASEEEEEEEEEEEEEEEE!” At sinigawan ko siya sa mukha niya.
Hindi niya pa din ako tinitignan. My gulay. Nakaharap nga siya, nasa ibang direksyon naman ang mga mata niya. Naiiyak na ako.. Ayaw niya talagang tanggapin yung sorry ko. Hays.
“Sorry na talaga okay? Sorry nakalimutan ko.. Ayoko mag-explain hanggat di mo tinatanggap sorry ko kasi mamaya hindi ka naman nakikinig saken..” Napayuko na ako. Binitawan ko na yung mukha niya at umayos ng upo sa tabi niya. Nakaupo kasi kami sa grass. Maaliwalas naman dito kasi umagang umaga eh.
“I’m so sorry. Wag ka na magalit..” Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.
*Ting Ting~
Napalingon ako dun sa tunog sa may gilid ko at nakakita ako ng ice cream vendor. Natakam tuloy ako. Ah alam ko na! Dali dali akong tumayo at iniwanan si Matt doon tapos bumili ako ng icecream. Tag tatlong baso kami siyempre. Kasi kulang sa akin yung isa no. Tapos pinalagyan ko ng dalawang cones sa tuktok. Ipinatong lang. Hahaha yummm sarap! Excited akong naupo sa tabi niya tapos kinuha ko yung kamay niya na nakayakap sa mga tuhod niya kanina. Pinahawak ko sa kanya yung isang ice cream at inilapag ko naman yung dalawa pa sa harap niya. Tinignan niya lang yung ice cream tapos tumingin siya sakin.

BINABASA MO ANG
How I met my Facebook CRUSH ♥ [On-going]
Novela JuvenilWhat if one day, one of your greatest dreams came true. You met your ultimate crush in an unexpected way. And you never realized that he, coming into your life, will craze your everyday living. Paano ka nga ba kikilos at aarte oras na makaharap mo n...