|Meiko’s POV|
“Wala yun. Tama na wag ka ng umiyak.” Sabi sa akin ni Matthew.
Nagulat nga ako eh. Hindi ko alam kung kikiligin ako..
Okay fine! Alam ko, alam kong kinikilig na ako. Niyakap ako eh! HAHA >//<
Imba. Pinunasan niya yung luha ko gamit yung dalawang hinlalaki niya. Napatingin ako sa kanya at syempre, nailang ako..
Umiwas ako ng tingin tapos kunwari na lang inalok ko siya ng kape.
“A-ah Matt.. Uhm. G-gusto mo ng kape?”
“Sige. Salamat..” Pagpayag naman niya. Buti pumayag siya.
“Upo ka muna. Babalik ako.” Sabi ko at sinindihan yung TV.
Pagkatapos ko magtimpla, kinikilig kilig pa ako habang iniisip kong nandito si Matthew sa condo ko. Hahaha! Pigilan niyo ko at baka pagsamantalahan ko to. *__*
Ibinigay ko na sa kanya yung kape..
“Uy sarap mo magtimpla ng kape. Best coffee ever.”
Binola pa ako nito. Tss, kahit hindi niya ako bolahin para sumaya ako. Basta ba dito lang siya sa tabi ko. Kung gusto niya dito na siya tumira eh. Joke!
“Bola. 3-in-1 yan eh. Best coffee ka pa diyan.” Sabi ko.
Medyo natahimik siya pero maya maya, nagsalita din..
“B-bakit nga pala kayo nagbreak? I mean, ano nangyari sa inyo?” Tanong niya sa akin.
Medyo nagulat ako sa tanong niya kasi siyempre, hindi ko naman akalaing macucurious pala siya tungkol sa amin ni Z… nung lalaking yun. Dahil na rin sa wala akong mapaglabasan ng sama ng lob, ikinuwento ko sa kanya lahat. Buti nga at hindi ako umiyak.
Napatingin ako sa orasan at nakita kong anong oras na din pala. 11pm na.
“Late na Matt. Hindi ka pa ba uuwi?”
“Onga no! Masyado akong nag-enjoy sa story telling mo. Haha!” Sabi niya. O//O?
Ang gwapo ng tawa. Tsk. Hihi kakilig. Tumayo na siya.
“Salbahe. Sad story nga yun eh!” >3< Pagmamaktol ko pa kunwari.
“Joke lang ikaw naman. Sige na, una na ako. Salamat sa kwento at sa kape. Smile ka na ah? Para kang nasa lamay eh.” Biro naman niya sa akin. Hayy.
Palibhasa ikaw gwapo ka eh. Hmp.
“Edi ikaw na gwapo..”
O.O!!?
O//O
What? Sinabi ko ba yun?! Tsk. >//<
“Alam ko. Joke. Sige una na ako. Salamat ulit. Till next time ha?! See you soon.” Biglang sabi naman niya. Di man lang nagpahumble. Haha!
Hinatid ko na siya sa may elevator. Pero kinausap niya muna ako bago siya pumasok.
“Ah M-meiko.. Ah ano. Yung sinasabi ko sayo noon, pwede naman akong maging.. Ano. Ah..” Utal utal na sabi niya sa akin. Ano na naman to. Kailangan niya na to masabi ngayon!
“Sabihin mo na. Ano yan? ‘TAG-PUTOL’ round 2? Haha” Biro ko sa kanya. Para masabi niya na no.
“Tsss. Pwede akong maging boyfriend mo. I mean, kunwaring boyfriend. Fake. Kung sakaling guluhin ka man nung Zake na yun ulit. Friends naman tayo diba?”
![](https://img.wattpad.com/cover/5518990-288-k736667.jpg)
BINABASA MO ANG
How I met my Facebook CRUSH ♥ [On-going]
Fiksi RemajaWhat if one day, one of your greatest dreams came true. You met your ultimate crush in an unexpected way. And you never realized that he, coming into your life, will craze your everyday living. Paano ka nga ba kikilos at aarte oras na makaharap mo n...