|Matthew’s POV|
“Ingat tol.” Sabi sa akin ni Tammy. Tumambay kasi kami saglit sa kanila pagkagaling ng school. 8:30 pm na din pala.
“Sige. Salamat.” Paalam ko naman kay Tammy.
Sumakay na ako sa sasakyan ko at nagmaneho na. Napagpasyahan kong dumaan muna ng convenience store para bumili ng stocks para sa condo ko. Eksaktong pagbaba ko ng sasakyan, may pamilyar na lalaki akong nakita. Si Zake. May kausap siya sa cellphone eh.
“Tell him I’ll be late. Kailangan ko talagang makita si Meiko. Kailangan ko siyang makausap.” Sabi niya dun sa kausap niya at naglakad na siya.
Hindi naman sa stalker ako, pero sinundan ko siya. Malamang papunta siya kay Meiko eh. Pero habang naglalakad ako, nakita ko si Meiko. Sinundan ko siya at hinila.
“Ano ba!” Sigaw niya sa akin.
“Sshh. Matthew to.” Sabi ko sa kanya.
“O-oh.. M-matt. Anong ginagawa mo d-dito?” Tanong naman niya sa akin. Nauutal na naman siya. Haha.
“Wala naman. Napadaan lang ako tapos nakita kita. Kaya ayon. Saan ka galing? Gabi na ah?” Tanong ko naman sa kanya.
“A-ah. Ano, diyan lang sa convenience store. M-may binili lang ako. Hehe pero pauwi na din ako!” Nahihiya niyang tanong. Halata naman na nahihiya siya eh.
“Ah ganun ba? Hatid na kita!” Alok ko sa kanya. Pero alibi ko lang din yon. Alam ko kasing pupuntahan siya nung Zake na yun eh. Baka mamaya kung ano na naman gawin nung lalaki na yun dito.
“H-ha? N-nakakahiya.” Sabi niya.
“No I insist. Sige na. Akin na yan.” Kinuha ko yung mga pinamili niya.
Naglakad naman siya. Sign na pumapayag na siyang ihatid ko siya. Malayo kaya yung tirahan niya dito? Sumakay kami ng elevator at napag-alaman kong may unit pala siya sa malapit. Bago kami pumasok ng unit niya, nakita ko na yung Zake. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi na yun mangggulo..
|Meiko’s POV|
Sapat naman na siguro tong mga binili ko. Chichirya at choco drinks lang naman to eh. Makauwi na nga. At baka mapagastos pa ako. Naglalakad ako pauwi pero may humila sa akin..
“Ano ba!” Bulyaw ko sa humila sa akin.
“Sshh. Matthew to.” Pabulong na sabi naman niya sa akin.
“O-oh.. M-matt. Anong ginagawa mo d-dito?” Gulat kong tanong sa kanya. Kasi naman, wala naman akong ka ide-ideya na mapapadpad to dito.
“Wala naman. Napadaan lang ako tapos nakita kita. Kaya ayon. Saan ka galing? Gabi na ah?” Sagot naman niya sa akin.
“A-ah. Ano, diyan lang sa convenience store. M-may binili lang ako. Hehe pero pauwi na din ako!” Nahihiya kong tanong. Takte kasi. Ano ba to, hindi pa din ako sanay na nakikita ko siya.
“Ah ganun ba? Hatid na kita!” Nagulat ako nung inalok niya ako. Uwaaa! Magpakipot ka konti Meiko.
“H-ha? N-nakakahiya.” Sabi ko. Omo!! Kinikilig ako. Pero pilitin mo ko. HAHA! Amf.
“No I insist. Sige na. Akin na yan.” Napatigil ako ng konti nung bigla niyang kinuha yung mga bitbit ko. Ang gentleman. HUHU T.T Kinikilig ako lalo.
![](https://img.wattpad.com/cover/5518990-288-k736667.jpg)
BINABASA MO ANG
How I met my Facebook CRUSH ♥ [On-going]
Roman pour AdolescentsWhat if one day, one of your greatest dreams came true. You met your ultimate crush in an unexpected way. And you never realized that he, coming into your life, will craze your everyday living. Paano ka nga ba kikilos at aarte oras na makaharap mo n...