Author's note!
Haha :) Naenjoy ba sa mga nagbabasa diyan?
----> Ms. Meiko Rensio sa side!! :)
|Matthew’s POV|
Tae naman to si Tammy oh. Inaaya ako sa school niya. Free cut daw nila at tinatamad siya dahil nilayasan siya ni Reizelle. Hindi niya girlfriend yan, bestfriend ko yan. Nagtampo pa nga sakin yung babaeng yon, kasi hindi ako nagenroll sa ChixU. Eh ayaw ko dun noon, kasi nandun yung ex ko. Psh. Bitter na kung bitter. Basta ayaw ko don, pero nung nalaman kong nagtransfer pala sa Cool Academy ang wonderful ex ko na si Aloisa, ayun. Nagsasasama na ako kila Tammy doon sa school nila.
“Hoy gunggong!” Agad na tawag ko pagkatanaw ko sa kanya na kasalukuyang nasa tapat ng pinto ng ice cream parlor ng school nila.
“Ulol! Ang tagal mo. Ginutom ako. Tara sa loob at ilibre mo ako!” Sagot naman niya sa akin. Kapal talaga ng mukha netong hayop na to eh. Sabi na nga ba hindi liligtas ang pitaka ko sa kanya.
Pangalawa kami sa pila. Tsss. Iniisip ko pa lang na mababawasan yung pitaka ko dahil sa mokong na to e parang gusto ko ng manapak! Kuripot na kung kuripot. Bwisit kasi ito e. Buti na lang may buntot yung buhok netong babae na nasa harap namin. Ay anong konek? Payat naman neto. Hindi ata nakain sa tanang buhay niya. Tinitignan ko yung weird niyang buntot ng bigla siyang humarap. Ang landi nga ng pagharap eh. Tumatalsik pa yung buhok.
*TOINK!!!
“Oh my gosh!” Narinig kong bulyaw niya habang nakatingin sa uniform niya. Natapunan ata ng parfait. Lagot.
“Ano ba naman yan! Napaka careless kasi eh. Pwedeng tumingin sa dinadaanan. Kainis! Tsk.” Galit na galit ata siya? Daldal ng daldal habang nakatungo pa din. Hahaha. Ang cute magalit. I mean, ang sarap panuorin na naaasar siya. Ewan ko ba.
“Sorry. Sorry hindi ko sinasadya, bigla ka kasing tumalikod eh.” Kalmadong sabi ko. Aba syempre mabait naman ako no. Magsosorry pa din ako kahit tingin ko siya may kasalanan. May paarte arte pa kasing paflip ng hair e.
Oh no!
Nagbuntong hininga siya ng malalim. Matt, pakihanda ang gwapo mong mukha, mukhang mananapak ang isang to! Bigla siyang tumingala at tumingin sakin sabay sigaw..

BINABASA MO ANG
How I met my Facebook CRUSH ♥ [On-going]
Genç KurguWhat if one day, one of your greatest dreams came true. You met your ultimate crush in an unexpected way. And you never realized that he, coming into your life, will craze your everyday living. Paano ka nga ba kikilos at aarte oras na makaharap mo n...