CHAPTER 20 [He's hurt]

399 9 2
                                    

a/n OYYY! Hahahaha ang haba nitong update ko na to ha! Kailangan ko ng push niyo. 10 votes para mag update ako ulit!!

|Zake’s POV|

*present (after  2 weeks)*

It is really hard to say goodbye to someone who means the world to you.

Yun bang mahal na mahal mo yung tao, pero kailangan mo na siyang bitawan. Kasi ikaw na lang yung nakakapit.

Ang sakit pala.

Ang sakit sakit sobra.

Buong panahon ko, ginugol ko sa kanya. Nung nasa America ako, ang isip ko nasa Pilipinas, pati na din tong puso ko. Wala akong ibang inisip kung hindi siya.

Ano bang ginagawa niya? Ayos lang ba siya?

Ako pa din kaya yung mahal niya?

Ang laki din ng pag-asa ko noon na ako pa din. Tatlong linggo lang naman akong nawala. Imposible naman na makalimutan niya ako ng ganun kabilis hindi ba?

Dalawang taon..

Dalawang taon na wala akong ibang ginawa kung hindi mahalin siya. Pasayahin siya. Na para bang sa kaya lang umiikot ang mundo ko. Na parang isa siyang mamahaling bagay na hindi pwedeng mawala. Pero hindi, ayoko naman siyang ikumpara sa mga ganyan lang.

Soon to be perfect relationship na nga yung relasyon namin eh.

Mali.

Perfect na yung relasyon namin para sa akin, dahil andiyan siya. Siya ang babaeng pinakamamahal ko. Pero anong nangyari? Nawala na lang bigla lahat ng parang bula. Sa isang iglap, bigla na lang akong inalisan ng karapatang sumaya.

Ang hirap hirap naman nito. Tangina!

Ang sakit na iniwan ka ng taong mahal mo dahil sa isang bagay na hindi mo naman instenyong gawin.

Pero mas masakit na iniwan ka niya dahil may mahal na siyang iba.

Alam ko naman kung ano yung mali ko eh. At kung ano yung nagawa ko. Pero hindi naman niya ko binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag. Ang sakit sakit sakin nun. Na gustong gusto mong malaman niya kung ano yung totoo, pero wala siyang balak makinig.

Sarado ang isip at tenga niya pagdating sa akin.

Ganoon ba kalaki yung galit niya sakin? Siguro nga oo. Pero hindi ba pwedeng pakinggan niya ako? Kahit sana hindi niya na muna ako patawadin, kahit makinig lang siya. Pero hindi eh.. Ang masakit pa don, may mahal na palang iba.

Ayaw kong maniwala. Pero sa kanya na mismo nanggaling.

Ano pa bang kulang sa mga ginawa ko para bumalik siya sa akin? Sa tingin ko naman sapat na yun. Hindi naman sa napapagod na ako, pero.. hahawak pa ba ako sa isang tao na may ibang hawak na ngayon?

Shit. Tangina talaga.

Ang sakit talaga pag naiisip ko!

Matthew Chapman.

Akalain mo yon? Crush lang noon, mahal na ngayon. Hahaha! Puta. Sana ramdam niyo yung sarcasm sa tawa ko.

Sabi ko, pag-uwi ko ng Pilipinas, dito ko malalaman ang sagot sa tanong ko kung sino ang pipiliin ko. Dahil si Meiko ang magbibigay ng sagot.

Kung hindi niya ako pakakawalan, siya ang pipiliin ko. May pinag-aralan akong tao, kaya kong buhayin ang sarili ko kung tanggalan ako ng mana ng pamilya ko. Oo sinusuway ko sila, pero hindi ko kasi makita kung ano ang tama sa pagpapakasal sa taong hindi mo naman mahal.

How I met my Facebook CRUSH ♥ [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon