A/N
Part 2 lang po ito ng Chapter 9 kaya maiksi. Pasensiya na po :) Enjoy readers!
--------
|Matthew's POV|
*flashback*
Flowers checked.
Chocolates checked.
Venue checked.
Matthew Chapman checked.
Wala naman na sigurong kulang para sa surprise ko..
Excited na ako sa pagdating ni Aloisa. Ang pinakamamahal kong girlfriend. Ngayon kasi ang dating niya galing America. May inasikaso daw kasi silang business doon kasama ng family niya. Dalawang linggo din siyang nawala kaya naman miss na miss ko na siya. Gusto ko na ulit siyang makita, mahawakan, yakapin, halikan. Lahat na! Hindi din kasi maganda yung paghihiwalay namin bago siya umalis. Nag-away pa kami dahil sa mga followers ko. Nagselos. Isang linggo ko din siyang hindi nakausap non. Nalaman ko na lang sa parents niya na aalis daw sila papuntang America. I asked her kung pwede ko ba siya non ihatid sa airport pero she refused. Naisip ko na lang baka galit pa din siya sa akin.
Papunta ako ng Enchantra Garden Resto ngayon dahil dito gaganapin yung candlelight dinner na ipinahanda ko para sa amin ni Aloisa. Itetext ko muna siya..
To: AloisaBaby
Meet me at Enchantra Garden by 8 tonight. I love you. I miss you..
Message sent
*toot*toot*
From: AloisaBaby
Kay. I’ll be late siguro.
To: AloisaBaby
It’s okay, I’ll wait. Take care..
Message sent
Hindi na siya nagreply. Pero okay lang. Baka nga busy siya kasi kakauwi lang niya. Mag-aayos muna siya siguro. Maaga pa naman. 7:40pm pa lang. Namiss ko talaga siya. No communication kasi kami nung nasa America siya. Hindi niya kasi inactivate ang roaming niya. Inintindi ko na lang kasi baka nga ayaw niyang magpaistorbo doon. May tiwala naman ako sa kanya. Mahal ako ni Aloisa.
“Sir tubig po?” Alok sa akin nung waiter dito. Garden restaurant kasi ang theme netong venue e.
“Ah, sige. Salamat.” Sabi ko naman sa kanya. “Ah padagdagan ng yelo ha?” Dagdag ko pa.
9PM na. Wala pa din si Aloisa. Asan na kaya yon? Hayaan mo na nga. Sinabi naman niya sa akin na male-late siya eh. 1 oras pa lang naman siyang late..
---------------------
“Sir excuse me? Ah, dadating pa po ba yung kasama niyo?” Nagulat ako sa tanong nung waiter. Napipikit na kasi ako eh. Anong oras na ba?
11pm na.
Nasaan na ba si Aloisa? Ang tagal naman niya. Hindi na siguro siya dadating. Aalis na nga ako dito. Kakausapin ko na lang siya. Meron naman siguro siyang paliwanag diba? Chineck ko yung phone ko pero walang text niya.
“Hindi na siguro. Sige salamat.” Tumayo na ako at inilagay ko na yung tip ko doon sa table para sa waiter.
Dismayado akong sumakay ng sasakyan pero bago ko paandarin, tinawagan ko muna si Tita Ava, mommy ni Aloisa.
BINABASA MO ANG
How I met my Facebook CRUSH ♥ [On-going]
Novela JuvenilWhat if one day, one of your greatest dreams came true. You met your ultimate crush in an unexpected way. And you never realized that he, coming into your life, will craze your everyday living. Paano ka nga ba kikilos at aarte oras na makaharap mo n...