A/N Tinatamad na talaga akong i-update to ><
|Matt’s POV|
“Hindi ko naman yun sinasadya eh!” Kakamot kamot ako ng mariin sa ulo ko. Bakit ba kasi ako nagkakaganito? Kinakabahan ako na naiihi na natatae! Hindi ko maipaliwanag. Ah basta!
“Hindi sinasadya? Gago ka talaga no Matthew Chapman? Anong hindi sinasadya don? Sinabi mo na ngang ‘I like you too’ tapos hinalikan mo pa sa leeg! Denial ka pa rin talaga nako.” Sabay batok niya sa akin.
“Makabatok ka naman Besty!” Sigaw ko sa kanya tapos hinimas himas ko yung binatukan niya. Ang sakit kaya!
“Ng magising ka at maalog yang utak mong inaamag na!” Tumalsik talsik pa yung kinakain niyang chichirya sa akin. Kadiri naman to! Buti na lang bestfriend ko to eh! “Shu umalis ka na nga dito may pupuntahan pako. Pero kung gusto mo magpaiwan dito sa bahay kong maganda, sige bantayan mo. Wag kang magpapapasok ng magnanakaw, wag uubusin ang laman ng re— Aray! Punyeta ka talaga!” Reklamo niya.
Haha ako?! Sa gwapo kong to? Gagwardiyahan ko lang ang bahay niya? Ang gwapo kong security guard aba. Binatukan ko nga!
“Asa ka naman! At ano kala mo sakin masiba? Uubusin ko laman ng ref mo? Excuse me. Fit to! Di ako nakain ng mga kinakain mo. Tignan mo nga yang katawan mo namumutok!” Sigaw ko sa tenga niya tapos kinurot ko yung piraso ng bilbil niya. Hahaha!
“Ah ganon ha? Teka nga macontact si Meiko at masabi ko yu--- hhmpff!” Bigla bigla kong tinakpan yug bibig niya. Kung ano ano kasing sinasabi eh! Kinagat naman niya yung kamay ko na nakatakip.
“Aray ano ba!” Reklamo ko tapos pinunasan ko yung kamay kong may laway laway niya pa. Kadiri!
“Akala mo naman andito talaga si Meiko makatakip ka pa ng bibig ko. Lumayas ka na nga dito ambaho ng kamay mo! Ang alat!” Tapos tinulak tulak niya ako palabas ng bahay niya. Hahaha!
“Sus gusto mo lang ako matikman. Hahahaha!” Tawa pa ko ng tawa habang palabas ng bahay niya. Sinigawan niya lang ako na lumayas na daw ako tapos sinaraduhan na ako ng pinto.
Ganyan kami ka-sweet. Pero teka, saan nanaman ako pupunta nito?
Oo nga pala. 2 days ko ng hindi nakikita si Meiko. Okay fine, let me rephrase. 2 days ko ng iniiwasan. Eh kasi naman hindi ko alam kung anong sasabihin ko pag nakaharap ko siya! Hindi ko alam kung papaano ko ieexplain yung ‘I like you too’ thingy na yun at ang pahalik halik ko sa leeg niya. Bakit ko nga ba ginawa yun? Inatake ako ng matinding kabaliwan. Shet!
Eeeeh oo na oo na! Aaminin ko naman na may gusto na ako sa kanya, pero wala pa naman akong balak aminin! Eh kaso ayan napaamin ng wala sa oras. Baka iwasan ako nun? Hindi ko kaya. TT3TT Eh ako naman ang umiiwas ngayon! Naghahanap lang ako ng tamang tiyempo. Tsaka nag iisip pa ko kung anong sasabihin ko sa kanya! Ano sasabihin ko pag tinanong niya ko? Joke lang? Ah ewan ko na.
Sumakay ako ng sasakyan at nagmaneho na. Saan ba ako pupunta? Shit.
|Meiko’s POV|
“Nakakainis ka talaga bebe.. *sob* *sob*” Pinupunasan ko ng mariin yung luha ko. Ayaw kasi tumigil ng luha ko eh!
|Sorry na kasi bebe. Hindi ko din naman alam eh. Ewan ko ba dito sa mga magulang ko at bigla bigla na lang nagdedesisyon eh. Sorry na okay?|Malumanay na sabi niya sa kabilang linya.
“Kahit na.. You should at least told me. Bebe naman eh! Namimiss agad kita eh!” Tapos humagulgol na ako. Wala nakong bestfriend. TT_TT
![](https://img.wattpad.com/cover/5518990-288-k736667.jpg)
BINABASA MO ANG
How I met my Facebook CRUSH ♥ [On-going]
Novela JuvenilWhat if one day, one of your greatest dreams came true. You met your ultimate crush in an unexpected way. And you never realized that he, coming into your life, will craze your everyday living. Paano ka nga ba kikilos at aarte oras na makaharap mo n...