HS2-1

11.8K 244 21
                                    

Sinong nagsabing tapos na ang love story ni Paul at Enzo? Eto na po ang book 2 ng Hi Soulmate. This time I will do my best para eh level up ang mga kaganapan para mas maging ma drama.. hahaha Enjoy po :)

This Chapter is also dedicated to : JayceeLMejica and ImJustYourFangirl


Enzos POV


Nagpakasal kami ni Paul sa Brazil. Wala nga akong ka alam alam na na pakakasalan niya ako, ang sabi niya kasi magbabakasyon lang kami dun. Sobrang saya ko dahil may baby na rin kami sa pamamagitan ng surrogacy at semilya ni Paul ang ginamit.

"wow ang cute cute naman ng anak ko. Halika nga rito kay daddy" sabi ni Paul sabay kuha kay baby Ray. Oo lalake ang anak namin at 2 buwan pa lang siya.

Kumpleto na talaga ang aming pamilya. Pinatigil na ko ni Paul sa pagtatrabaho. Dapat sa bahay na lang daw ako para alagaan ang anak namin.

Bilang isang mabuting may bahay ay inaasikaso ko lagi si Paul tuwing uuwi siya galing sa resto. Pagka gising niya sa umaga ay inaasikaso ko rin ang kanyang almusal at hinahanda ko na rin ang kanyang isusuot.

Nilagay ko muna sa crib na nasa sala si baby Ray habang naghahanda ako ng hapunan. Maya maya lang ay darating na si Paul galing trabaho.

At hindi nga ako nagkamali. Narinig ko kasi ang kotse na pumasok sa garahe.

"oi baby... kumusta na ha.... Naging pasaway ka ba hmmm?" kinuha nito ang bata sa crib tsaka hinalikan. "halika tignan natin kung anong niluluto ni daddy Enzo"

"wow, chopsuey... " ang sabi ni Paul at tsaka hinalikan ako sa pisngi.

"sandali lang baby.. bibihis lang si daddy huh"binalik niya si baby sa crib at nagbihis ito.

Saktong pag balik niya ay handa na ang pagkain sa lamesa at naupo ito. Ako pa ang naglagay ng kanin sa plato niya.

"bait talaga nang asawa ko, hindi ako nagkamali ng pagpili" sabi pa nito at ngumisi.

"bolero, kain ka na nga.." kinindatan pa ako nito.

Pagkatapos naming maghapunan ay naghugas ako ng pinggan.

Wow ganito pala maging ilaw ng tahanan. Paglalaba, pag aalaga sa bata, pag lilinis ng bahay at pagluluto. Lagkit na lagkit na ang katawan ko.

"mahal, bantayan mo muna si baby maliligo lang ako" sabi ko kay Paul na naka upo sa sofa at nanonood ng tv.

Ang sarap sa pakiramdam nung madampian ng tubig ang katawan ko.

Pagkatapos ay bumaba na ako para kunin si baby. Pina dede ko muna siya bago pinatulog.

Nang makatulog na si baby Ray ay pinahiga ko na siya sa crib na andun din sa loob ng kwarto namin.

Umupo ako sa kama at nagbasa muna nang libro tungkol sa pag aalaga ng baby. Mahirap na kasing magkamali sa pag aalaga ng bata.

Bumukas ang pinto ng cr at lumabas si Paul. Na maintain pa rin niya ang kanyang magandang katawan. Napaka hot niya talaga. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya at nginitian niya ko. Nilapitan niya ang crib ni baby at tinignan ito.

"abah.. tulog na tulog ah" sabi ni Paul

"oo nga, kaya hinaan mo ang boses mo" ang sabi ko sa kanya ng pabulong. Kumuha ito ng boxer shorts sa drawer at sinuot niya ito.

Hi Soulmate 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon