HS2-16

3.8K 152 13
                                    


Good afternoon Wattpaders! Kumusta? Eto na naman ang bagong kabanata. Hai Nagutom ako bigla haha.. Salamat talaga sa pagsubaybay sa istoryang ito. Teka ilang beses na ba akong nagpasalamat? hahaha.. Sad to say pero mukhang ilang chapters na lang magtatapos na ang kwentong ito. But wait! Theres more! Kaya abangan... 

Please vote kung nagustuhan nyo.. Comments ang suggestions will be greatly appreciated. Happy reading!


Pauls POV

Ilang araw nang hindi pumapasok si Andrew, unreachable yung phone niya. Wala rin siya dun sa condo niya. San nagpunta ang mokong na yon?

Hai.. tumambak tuloy ang trabaho. Dinala ko na sa bahay ang mga hindi ko pa natapos.

Nagising ako sa isang halik sa aking pisngi.

"lumipat kana dun sa bed, sasakit yang katawan mo" sabi ni Enzo. Nakatulog pala ako sa study table at mag aalas dos na nang madaling araw sa relo.

"sige, ililigpit ko lang to"

"ako na, sige na mahiga kana dun" antok na antok na rin ako kaya hinayaan ko na lang siyang iligpit ang mga folders. Sobrang bigat ng mga talukap ng mata ko at agad din naman akong nakatulog.

Nagising ako ng mag isa sa kama, pag tingin ko sa relo ay alas onse na ng tanghali. May narinig akong yabag ng paa sa labas ng kwarto. Agad akong bumangon at lumabas, nakita ko si Enzo na nag lalagay ng mga damit sa sala. Bahagya pa siyang tumigil at nakiramdam nang papalapit ako sa kanya pero hindi niya ako tinignan.

"mahal, ba't ka nag eempake?" ang nag aalangan kong tanong sa kanya. Wala akong nakuhang sagot, nakita ko lang na kumunot ang noo niya.

"babe ang tagal mo naman diyan bilisan mo aalis na tayo" may narinig akong boses ng lalake sa labas ng bahay.

"sandali na lang babe lalabas na'ko" ang tugon ni Enzo sa lalakeng nagsalita. Ano ba tong nangyayari? Tama babe yung narinig ko? nagtawagan sila nang babe? May kirot na'kong nararamdaman sa puso ko, hindi na tama ang nagyayari.

Hinawakan ko si Enzo sa kamay pero agad niya itong tinanggal "ano bang nangyayari?" pero wala pa rin akong nakuhang sagot. Sinara na niya ang zipper ng malaking bag at mabilis na tinungo ang pintuan. Ni hindi siya lumingon.

"Enzo ano tong nangyayari?!" nag umpisa na akong mataranta. Nang marating ko ang pintuan ay nakita kong tuloy tuloy si Enzo sa paglabas ng gate. Sa labas ng gate ay may naka park na puting kotse at may lalakeng nakatalikod.

Parang piniga ang puso ko nang makita ko si Enzo na lumapit sa lalake at hinalikan ito sa labi.

"Enzo!" sigaw ko, pero tila wala silang narinig. Tumakbo ako papunta sa kanila pero pumasok na si Enzo sa kotse.

"Enzo! Ano ba tong nangyayari?!" ang tanong ko sabay katok sa bintana ng kotse. Sinundan ko ito pero unti unting bumilis ang pag takbo ng kotse hanggang sa hindi ko na naabutan.

Hindi ko talaga ma intindihan kung bakit nangyari ito. Meron na pala siyang iba, pero bakit hindi ko napansin yun? sobrang sakit ng nararamdam ko. pakiramdam ko'y parang hinataw ng isang daang beses ng baseball bat ang puso ko.

Iniwan na niya ako ng bigla bigla. Wala na ang taong nagpapaikot nang mundo ko, ang taong pinaka mamahal ko. Nanatili akong naka luhod sa gilid ng kalasada. Hindi ko na makuhang tumayo, nawala pati ang lakas ko.

Pagmulat ko nang aking mga mata ay nasa loob pa rin ako ng kwarto. Nanaginip pala ko.

Pagtingin ko sa relo ay alas onse na nang tanghali. Wala akong marinig na kahit na ano mang ingay. Biglang umusbong ang matinding kaba sa dib dib ko. Bumangon ako at lumabas ng kwart, nakita ko si Enzo na nasa sala may tinutuping mga damit kaya agad ko siyang nilapitan.

"Mahal... anong ginagawa mo?" pero hindi siya sumagot. Naku hindi maari, nananaginip pa rin pa ako.

Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso.

"mahal.. gising ka na pala" kinuha niya ang earphones na naka lagay sa tenga nya "pasensya kana ha? Kanina ka pa ba dyan? sobrang lakas ng music. Nagugutom ka na ba? Halika kain na tayo"

Napatulala na lang ako, akala ko kasi nagkatotoo ang panaginip ko.

"masama ba pakiramdam mo?" pero imbis na sagutin ay niyakap ko siya.

"oi... ok ka lang ba mahal?"

"nanaginip kasi ako, iniwan mo raw ako at sumama ka sa ibang lalake"

"panaginip lang yun, bakit may dahilan ba ako para iwan ka?"

"sa pagkakaalam ko wala naman"

"wag mo na ngang isipin yang panaginip mo, halika na kumain na tayo. Siguradong gutom lang yan"

Haist.. akala ko talaga nagkatotoo ang panaginip ko. Masyado lang siguro akong stressed.

Clydes POV

Wala nang ginawa si Andrew dito sa condong pinagtataguan niya kundi ang mag lasing at manood ng tv. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya. Ilang beses ko na siyang kinumbinsi na ibalik na ang pera kay don Alfonso, pero nauuwi na lang palagi sa away.

"tumayo ka nga dyan at dun ka matulog sa kama" ang sabi ko sa kanya habang nililigpit ang mga bote at iba pang kalat sa sahig. "ano bang plano mo sa buhay mo ha?" nagkamot lang ito nang ulo at nakita ko ang inis sa mukha niya.

"pwede ba, wag mo kong umpisahan ngayon. Tsaka alam ko na naman ang patutunguhan ng usapan na to" pagmamaktol niya.

"may option ka namang hindi magtag, ang gawin mo ibalik mo yang pera. Tapos ang problema"

"eh sa ayoko ko nga! Bakit ba masyado kang concern sa kanilang dalawa ha? Para naman satin to eh"

"para satin? Ang alin? Yung pag takbo mo sa inutang mo at nangdamay ka pa ng ibang tao. Drew naman... "

"bahala ka Clyde.. kung hindi mo ko kayang pakisamahan, pwede kang umalis at nakalimutan ang lahat ng kung anong meron tayo ngayon" parang bigla akong nabingi sa mga sinabi niya. Ang sakit nun ha.

"fine!" agad akong pumasok sa kwarto at nag empake ng mga damit ko. Masyado na ring na aapakan ang pagiging pulis ko dahil sa mga ginagawa niya. Siguro hindi naman ako mahalaga sa kanya at hindi niya ako ganun ka mahal dahil bago pa lang ang aming relasyon.

Abala ako sa pag lagay ng mga damit ko sa aking bag, umaasa ako na papasok siya sa kwarto at pipigilan ako. Naisip kong bumalik na lang dun sa apartment na tinitirhan ko dati.

Mabigat ang aking paghakbang, nang lumabas ako nang kwarto ay tinignan ko si Andrew, pero ni hindi siya sumulyap man lang. Nakatutok lang ang kanyang atensyon sa telebisyon. Hanggang sa tuluyan na nga akong nakalabas ng condo unit niya, umabot na ako sa elevator pero walang Andrew na pumigil sa aking pag alis. Okey time to move on...

Pauls POV

Halos hindi na ako magkanda ugaga sa mga gawain sa mga paper works sa resto, calculate dito, pirma dun. Hai siguradong bugbog na naman ang katawan ko nito.

*tok *tok *tok

"pasok"

Nagulat ako sa iniluwa ng pintuan. Hayop na to ngayon lang nagpakita tong ugok na to, naka ngiting aso pa.

"T*ng ina pare san ka galing?"

"dude.. easy lang magpapaliwanag ako"

"san ka ba nagpunta ha?"

"may pinuntahan lang akong kamag anak dude emergency lang"

"wow siguro naman, marunong kang mag text o mag dial ng number sa phone mo at sabihin na hey dude mag tampisaw ka muna dyan sa trabahong tatambak sayo" sarkastiko kong sabi sa kanya. "nakaka bad trip ka pare alam mo ba yun"

"pare sorry na... kaya nga agad akong pumunta dito eh" kinuha ko ang nagka patong patong na mga folders at nilapag sa harap niya.

"oh ayan, na miss ka na ng desk mo. Pasensya na pare pero na iirita talaga ako sa'yo"

Nagkamot na lang siya nang ulo at hindi na umimik. Dinala niya ang mga folder sa desk niya at nagsimulang buklatin ang mga ito. 


Hi Soulmate 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon