HS2-6

4.4K 173 12
                                    

Sa wakas nakapag UD din. hehehe maraming salamat talaga sa mga sumusubaybay sa Love story ni Paul at Enzo. Sana magustuhan nyu ang chapter na to. Enjoy lang po! :)


Nag research ako tungkol sa mga bawal na gamot. Nakumpirma kong marijuana talaga yung nakita ko sa bulsa ng pantaloon ni Paul. Tugma rin ang mga kinikilos ni Paul sa deskripsiyon ng taong nakagamit ng ganitong klase ng bawal na gamot. Pero pano siya nagkabisyo ng ganito, parang mababaliw ako sa tuwing iniisip ko ang mga nangyari. Unti unti na siyang binabago ng droga.

Tumutulo ang luha ko habang nakatingin sa natutulog naming anak. Pano na lang kami kung papabayaan ni Paul ang kanyang sarili. Kailangan kong malaman kung pano nagsimulang gumamit ng marijuana si Paul.

Hindi ko rin maiwasan na pumasok sa isip ko na darating ang panahon na hindi lang pag dadabog at pagsigaw niya ang gawin sa akin. Takot na takot ako nung muntikan na niya akong suntukin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Ang sakit sakit isipin na ang taong alam mong mahal na mahal ka at mahal na mahal mo rin ay nagkakaganito.

Natatakot akong sabihin ang mga nagyayari sa mga magulang namin. Paano ko sasabihin sa kanila na nagdrodroga si Paul?

Maayos naman ang buhay namin pero bakit siya nagkakaganun? Sigurado akong may taong na empluwensyahan siya kaya siya nagkakaganito. Malaman ko lang kung sino yun ay hindi ko siya sasantuhin.

Kailangan kong maging malakas para sa anak namin. Hindi ito ang panahon na panghinaan ako ng loob. Nakilala ko siya na maayos, pinakasalan ko siya, alam kong mahal na mahal niya ako at walang ibang makakahigit sa pagmamahal ko sa kanya.

Hindi ako galit sa kanya dahil sa ginawa niya. Pero nung gabing pinuntahan ko siya dun sa club ay kitang kita ko sa mata niya ang inis niya sakin. Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing maaalala ko ang nangyari nung nakaraang gabi.

Sa ngayon dapat kung isipin ang kapakanan ni Ray. Mabuti pa sigurong magtrabaho akong muli, tama pupunta ako sa pastry shop. Sana naman tanggapin pa ulit ako ng may ari. Nang sa gayon pag may extra income na ay hindi na rin ako mahirapan mag budget ng para dito sa bahay.

Kinabukasan nga ay bumalik ako sa pastry shop. Andun pa rin si Benjie at masayang masaya ito dahil tinanggap ulit ako ng may ari.

"naku bes, ang saya naman dahil magkasama na ulit tayo dito. Pero pano ang junakis mo?"

"pakikiusapan ko muna si nanay na siya na muna ang magbantay kay Ray habang nag tatrabaho ako"

"pano ang pagigising asawa mo?"

"uhmmm... gagawa na lang ako ng paraan para magampanan ko pa rin iyon. Naubos kasi ang pondo namin ni Paul sa bangko nung nagkasakit ang anak namin" napabuntong hininga na lang ako.

"bes.. meron bang problema? Meron ka bang hindi sinasabi sakin?" ang tanong ni Benjie na may halong pag aalala.

"wala bes"

"sigurado ka?" tumango lang ako. Bestfriend ko si Benjie pero hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya ang nangyayari sa'min ngayon ni Paul.

"Sige bes kita na lang tayo sa lunes ha. Uwi na muna ako"

Nagpaalam na rin ako sa iba naming kasamahan at nagsimulang naglakad pa uwi.

"Enzo!"

Nang lumingon ako ay nakita ko si Clyde na tumatakbo at papalapit sakin.

"oh Clyde ikaw pala"

"na miss mo ang mga tao sa pastry shop?"

"Oo tsaka pumunta talaga ako diyan para makipag usap sa may ari kung pwede akong mag trabaho ulit dyan. Payag naman siya at mag uumpisa ako sa lunes"

Hi Soulmate 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon