Clydes POV
Awang awa ako sa sitwasyon ni Enzo at nang anak niya. Mistula silang preso sa apartment kung saan ko sila dinala. Pero mas mabuti na to, kaysa naman masaktan siya ulit ng Paul na yun ang tanga niya talaga. Hindi kami masyadong close ni Enzo pero alam kong siya ang tao na hindi gagawa ng masama. Si Paul siguro talaga ang may problema matindi ang kutob ko na nag dodroga ito. Kita ko sa itsura niya.
Kung sakin lang gustong gusto kong hulihin, kasuhan at ipakulong ang Paul na yun, pero hindi ko kayang gawin. Alam kong mahal na mahal siya ni Enzo at malulungkot ito pag ginawa ko yun.
Ang tanging dala lang nila ay ang damit na suot nila nung gabing hinabol sila ni Paul. Kaya binilhan ko sila ng mga damit.
"naku Clyde sobrang nahihiya na talaga ako sa'yo, hindi ko alam kung pano ko masusuklian ang kabutihan mo. Salamat ha"
"naku ayan kana naman, hindi ako hihingi ng kapalit tsaka hindi naman kita sisingilin wag kang mag alala"
"nakokonsensya ako kasi nadamay ka pa sa away namin ni Paul"
Masambit niya lang ang pangalan ni Paul kita mo agad sa mukha niya ang pagkalungkot at parang luluha na naman ang mga mata niya.
"oh ayan kana naman, iiyak ka na naman.."
"pasensya ka na Clyde..."
Parang gusto ko siyang yakapin pero hindi ko alam kung pano uumpisahan.
Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit nagawang saktan ni Paul ang tulad niya. Kitang kita ko kung gano niya ka mahal ang anak niya. Kita ko kung pano niya inaalagaan ito, minsan nakita kong naiyak ito habang pinapaliguan ang anak niya. Pano ba naman kasi, kamukha talaga ni Paul ang bata.
"tama na yan Enz.."
"hindi ko kasi alam kung babalik pa kami sa dati" at tuluyan na ngang bumuhos ang luha niya. Oo may pag tingin pa rin ako kay Enzo at nasasaktan ako dahil sa kabila ng ginawa sa kanya ni Paul ay mahal na mahal pa rin niya ito.
"tama na yan.. magiging maayos din ang lahat" tinapik ko lang siya sa balikat.
"siya nga pala, uuwi ako bukas sa'min. Lagi mong eh lock ang pintuan ha"
Tumango lamang siya.
Sabay kaming kumain at pagkatapos nun ay natulog na rin ako. Maaga kasi akong aalis pabalik dun samin para kumuha ng ilang damit ko.
Kinabukasan...
Nadatnan ko ang aking inay na kakalabas lang ng pintuan ng aming bahay.
"oh anak andyan kana pala, bibili muna ako ng meryenda. Nag aantay ang nanay ni Enzo sa loob gusto ka raw makausap"
Alam na siguro ng nanay ni Enzo ang nangyari.
"magandang umaga ho tita Elsa" kitang kita ko sa mukha niya ang pag aalala.
"magandang umaga Clyde. Siguro alam mo na ang sadya ko sa'yo dito" naupo ako sa sofa at huminga ng malalim. Hindi ako sigurado kung alam niya na ang lahat.
"kung tungkol po ito kay Enzo, pasensya po pero hindi ko ho maaring sabihin kong asan siya"
"Clyde naaawa ako kay Paul, parang hindi siya mapakali dahil sa pag alis ni Enzo."
"sinabi ho ba ni Paul sa inyo kung bakit umalis si Enzo?"
"sabi lang niya nagtalo daw sila ni Enzo at nasaktan niya ito"
"hindi ko alam kung anong pinagtalunan nilang dalawa tita tsaka hindi ko na tinanong si Enzo. Alam nyu naman nyang anak nyu masyadong tahimik. Pero nasuntok siya ni Paul, nakita kong may sugat at pasa ang pisngi niya. Nung isang araw nakita ko ring may pasa ito sa braso, kaya sana po ma intindihan ninyo kung bakit hindi ko maaaring sabihin kung nasan si Enzo. Mas makabubuti ho siguro na kausapin nyu ng masinsinan si Paul. Excuse me po"
Naiwang tulala si tita Elsa sa sinabi ko. Pumasok ako sa kwarto at inayos ang mga gamit na dadalhin ko.
Pauls POV
"oh anak kumusta na kayo? Nasan si Enzo at ang apo ko?" tinignan ko lang si mama at alam na niyang may hindi magandang nangyayari. Pumasok kami sa loob ng bahay at pumunta ito sa kusina.
"sandali ikukuha kita ng makakain mo"
Agad ding nakabalik si mama dala ang isang tray na may pagkain at inilapag niya ito sa center table.
"anak, anong problema?"
"ma.. ang totoo niyan pumunta ako dito para itanong sa inyo kung andito si Enzo o baka sakaling alam nyu kung nasan siya?"
Kinwento ko lahat kay mama ang nangyari. Pero wala si Enzo dun at hindi din daw ito nagpunta ni minsan.
Sinabi ko kay mama na gumamit ako ng marijuana. Pero hindi siya nagalit sakin. Nagbigay siya ng mga payo, pero sa huli daw ay ako at ako pa rin ang dapat umayos ng nasira ko. natatakot ako kasi pano kung hindi na maayos ito? Kailangan kong itigil tong bisyo ko.
Sisimulan kong ibangon ang resto.
"oh pare kumusta? Oh ano bili tayo mamaya?" ang sabi ni Andrew.
"ayoko na pare, itigil na natin to. Kailangan nating ibangon tong resto"
"okey, ayaw mo eh di ako na lang mamaya" hai adik na talaga to. Alam ko nang matagal nang gumagamit ng marijuana tong si Andrew pati rin si Jake. Nasa abroad na ngayon ang mokong na yun minsan nakaka chat ko pa sa facebook.
"hai.. dude may pera ka pa ba dyan? baka pwedeng gamitin natin muna para dito sa resto"
"dude konti na lang eh, pero may alam akong pwede nating hiraman"
"talaga? Sino?"
"si Don Alfonso. Yung kaibigan ng daddy ko. Magkano bang kailangan mo?"
"two hundred thousand pesos"
"naman... magpapahiram yun, barya lang yung para sa kanya"
"sige, kailan natin siya pwedeng puntahan?"
"gusto mo bukas na bukas din"
"sige dude salamat"
Ito na ang simula ng pagbabagong buhay ko. Sana bigyan mo pa ko ng isa pang pagkakataon Enzo. Mahal na mahal kita.
Nang sumunod na araw ay nagpunta ako sa resto. Dun kasi kami magkikita ni Andrew para pumunta sa taong sinabi niyang hihiraman namin ng pera.
"oh pare tayo na"
"di na natin kailangang pumunta dun, tinawagan ko siya kagabi at nag fund transfer siya sa bank account ko. oh ito ang pera oh" inabot sakin ni Andrew ang pera.
Unti unting bumalik sa dating sigla ang restaurant pagkaraan ng ilang linggo.
Iniisip ko si Enzo at ang anak ko. Miss na miss ko na sila, kakalungkot lang palagi umuwi sa bahay. Minsan napapanaginipan ko na katabi ko si Enzo, minsan na iimagine ko na nagsasampay ito sa likod ng bahay o di kaya'y naglalakad sa tabing dagat kasama ang anak namin.
Patawarin moko Enzo, kung alam mo lang kung gano ako nagsisisi ngayon. Sana hindi pa huli ang lahat, sana mabalik ko pa tayo sa dati.
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
Hi Soulmate 2 (COMPLETED)
RomanceAno na naman kaya ang mangyayari sa love story nina Paul at Enzo. Kinasal na sila, nakatira sa iisang bubong at meron na silang anak.. Pano nila haharapin ang pagsubok bilang mag asawa? "Mahal na mahal kita at konektado ang puso ko sa puso mo, kasi...