HS2-15

4.2K 160 12
                                    


Magandang gabi WP readers. Sa mga walang sawang nag aabang sa UD ng kwentong ito, maraming salamat, you know who you are. I know hindi perfect tong story na to and of course it's not as good and humorous like other bxb stories here in WP.

Sa mga nag comments at nag pm for there suggestions, Salamat po i'll take note of these. But for now ipagpapatuloy muna natin ang unfinished business ni Paul at Enzo :)

Btw guys if you have time, basahin nyu rin ang fantasy themed na story na ginagawa ko. Mananatili Ka Sa Aking Alaala ang title.

Pag pasensyahan nyu na ang UD na to may pumapasok kasi sa isip ko na nagpapaiba sa mood ko.

Mwa! love you all!


Paul POV


Masaya ako dahil bumabalik na lahat sa ayos ang takbo ng buhay namin. Kakalungkot lang kasi hindi na naabutan nina mama at papa ang pag lago ng resto. Natapos ko na ring bayaran ang hiniram kong pera sa kaibigan ng daddy ni Andrew. May naiwang pera sina mama para sa'kin pero mas pinili kong bayaran ang utang ko gamit ang perang pinaghirapan ko. Itatabi ko na lang perang iniwan sa'kin ni mama at papa para sa anak namin ni Enzo.

Kahit nakainum kagabi ay maaga pa din akong nagising. Gusto ko kasing ipagluto si Enzo, kahit kailan hindi ako magsasawang iparamdam sa kanya ang aking pagmamahal. Minsan na'kong nagkamali at nasaktan ko siya, pero pinapangako ko na hindi na muli mauulit iyon.

"good morning" ang sabi ni Enzo at hinalikan ako sa pisngi "ang aga mo namang nagising, ako na dyan, maligo ka na"

"ako na tatapusin ko na to"

"baka ma late ka..."

"ok lang... maaga din namang pumapasok si Andrew... eh handa mo na lang ang lamesa, maya maya lang tapos na to" sabi ko sa kanya.

"ang saya mo yata maha?" tanong ni Enzo

"Oo naman, masaya ako kasi kahit papano nakabangon na ang resto, tsaka natapos ko na ring bayaran ang inutang ko"

"huh? Bakit? I mean kanino ka nangutang?" hindi ko pala nasabi sa kanya na nangutang ako.

"ah pasensya ka na mahal kung ngayon ko lang nasabi ko. Naalala mo nung nagkasakit si Ray noon? At tsaka nung alam mo na?" hindi ko masabi yung time na nagkabisyo ako, naunawaan naman niya ang ibig kong sabihin "naubos yung per na para sa resto pati yung ibang ipon natin, kaya nagpatulong ako kay Andrew na manghiram nang pera sa kaibigan ng daddy niya"

"mabuti naman kung ganun mahal. Siya nga pala, gusto ko sanang dalawin si nanay. Matagal na rin na hindi ko siya napuntahan"

"ah oo naman, hatid ko kayo mamaya tas sunduin ko na lang kayo sa hapon"

"sige mahal, salamat huh.. miss na miss ko na kasi si nanay eh at tsaka siguradong miss niya na rin tong apo niya. Narinig mo yun baby? Pupunta tayo kay lola ngayon.."

Hinatid ko sina Enzo sa bahay ni nanay Elsa. At kitang kita sa itsura ni nang makita niya ang kanyang anak at apo.

"wow ang laki na ng apo ko" ang sabi ni tatay sabay abot ng kanyang apo tsaka hinalikan ito. Lumapit ako sa kanila tsaka nag mano.

"naku tamang tama ang dating nyu nakahanda na ang almusal kain ka muna Paul" sabi ni tatay.

"naku tay salamat ho, pero kailangan ko nang pumunta sa resto, tsaka hinatid ko lang tong si Enzo at si Ray"

"ah ganun bah, eh di mamayang hapunan na lang, ingat ka"

"sige po tay, salamat po. Nay una na'ko"

"sige anak, ingat ka" si nanay

"bye daddy..." ang sabi ni Enzo at kinaway kaway pa ang kamay ng anak namin. Nagpaalam na'ko at masiglang pumunta sa resto.

Enzos POV

"anak, kumusta naman kayo?" ang tanong ni nanay habang nakatingin sa kay tatay na aliw na aliw sa apo niya.

"okay naman po nay, bumalik na ho sa dati ang lahat"

"mabuti naman kung ganun"

"anak, wala ba kayong balak na bigyan ng kapatid tong anak nyu?" tanong ni tatay.

"okay na po muna ako sa isang anak lang. Tsaka mahigit isang taon pa lang yang si Ray, hindi pa po ako maka get over sa pag pupuyat"

"ay dapat bigyan nyu ng kapatid tong apo ko, baka maging spoiled brat to pag dating ng araw" ang sabi ni tatay at parang kinikilatis ang itsura ni Ray.

Hindi ko lubos maisip na nasa ganitong sitwasyon na ako ngayon, may gwapong asawa at may anak pa. Dati sabi ko sa sarili ko na tatanggapin ko na lang kung tatanda ako mag isa, pero Malabo nang mangyari yun, dahil may Paul na at Ray sa buhay ko.

Si tatay na muna ang nag bantay ng karinderya. Nagpaturo ako kay nanay kung pano mag bake ng cake. Ngayon ko lang uli naka bonding si nanay, ang bilis ng oras at dumating na si Paul para sunduin kami.

Dun muna kami naghapunan at pagkatapos ay umuwi na kami.

"Magandang gabi sa inyo sir" sabi ni manang Lisa pag pasok namin sa bahay "sir Paul may naghanap ho kanina sa inyo"

"sino po yun manang?" tanong ni Paul.

"Alfonso daw po ang pangalan eh, akala ko nga kakilala ng mama at papa mo pero hindi eh, kayo po ang hinahanap"

"sinabi niya ho ba kung bakit?"

"wala po siyang pasabi kung ano, nung sinabi ko na wala ho kayo dito ay nagpaalam din ho siya agad"

"sige manang salamat"

Kita ko sa itsura ni Paul ang labis na pag tataka. "sino ba yun at bakit ka hinahanap?"

"si Don Alfonso siguro yun, siya yung inutangan ko"

"di ba natapos mo nang bayaran ang utang mo sa kanya?"

"oo, pero hindi ko alam kung bakit niya ako hinahanap"

Pinagkibit baikat na lang ni Paul iyon. Importante sa kanya ay nabayaran na niya ang kanyang pagkaka utang at wala siyang dapat na ipangamba.

Clydes POV

Ewan ko kung bakit niya ginawa ito sa kaibigan niya, pag nagkataon gulo na naman ito. Parang wala lang sa kanya ang ginawa niya.

"Drew kailangan mong ibalik yang pera sa may ari. Tsaka madadamay sina Paul at Enzo sa ginawa mo. Hindi ka ba naaawa sa kaibigan mo? Pinagkatiwalaan ka niya"

Pero hindi pa rin ito umimik at tinignan lang ako.

"alam mo naiinis ako sa sarili ko eh, pulis ako pero eto, hinahayaan kitang gumamit ng droga at ngayon naman hinayaan kitang magnakaw"

"Come on! Wala akong ninakaw.. hiniram ko naman to sa kaibigan ni daddy"

"Oo hiniram mo pero sinabi mo kanina na hindi mo binigay kay Don Alfonso ang binabayad ni Paul"

Ewan ko kung bakit minahal ko tong sangganong to, parang na iinsulto ang pagiging pulis ko sa ginagawa niya. Nadulas ang dila niya at nasabi niya sa'kin na hindi niya nabigay kay don Alfonso ang perang binabayad ni Paul. Two hundred thousand pesos lang daw ang gustong hiramin ni Paul, pero limang milyon ang sinabi niya kay don Alfonso. Malaking gulo talaga ito.

"ayaw mo non? Makakaganti ka na sa kanya, diba na iinis ka sa taon yun?" ang nakangisi niyang sabi.

"hindi ako ang issue dito kundi ikaw. Kaibigan mo siya.. Andrew naman.. pag nagkagulo may mga madadamay na mga taong wala namang kasalanan lalo na si Enzo"

"p*tang ina naman! Hanggang ngayon kapakanan pa rin ni Enzo ang iniisip mo! Ginagawa ko to para sa'tin sana maging masaya ka na lang. Hindi ko ibabalik ang pera , Tapos!"

Hai ewan ko na lang, para na rin akong kasabwat niya. Mali talaga tong ginagawa niya, pero hindi ko rin siya kayang ipagkanulo.



Hi Soulmate 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon