HS2-2

5.2K 188 7
                                    


AUTHORS NOTE:

Waaaah na piga ang utak ko ah... Hahahaha kinakarir ko na talaga ang pagiging author. Ang sarap kasi sa pakiramdam pag na aapreciate ang gawa mo. Hindi nga pumasok sa isip ko na gagawan ko to ng Book 2. Ehem.. alam kong maraming nabitin sa Book 1 hehe

Hint: sa book one pa twitams at pakilig kilig lang. Ang Book 2 naman ay magiging dramatic hahaha.. abangan...

 Open din po ako sa suggestions nyu.. hehehe Enjoy Enjoy lang po tayo :)



Enzoz POV

Araw ngayon ng linggo at day off ni Paul. Sunday is family day nga daw sabi nila, kaya eto tinutulungan niya akong paliguan ang anak namin. Ang bilis niyang lumaki, hindi pa niya kayang maglakad pero kaya na nyang umupo ng maayos.

"magandang araw"

Napalingon kami kung sinong nagsalita.

"yan na ba ang apo namin?" ang sabi ng mama ni Paul.

"opo" ang sabi ni Paul.

"mabuti naman ho napadalaw kayo" sabi ni Paul ang ngumiti ito.

"nandito kami para maka usap kayo" sabi ng papa ni Paul.

"pasok po... pasok po kayo. Ma upo ho muna kao. Sandali lang po" binanlawan ko na si baby Ray dinala sa kwarto para bihisan ito.

Nang matapus kong ayusan si baby ay agad akong bumalik sa sala.

"ay ang gwapo naman ng apo ko, punta ka dito kay lolo"

Inabot ko naman si baby Ray sa papa ni Enzo. Kitang kita sa mata nila ang excitement at kasiyahan.

"Masaya kami at maayos naman ang lagay nyung dalawa. Matagal na naming binalak na puntahan kayo dito, pero ngayon lang kami nagkalakas ng loob para humarap sa inyo." Narinig ko pang huminga ng malalim ang mama ni Enzo. "Humihingi kami ng tawad sa panggugulo at pangingialam namin sa inyo. Lalong lalo na sa'yo Enzo. Alam mo bang gabi gabi akong hindi pinapatulog ng konsensya ko dahil sa nangyari sayo" at tuluyan na ngang humagol gol ang mama ni Enzo.

Seryoso naman ang mukha ng papa ni Paul habang hawak ang kanyang apo.

"kalimutan nyu na po yun. Matagal na po namin kayong napatawad" sabi ko.

"maraming salamat Enzo, wag kang mag alala babawi kami sa inyo. Magmula ngayon, mama at papa ang itawag mo sa'min. Wag kang mahihiyang lumapit sa'kin pag sinaktan ka nitong si Paul"

"mama hindi ko po masasaktan si Enzo, mahal na mahal ko siya" ang sabi ni Paul.

"ay dapat lang na mahalin mo siya tsaka alagaan mo ng maayos" ang sabi ng papa niya.

"ay tama na nga tong drama. Teka nabinyagan na ba tong apo ko?"

"Ah hindi pa ho eh, pinag iipunan pa namin" ang sabi ni Paul.

"wag nyu nang alalahanin ang gastos, kami na ang bahala dun. Kayo na lang ang bahala kong saan at kalian"

"naku salamat po"

Yun na nga, nabinyagan na si baby Ray. Naging ninong at ninang ang mga kaibigan namin ni Paul. Mas lalong naging maaliwalas ang pamumuhay namin ngayo't naging close na rin ang mga magulang ni Paul at magulang ko.

Minsan nga dumadalaw kami dun sa bahay nina mama at papa para makita nila ang kanilang apo. Ang bilis lang din ng panahon at isang taong gulang na si baby Ray. Marunong na itong maglakad. Sobrang saya ko nung una ko siyang narinig na tinawag akong daddy. Balang araw magigising na lang ako na binata na ang anak ko.

Kasalukuyan akong nanonood ng tv habang inaantay si Paul na umuwi. Si baby Ray naman ay naglalaro.

"daddy!" ang sigaw ni Ray nang marinig niyang may pumasok na kotse sa garahe. At maya maya pa ay pumasok si Paul.

"uhmmm... kiss nga kay daddy.." humalik naman ang anak niya sa kanyang pisngi. Nilapitan niya ko at hinalikan din sa pisngi.

Umupo ito sa tabi ko at huminga ng malalim.

"oh pagod na pagod ang asawa ko ah." Sabi ko.

"hai.. tsk.. ang sakit sakit nga ng likod ko"

"naku, alam ko na, humigop ka ng mainit na sabaw. Hali ka nagluto ako ng bulalo. Sigurado akong mawawala yang pagod mo"

Paborito rin kasi niya ang bulalo kaya biglang nagliwanag ang mukha niya.

"hindi mo naman kasi agad sinabi.." dali dali itong naupo at binuksan ang kaserola na nasa mesa.

"dahan dahan lang baka mapaso naman ang dila mo"

-----------

Dumaan pa ang mga araw ay napapansin kong lagi itong matamlay at parang lumilipad ang utak niya kung saan saan. Minsan nakikita ko siyang tulala.

Iniisip ko na lang na baka pagod lang siya at tambak lang ang mga gawain niya dun sa resto. Kaya minsan ay minamasahe ko siya para ma relax.

"babe?"

"uhmmm.... May problema ba? Napapansin ko na lang na matamlay ka?"

"wala babe. Ayusin mo na lang ang pag masahe mo dyan."

Pinagkibit balikat ko na lang ang mga kakaibang kilos niya. Siguro paranoid lang ako. Hindi kasi ako sanay na makitang matamlay pag umuuwi lalo na pag sinasalubong siya ng anak niya.

----

Isang araw ay naisipan kong pumunta sa bahay nila nanay at dinala ko si Ray. Gusto ko kasi siyang makausap baka mabigyan pa nya ako ng payo.

"oh anak, pasok ka dali. Naku ang bilis lumaki ng apo ko."

"oh anak, kumusta naman kayo sa bahay nyu?"

"ok lang po nay.."

"anak alam ko may bumabagabag sa'yo.. ano yun?"

"hmmm... nay nung bago pa lang kayong nagsama ni tatay pano po ang naging buhay nyo?" ang tanong ko kay nanay at ngumiti ito.

"naku anak tungkol diyan ay hindi ako mag sisinungaling sa'yo. Nung una kaming magsama ng tatay mo ay sobrang sweet talaga nito. Syempre palagi din kaming nag aaway. Iba naman kasi pag mag boyfriend girlfriend pa lang kayo. Pag nakatira na kasi kayo sa iisang bubong ay makikita nyu ang galaw ng isa't isa. Naalala ko pa noon nung una kaming mag away ng tatay mo, dumating siya galing trabaho abah eh dinaanan lang ako. Hindi man lang niya ako tinanong kung kumain na ba ako. Yung nakapag painit ng ulo ko ay nung natulog lang diretso. Syempre na inis ako kasi inantay ko siya tapos nagluto pa ko" ang mahabang kwento ni nanay.

"Ano pong ginawa nyu?"

"eh di ayun, umakyat ako sa kwarto at tinalakan ko. Kaya nagalit nag walk out at umaga na umuwi, syempre lalong kumulo yung dugo ko kasi halos buong gabi akong hindi nakatulog sa pag iisip kung saan siya pumunta. Ilang araw ko din siyang hindi pinansin, pero dahil mahal na mahal ako ng tatay mo ay hindi niya pa rin ako natiis."

"sinabi niya din po ba kung ano ang naging dahilan kung bakit hindi ka niya pinansin nung umuwi sya galing trabaho?" ang mahaba kong tanong kay nanay at ngumiti siya bago nagpatuloy.

"sabi niya ay masyado lang daw siyang pagod. Kaya tinanggap ko din ang paliwanag niya. Dun ko natutunan na mahalagang mag usap ang dalawang mag asawa. Alam mo yung dapat maging open kayo sa isa't isa"

Itutuloy...

Hi Soulmate 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon