HS2-18

4.1K 162 18
                                        

Pauls POV

Parang wala nang saysay ang buhay ko, para akong pinatay. Dalawang linggo na mula nang iniwan niya kami ni Ray. Pati sina nanay Elsa at tatay Bert hindi makapaniwala na ginawa yun ni Enzo. Pero kahit sobrang sakit ay hindi ako nakaramdam ng galit sa kanya. Maging ako ay hindi naniniwala sa nabasa ko. Bakit bigla bigla na lang nagkaganun.

Para akong sira ulo na tawag nang tawag sa number na unattended. Send lang ako ng send ng text message kahit alam kong hindi niya naman siguro nababasa ito.

Hindi ako kumbinsido sa sulat na nabasa ko. Ba't biglang nagka ganun? Wala naman akong napansin na kakaiba sa kilos niya. Nasa bahay lang naman siya at inaalagaan ang anak namin. Nagtanong din ako kina manang Beth kung umaalis ba si Enzo sa twing pumapasok ako sa trabaho pero wala naman daw.

Hindi.. hindi totoo yung mga nabasa ko sa sulat.

Nasa gitna ako ng pag iisip ng pumasok si Andrew sa opisina ko.

"dude, tama na yan.." sabi ni Andrew sabay tapik sa'king balikat. Tinignan ko lang siya nang saglit at ibinalik ang atensyon ko sa computer. "dude.. wag mo sanang masamain, pero bilang kaibigan mo gusto kong makita kang masaya. Look it's been two weeks since he was gone"

"I appreciate you dude. Pero you must understand, marami na kaming pinagdaanan at hindi ganun kadali kalimutan ang lahat"

"pare pano ka makaka move on if you won't accept the truth?"

"truth about what dude?!" medyo tumaas ang boses ko, mukhang hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya. Akala niya siguro ganun na lang yun.

"truth na wala na Enzo. I'm just concerned dude... pano ka magmamahal muli kung ganyan ka"

"dude wala na akong ibang mamahalin kundi si Enzo , tapos! Please dude stop, bago ko makalimutang kaibigan kita"

"cool down dude... and I'm sorry.. wait I know what you need, saglit lang" biglang tumalikod si Andrew .

"wait dude.. I don't want surprises. Baka mamaya may babae na namang papasok dito sa office" inunahan ko na siya. Baka kung ano na naman kasing kalokohan ang nasa isip niya.

"masyado kang strikto man... kukuha lang ako ng maiinom pampalamig ng ulo mo"

"whatever dude" at tuluyan na nga siyang lumabas.

After five minutes bumalik sya na may dalang fruit shake "here you go dude" sabi niya sabay lagay ng isang baso nang shake sa harapan ko.

"thanks"

"sure dude... inumin mo na yan, para lumamig na yang ulo mo"

Pagkatapos ng trabaho ay agad akong umuuwi sa bahay. Ang anak ko na lang ang sumasalubong at humahalik sa'king pisngi sa twing darating ako. Kahit saang parte ako pumunta ng bahay nakikita ko si Enzo. Nakikita ko siyang nagluluto sa kusina, naglalaba sa laundry at sa pag gising ko sa umaga nakikita ko siyang nilalasap ang init ng araw sa binta nang aming kwarto. He's everywhere.

Hindi ko mapigilan ang maiyak. Sa tuwing papasok ako sa kwarto ay naaamoy ko ang cologne na gamit niya. May mga naiwan siyang damit na nakalagay sa laundry basket, sabi ni manang Beth lalabhan daw niya. Pero hindi ako pumayag, para akong asong ulol na inaamoy ang damit niya kahit na alam kong iiyak na naman ako pag ginawa ko yun.

Palagi akong nag aabang na makatanggap man lang ako ni isang text o missed call mula sa kanya.

Tuwing day off ko, ako ang nag aalaga kay Ray, para naman makapag pahinga din sina manang Beth. Ngayon ko lang na realize na nakakapagod pa lang mag alaga ng bata, ang sakit sa katawan. Although nakakasama ko palagi si Ray sa tuwing araw ng linggo at pag umuuwi ako sa bahay ay may mga kinagawian ito na wala akong ka alam alam.

Hi Soulmate 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon