HS2-17

4K 153 19
                                    

Enzos POV

"Ray wag kang malikot"

"hayaan mo na siyang magtatakbo andito lang naman siya sa loob ng bahay" sabi ni Paul.

"Baka makabasag pa sya and worst madapa"

"hayaan mo na nga, parte yan ng paglaki nya" hai naku, magiging spoiled talaga tong anak namin. Nakikita ko na balang araw magiging konsintidor itong si Paul pagdating kay Ray. Mahigit isang taon palang si Ray pero eto't nakikipag wrestling kay Paul sa sofa.

"wow ang saya ah" parang masisira ang araw ko, ewan ko ba kung bakit mabigat ang dugo ko sa Andrew na to.

"oh dude napadalaw ka?"

"gusto ko lang dalawin tong inaanak ko... uhmmm ang cute cute mo talaga" ang sabi ni Andrew sabay halik sa pisngi ni Ray.

"c'mon Enz... don't give me that look... past is past.." nakita niya kasing inirapan ko siya.

"Oo nga naman mahal.." naku isa pa tong Paul na to. Hai kung alam mo lang na natatakam yang kaibigan mo sa'yo.

"teka dude, kuha lang ako ng makakain mo"

Mukhang na intriga ako bigla at nagtanong sa kanya habang nasa kusina si Paul. "oh kelan mo balak bigyan ng kalaro yang inaanak mo?" kita ko sa mata ni Andrew ang pagka shock at natagalan pa ito sa pag sagot. Sige Andrew ano ngayon ha?

"ah eh... wala pa eh, wala pang babaeng nagkamali.." at nagbigay ito ng isang pilit na tawa.

"weeeh? Babae nga ba ang hinihintay mo?" nginisihan ko siya "joke lang!!!!" ang pagbawi ko sa aking sinabi. Bigla na lang siyang natahimik.

"oi Drew, joke lang.. eto naman..." naku masyado na yatang obvious na alam kong lalaki pala talaga ang gusto niya. Wag lang siyang magkakamaling taluhin si Paul, papatayin ko talaga siya.

"oh ba't biglang tumahimik?" tanong ni Paul nungdumating siya...

"wala naman.. Andrew kain ka muna, ako ang nagluto ng cake..."

"wow... mukhang ang sarap ah" agad inabot ni Andrew ang cake na dinala ni Paul at nilantakan ito. Masasabi ko na mahal niya ang kanyang inaanak. Sinusubuan pa niya.

Pauls POV

Madalas akong managinip ng masama. Sa lahat ng panaginip ko ay nandun si Enzo. Kadalasang eksena ay nakikita ko siyang lumalayo at minsan may kasamang ibang lalake, lalake na hindi ko nakita ang mukha ni minsan.

Nagigising ako sa pag yug yog sakin ni Enzo sa twing binabangungot ako, minsan naman ay mag isa ako sa kwarto at luhaan. Hindi ko alam kong ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko. 'Mahal alam mo ba mas nanaisin ko pa na ako ang unang mamatay. Kasi baka mabaliw ako pag nawala ka' yun ang mga salitang biglang lumabas sa kanyang bibig nung isang araw.

Eto na naman ako ngayon, nakaupo sa gilid ng kama. Nagising na naman ako sa isang masamang panaginip. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at nakita ko na naman ang kanyang ngiti, ang ngiti na nagpapagaan sa loob ko. Nilapitan niya ako at naupo siya sa aking tabi. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi.

"yung masamang panaginip na naman?" ang tanong niya sa malambing na tono. Tumango lamang ako. binigyan niya ako ng isang matamis na halik sa labi at napatingin lang ako sa mga mata niya.

"tama na nga yan... panaginip lang naman yan eh..." ang sabi niya at niyakap niya ako.

"halika na nga, sa sobrang kakatulog mo kung ano anu na ang napapanaginipan mo" hinawakan niya ang kabilang kamay ko at hinila.

Hi Soulmate 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon