HS2-12

4.2K 165 3
                                    

Eto na po yung bagong chapter. Sana po magustuhan nyu.. Thanks po sa patuloy na pag subaybay.. Enjoy reading po :)


Enzos POV

Pauwi na kami ngayon ni Paul matapos ang limang araw na bakasyon. Sobrang saya ko talaga. Excited akong umuwi para makita ang anak ko, hai na miss ko siya sobra.

Hindi ko pa nga na aayos ang mga dinala namin pero agad kong tinawagan si mama para ipaalam sa kanya na nakauwi na kami at nang maihatid niya si Ray. Nag ring lang nang sandali at bigla itong naputol. Tinawagan ko ulit pero bigla nang naging unattended ang phone ni mama.

Nagsimula na kong mataranta at kabahan. Para akong sira na dial ng dial pero wala talaga akong marinig na ring.

"oh mahal ba't ganyan ang itsura mo?" tanong ni Paul.

"eh kasi tinatawagan ko si mama para ipaalam na nakauwi na tayo pero nag ring lang nang sandali tas unattended na"

"baka na low bat lang, alam niya naman na ngayon tayo uuwi mamaya lang ay andito na sila"

"eh kinakabahan ako eh"

"ssssh... ayos lang ang anak natin. Si mama pa" at niyakap ako ni Paul sabay halik sa ulo ko. "nagtext na rin ako sa kanya kanina na pauwi na tayo" dugtong pa niya.

Ewan ko siguro nagiging o.a lang talaga ako. Oo nga, alam ni mama na ngayon kami uuwi, baka sinusulit niya rin ang pagkakataong kasama ang apo niya. Kahit kinakabahan ako ay pilit ko pa ring kinakalma ang aking sarili. Na isip ko na lang na magluto ng paborito ni mama, ang pochero baka maya maya ay andito na sila. Dito na lang sila maghahapunan.

"wow ang bango niyan ah.. ano yan?"

"pochero..."

"paborito ni mama yan"

"naisip ko kasi na dito na sila maghapunan kasama natin"

"mahal sasabihin ko sa'yo ubusin mo nang iluto yung natitirang baboy, alam ko mag te take home niyan si mama.. uhmmmm amoy pa lang halatang masarap na" ang sabi ni Paul, pero inamoy niya yung leeg ko pero hindi ang niluluto ko.

"ayan ka na naman.."

"oh ano na naman?" pa inosente niyang tanong.

"eh hindi naman yung niluluto ko yung inaamoy mo kundi yung leeg ko. ikaw talagang lalake ka, kahit kailan malibog ka"

"hmmm... ayaw pa kunwari pero kinikilig at gusto din naman niya.." pabulong niyang sabi.

"anong sabi mo?"

"wala sabi ko ihahanda ko na lang ang lamesa"

Umabot na nang alas otso nang gabi pero wala pa rin ang anak ko, wala pa rin sila mama. Kinukutuban na'ko ng hindi maganda. Tinawagan ko ulit si mama pero unattended pa rin ang telepono niya.

"natatakot na'ko, anong oras na wala pa sila mama.. tinawagan ko hindi pa rin nag riring.." parang naluluha na ang mata ko. ewan ko ba parang may mali kasi.

"halika, pupunta tayo sa bahay nina mama baka andun sila. Hai ano ba tong si mama, hindi man lang nagsabi kung nakauwi na sila" ang sabi bi Paul na medyo naiinis na.

Sumakay kami ng kotse at dali daling tinahak ang daan papunta kina mama. Parang hindi na ako mapakali. Diyos ko po, sana pagdating namin dun sa bahay nina mama, sana andun lang sila. Kahit aircon ang kotse, ay grabe ang pawis ko.

Pagdating namin sa bahay nina mama ay iilan lang ang ilaw na nakasindi. Agad bumaba si Paul ng kotse at parang walang katapusang nag doorbell. Maya't maya pa ay binuksan ni ate Beth ang gate, isa sa mga kasambahay.

"ay sir Paul, sir... magandang gabi po, pasok po muna kayo" ang bati sa'min ng kasambahay.

"ate Beth, andyan na ba sila mama?" ang tanong ni Paul.

"ah eh, wala pa po eh.. kahapon pa po sila umalis nang papa mo kasama yung anak nyo"

"san ho nagpunta?"

"sabi ng mama mo pupunta daw sila dun sa tita Rita mo dahil fiesta dun. Sabi niya ngayon daw sila uuwi, nagluto pa nga ako ng hapunan nila"

Hindi na talaga tama ang mga nangyayari. Mag aalas diyes na ng gabi. Sinubukan kong tawagan uli si mama pero unattended talaga ang phone niya. Pagkalipas ng ilang sandali ay nag ring ang cellphone ni Paul.

"si mama tumatawag" ang sabi ni Paul at agad niya itong sinagot.

"hello ma... asan na kayo?" ang pag sagot niya na may halong pagkairita "oo, bakit po?... ha? Anong nangyari? sang ospital?" bumalik muli ang matinding kaba sa dib dib ko nang marinig ko ang word na 'ospital' "miss kumusta yung batang kasama nila?" nagkatitigan pa kaming dalawa ni Paul. kita ko sa mga mata niya ang pagka shock "miss teka... napuputol ang boses mo... miss! Shit!"

"bakit anong nangyari?!"

"sina mama daw na aksidente!"

"ano?! Kumusta sila? Yung anak natin?" parang hindi ako makahinga, naaksidente sina mama at kasama nila ang anak namin.

"hindi ko naintindihan ang sinabi ng nurse. Punta tayong ospital ngayon"

"diyos ko po!" ang sabi ni manang Beth.

Diyos ko sana ok lang sina mama at ang anak namin. Habang tinatahak namin ang daan papuntang ospital, nakita namin sa hindi kalayuan na may mga umiilaw at maraming tao. Nang papalapit kami ay hindi ko alam kong mahihimatay ako o kung mamatay na talaga ako. Nakita namin ang sasakyan nina mama, wasak na ang harapan nito at maraming dugo. Nabangga ito ng isang ten wheeler na truck na nagkakarga ng tubo.

"mahal gusto ko nang makarating sa ospital, kinakabahan ako baka kung anong nangyari sa anak natin" nakita kong umagos ang luha ni Paul habang nagmamaneho. Alam kong hindi ako dapat mag isip nang ganito, pero sa itsura ng sasakyan parang imposible na mabuhay pa ang mga sakay nito. Para itong niyuping lata at nagkalat ang dugo sa paligid nito.

--------

"miss may dinala po bang dalawang matanda at bata na isang taong gulang?" tanong ni Paul sa nurse na nasa information.

"opo, kayo po ba si Mr. Paul Velasquez?"

"yes miss ako yung kausap mo sa telepono kanina"

"sir ikinalulungkot kong sabihin pero dead on arrival ho ang dalawang matanda"

Biglang sumikip ang dib dib ko sa sinabi nang nurse.

"miss asan na sila kailangan ko silang makita"

"sir mas makakabubuti po na hindi nyo na po muna makita ang sitwasyon nila"

"bakit!? Bakit?! Gusto ko lang naman silang makita!"

"sir huminahon na po muna kayo" ang sabi ng nurse.

Niyakap ko uli si Paul at pilit siyang pinakalma "Paul... ma upo ka muna please..." kahit ako ay nabigla sa nangyari. Lahat tayo takot mamatay at mamatayan ng minamahal sa buhay. Natatakot din ako sa tuwing maiisip ko na darating din ang araw na iiwan din ako ni nanay at tatay.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin ko kay Paul. Masakit nga para sakin na maikling panahon lang ang pinagsamahan namin ni mama at papa kaya hindi ko ma imagine kung gano kasakit ito para kay Paul.

"sir, sunod po kayo sakin"

At sumunod din naman kami sa nurse at tinungo ang isang kwarto. Kahit papano ay nabawasan ang lungkot na nararamdaman ko nang makita ko si Ray na nakahiga sa ospital bed at mahimbing na natutulog. May iilang sugat ito sa kanyang mukha. Wala siyang kamuwang muwang kung anong nangyari sa lolo niya.

Itutuloy.....


Hi Soulmate 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon