HS2-4

4.4K 175 25
                                    

Pasensya na kakagising ko lang. Pagod kasi sa byahe mula Bacolod to Cebu. 

Sana suportahan nyu pa rin ito gaya ng ginawa nyong pag suporta sa HS1. Enjoy lang po! :)


Grabe ang pawis ko at natataranta nako. Kanina pa iyak ng iyak si Ray at napaka init ng katawan niya. Mas lalo lang akong nag panic ng makita kong dumudugo ang ilong nito. Kailangan madala ko siya sa ospital. Sobra sobra ang kaba ko. Ganito pala ang pakiramdam ng isang magulang pag nakikitang naghihirap ang kanyang anak.

Nakasakay na kami sa taxi. Patuloy sa pagtagaktak ang pawis at luha ko. Natatakot ako baka may mangyaring masama sa anak namin. Naku po wag naman sana.

Pag dating namin sa ospital ay agad namang inasikaso ng mga nurse si Ray. Masakit sa kalooban na marinig ang kanyang pag iyak, parang pinupunit ang puso ko. Kung pwede lang na kunin ko sa kanya ang kung ano mang sakit na nararamdaman niya.

Na upo ako at tinawagan si Paul. Nag ring lang nang nag ring ang cellphone niya pero hindi niya sinasagot. Parang na iinis na ako dahil makailang beses na akong nag dial pero hindi niya talaga sinagot ang kanyang telepono. Ano kayang ginagawa niya?

Ilang minuto pa ay tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Paul.

"hello mahal, pasensya hindi ako nakasagot kanina. May problema bah?"

Natulala na lang ako kasi hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya ang masamang balita. Naiyak na lang ako at narinig ni Paul ang aking pag hikbi.

"mahal anong nangyari sa'yo jan? teka umiiyak ka ba?"

"mahal andito kami sa ospital"

"huh? Bakit anong nangyari?"

"si Ray ang taas taas ng lagnat at dumudugo ang ilong niya?"

Rumehistro na naman sa isip ko ang itsura ng anak namin na hirap na hirap. "tinitingnan pa siya ng mga doctor ngayon"

"pupuntahan ko kayo diyan"

-------

Maya't maya pa ay nakita ko si Paul na patakbong pumasok sa ospital. Agad naman niya akong nakita at lumapit siya sa'kin. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pag aalala.

Tinabihan niya ako at niyakap.

"Paul natatakot ako baka may mangyaring masama sa anak natin" ang sabi ko sabay yakap sa kanya. Hanggang ngayon hindi tumitigil ang papatak ng luha ko.

"sssshhhhh... wag kang mag salita ng ganyan, magiging okay ang anak natin" banayad niyang hinahaplos ang aking likod.

"excuse me sir"

"doc kumusta ang anak ko" ang tanong ni Paul sa doctor.

"kayo po ba ang ama? Nasan ang misis mo?"

"ito po yung asawa ko" ang sabi ni Paul sabay haplos ng palad niya sa ulo ko na siya namang ikinagulat ng doctor at nag loading pa nang konti.

"ah... ganun bah"

"doc kumusta na ho ang anak namin?" tanong ko sa doctor

"may dengue ang anak niyo,bumaba ang platelet count niya. Kailangan niya ng blood transfusion as early as possible. Kailangan niyong humanap ng AB positive na dugo. Pwede nyu na siyang puntahan. Excuse me" ang mahabang sabi ng doctor.

AB? Napaka rare ng dugo na yan. Sumasakit na ang ulo ko sa pag iisip.

Hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko. iniisip ko na pabaya akong klase ng magulang.

Hi Soulmate 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon