HS2-7

4.3K 186 23
                                    


Pauls POV

Alas otso na ng gabi pero andito pa rin ako ngayon sa opisina. Parang nadadagdagan lang ang inis ko sa tuwing maaalala kong tinakasan na naman ako ni Enzo. To the rescue pa ang ugok na pulis na patola na si Clyde.

Bad trip! Ma babankrupt na talaga tong resto. Isa isa nang nag aalisan ang mga tauhan namin. Pano kasi hindi na namin ma pa sweldo ng maayos. Halos napupunta na sa droga at pag happy happy kada gabi ang kita namin.

Pero ang mas iniisip ko ngayon ay kung pano ko maibabalik si Enzo at ang anak ko. Hindi ako papayag na mapunta siya sa pulis patolang yun. Kung kailangan kong pumatay gagawin ko.

"oh dude, andito ka pa? baka nag aantay na ang asawa't anak mo sa'yo?" ang tanong ni Andrew.

"walang nag aantay sakin sa bahay, nilayasan nila ko"

"whaat? Bakit anong nangyari?"

"nagtalo kami, nasuntok ko. Nagising ako mga madaling araw nakita kong papalabas ito ng bahay, may dalang bag kasama ang anak namin"

"and then anong ginawa mo?"

"hinabol ko, tumakbo na naman. Dyan naman siya magaling, sa pagtakbo, naabutan ko na sana pero umeksena yung ugok na pulis patola"

"pano hindi siya tatakbo pare sinaktan mo eh. Tsaka sabi mo umeksena ang pulis patola? You mean si Clyde?" bahagya pang natawa si Andrew adik talaga " pare nakakatakot yan, pulis mismo ang tumulong kay Enzo, mabuti na lang walang umaresto sa'yo dito?"

"subukan niya lang, bubugbugin ko siya"

"chill pare, alam ko na kung anong kailangan mo" ang sabi ni Andrew tapos lumabas ito ng opisina. Akala ko may kinuha lang ang mokong pero ang tagal niyang bumalik.

Wala akong pakialam kung pulis yung Clyde na yun. Akin lang si Enzo!

Nakita kong bumukas ang pinto ng opisina ko at nakita ko si Andrew may kasamang babae. Sobrang ikli ng short nito at naka tube. Maganda ang babae, makinis at seksi.

"dude eto oh, baka kasi tigang ka na. Tumikim ka muna ng ibang putahe. Enjoy.." nakangiting aso na sabi ni Andrew at sinara ang pinto.

Naupo ang babae sa upuan. Pero tinignan ko lang ito.

"kayo na po ang bahala sir" sabi nung babae sa maharot na tono.

"tss...!!!" sa totoo lang wala akong gana sa kanya.

"ah alam ko na ang gusto niyo sir.. gusto niyo munang maglaro?" lumapit sakin ang babae saka hinimas himas ang dib dib ko. Naramdaman kong kinagat nito ang aking tenga tsaka hinalikan ang leeg ko.

Sorry siya tulog pa rin si jun jun. Waaaa epek!

"miss itigil mo nga yan, umuwi ka na" nakita kong nadismaya ang babae at tinignan ako ng masama. "oh alis na" inirapan ako ng babae at mabilis na lumabas ng pinto. Uuwi na rin ako kaya nang makalabas ang babae ay lumabas na din ako ng opisina.

Nakita ko si Andrew na kakalabas lang ng cr at kita sa itsura nito ang pagtataka.

"oh? Tapos na agad? Quickie?"

"pina alis ko"

"dude.. bakit? Bayad na yun"

"ayoko"

"bakit?"

"basta ayoko"

Ngumisi pa ang gago. "ayaw mo nang babae, tara maghanap tayo ng bakla dun" sinamaan ko ito ng tingin.

Hi Soulmate 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon